DAHIL sa kagustuhan ni Kathryn, sinunod ni Froilan na ipahanap ang squatter area na sinasabing kinaroroonan ng anak niya. Ngunit ayon sa mga tauhan, wala silang nakitang batang katulad ng inilalarawan ng babaeng nagpakilalang janetress. Pinuntahan din nila ang mansion ng mga magulang upang hanapin ang babae, ngunit ayon sa mayordoma—wala na raw ito roon. “Saan natin hahanapin ang bata?” nag-aalalang tanong ni Mae, habang hinahawakan ang kamay ni Froilan. “Mahal, huwag kang basta naniniwala sa mga sinabi ng babaeng ‘yon,” mahinahong tugon ni Froilan, bagaman halata sa tinig ang pagpipigil ng galit. “Nakita mo naman—wala na siya sa mansion. Ibig sabihin, puro kasinungalingan lang ang sinabi niya sa’yo.” “Siguro nga tama ka,” mahinang sagot ni Mae, sabay iwas ng tingin. “Pero nakita ko ang

