NANG makuha nila ang katawan ni Karina Kaye, agad nila itong dinala sa Vietnam. Gaya ng ipinangako ni Mae, inilibing nila ito sa tabi ng mga magulang sa himlayan ng pamilya. Kahit papaano, nakaramdam siya ng kapayapaan sa dibdib — isang bahagyang ginhawa matapos ang mahabang paghahanap. Ngunit may isang bagay pa ring hindi niya maalis sa isipan: si Baby Troy. Hanggang sa mga oras na iyon, wala pa ring balita kung nasaan ito, at lalong tumitindi ang kanyang pangamba. “Mahal,” wika ni Froilan habang pinagmamasdan ang lapida ni Karina, “ngayon na magkakasama na silang tatlo, at maayos na rin ang turnover ng ownership sa lahat ng kumpanya... ano ang plano mo? Mananatili pa ba tayo rito?” “Hindi,” marahan ngunit mariing sagot ni Mae. “Ayaw kong magtagal sa lugar na ito. Hihintayin ko lang an

