CHAPTER- 50

2240 Words

WALA nang ibang pagpipilian si Mae kundi tawagan ang local manager. Nais na niyang bumalik sa trabaho—tutal, wala na rin naman siyang dahilan para manatili pa ng ilang araw sa bansa. Masyado siyang nabigla sa mga nangyari, at pakiramdam niya ay parang magkakasakit siya. Mahina talaga siya pagdating sa ganitong uri ng sitwasyon. Sinabi niya sa manager na magkita sila sa unang agency na pinasukan niya noon. Doon niya ito hihintayin, sa likuran ng building—sa loob ng coffee shop. Habang naghihintay, muling bumalik sa isip ni Mae ang mga pangyayari sa party ng Momma ni Froilan. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya natawagan ang ina ng bata. Kaya agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ito. Maayos niyang ipinaliwanag ang lahat at sinabi na mas mabuting ito na mismo ang magsabi kay Froilan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD