Napaatras ako sa kama. Nanghihina ako sa labis na takot para sa sarili at kay Mama at sakit dahil sa narinig ko kani kanina lang. Tania answered Sage's phone in the middle of the night. That means... Tumiim ang bagang ko at tumulo ang mga luha. Hindi lang dahil doon kundi dahil rin sa sitwasyon ko ngayon. Four men are in front of me with a full masks in their heads. Hindi ko sila makilala dahil doon. At wala na ako sa tamang pag-iisip para alamin pa iyon. All I am thinking now is to escape from this place! "Anong ginagawa niyo rito? Bakit kayo pumasok?!" my voice trembled but I tried to stop my tears. "Tulong! Tulungan–" "Sige, magsisigaw ka pa at baka hindi mo na maabutan ng bukas ang nanay mong buhay." Nanlamig ako nang marinig ang pamilyar na boses. Ngunit lalo lang akong natakot na

