CHAPTER- 52

1722 Words

TINANGGAP ni Mae nang walang alinlangan si Froilan. Anuman ang nakaraan ng binata ay hindi nakabawas sa pagmamahal niya rito. Ngayon niya napatunayan na kapag tunay ang pag-ibig ng isang tao, mabuti man o masama ang nakaraan nito, kayang burahin ng puso ang lahat ng iyon. Sa halip na husgahan, mas nanaisin pa niyang tulungan itong magbago at maitama ang mga maling nakasanayan. Pagkatapos nilang mag-usap, napagkasunduan nilang lumabas kasama ang ilang kaibigan ni Froilan. Sa huli, sa isang sikat na bar sila nauwi. Kagaya ni Froilan, may kanya-kanyang kasama ring babae ang mga kaibigan nito. Bagaman bahagi si Mae ng mundo ng modeling, hindi siya sanay sa ganitong uri ng night life. Sa limang taon niya sa industriya, trabaho at bahay lang ang umiikot sa kanyang buhay. Kailanma’y hindi siya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD