KANINA pa nakatunghay si Froilan sa mahimbing na natutulog na si Kathryn. Masarap pa rin ang tulog ng dalaga, at nauunawaan niya iyon—dahil sa nangyari kagabi. Halos mag-uumaga na nang tuluyan niya itong tigilan. Humiga siya sa tabi nito at marahang hinaplos ang pisngi ng dalaga. “You’re so beautiful, Kathryn… sa loob man o sa labas,” mahinang wika ni Froilan, halos pabulong. “’Yan ang dahilan kung bakit ayaw na kitang pakawalan. Sapagkat kapag pinayagan pa kitang umalis… baka tuluyan ka nang mawala sa akin.” Ilang sandali pa’y marahang siyang tumayo nang marinig ang pagtunog ng doorbell. Binuksan niya ang pinto, at bumungad sa kanya si Codi. “Anong kailangan mo, at hindi ka makapaghintay na bumaba ako?” tanong ni Froilan, salubong ang kilay. “Tungkol po sa tunay na mga magulang ni Ms

