Nag-iwas ako ng tingin at inaya na siyang umalis doon. I walked first pero kalaunan ay sinabayan niya ako. He snaked his arm on my waist. Hinapit niya ako palapit sa kanya nang may isang kargador kaming nakasalubong. Tinanggal ko ang summer hat pagdating sa kotse. He also took off his fedora. "Ako na ang papasok sa loob," aniya nang tumigil kami sa isang fast food. I was left in the car so I just scrolled my newsfeed in f*******:. Biglang nagpop up ang isang message mula kay Rose. Rose: Sana all may date with Mr. Hottie! Paniguradong si Brenda ang nagsabi sa kanya. Wala naman kasing ibang may alam ng lakad ko ngayon. Ako: This isn't a date. Rose: Talaga ba? Hahaha! Neknek mo ulul! Hindi na ako nagreply at nakinig na lang sa music habang inaantay si Sage. Humilig ako sa upuan at

