NAKAMASID lang si Froilan kay Kathryn, bahagyang nakangiti sa bawat sagot nito sa kanyang mga tanong. Sinasakyan lang niya ang mga palusot nito—halatang-halata namang hindi sanay magsinungaling. “Bakit tumigil ka? Naubos na ba ang mga dahilan mo?” tanong ni Froilan, may mapang-uyam na ngiti sa labi. “Kuya NogNog, ano ba ang sinasabi mo?” garalgal na wika ni Mae, nagsisimula nang manikip ang dibdib sa kaba lalo’t unti-unti nang lumalapit ang binata. “Don’t move,” malamig ngunit mababa ang tono ni Froilan. “Huwag kang magtangkang lumayo… o gusto mo talagang maparusahan?” “A-Ano’ng parusa ang… gagawin mo sa a-akin?” halos pabulong na tanong ni Mae, habang napapaatras, hindi maalis ang tingin sa mga matang tila nang-aakit ngunit may halong babala. Hindi siya sinagot ni Froilan. Sa halip,

