SA kwadra, kahit sikaping kumalma ni Atlas Froi, hindi niya magawa. Lalo pa at nakita ang kopya ng cctv, nang ilang beses na pag labas labas sa gabi ng dalawang tauhan. Nahagip din sa camera ang pakikipag-usap nang mga ito sa taong nakasakay ng puting kotse. “Hindi ko inaasahan na kapwa pinoy pa ang nagtraydor sa akin!” Ang panga niya ay naggagalawan sa matinding galit. Hindi nagdadalawang isip na binunot ang baril ng isang bodyguard at dalawang beses na kinalabit iyon. “Donald, clean the messed, siguraduhin mong mananahimik ang dalawang yan!” “Copy, Bigg Boss.” “B-Bigg Boss, p-patawarin mo na kami…” Kahit nagmamakaawa ang dalawang lalaki ay hindi na pinapansin ni Atlas Froi, diretso lang ang lakad niya patungo sa bahay. Ang asawa niya ay kanina pa naghihintay sa kanya at halos lun

