25 Years Later... Ika–dalawampu’t limang anibersaryo ng kasal nila Mae at Froilan—silver wedding anniversary. Sa kabila ng tagumpay at saya, may kung anong puwang pa rin sa dibdib ni Mae. Marahil dahil ang kaisa-isang anak nila, si Freyah, ay naninirahan sa Alaska at bihirang umuwi. Ito ang nangangasiwa sa tatlong branch ng negosyo nila roon. Ngayon, espesyal ang araw—umuwi si Freyah para makasama silang magdiwang. Kaya hindi mapakali si Mae; sabik na sabik siyang muling mayakap ang anak. “Froilan, wala pa ba si Freyah?” tanong ni Mae habang palakad-lakad sa sala, halatang kinakabahan. “Wala pa, Mahal. Baka na-traffic lang sila, o baka may dinaanan pa ang anak natin,” mahinahong sagot ni Froilan habang abala sa cellphone. “Pero kanina pa siya nakalabas ng arrival area, bakit hangga

