Weekend na. Papunta na kami sa bahay nila Mike pero hindi nakasama si Geoff dahil pinatawag daw siya ng Daddy niya sa opisina nito at may dapat daw silang pag usapan na importante. Plano namin na mag overnight kila Mike sa Laguna. Si Lance ang nagdirve ng sasakyan ni Moana dahil ayaw daw mag drive nito at napakalayo daw ng Laguna. Si Lance at Alex ang nasa harap. Kami naman ni Moana ang nasa gitna at si Sandra at Leila naman ang nasa likod.
Alam mo beshy may napapansin ako diyan kay Lance at Alexa. Pakiramdam ko may tinatago yang dalawa na yan sa atin. Iba kung magkatinginan ehh.
Ako din beshy napansin ko yun. Tingin mo ba na sila?
Ewan ko. Ang arte din kasi ng dalawang yan may palihim lihim pa obvious naman na gusto ang isat isa.
Bitter ka talaga beshy. Wala ka pa din bang bagong nabibiktima?
Anong tingin mo sa akin manananggal at easy to get? Haler.
Oo manananggal ng brief. Tawang tawa kong sabi sa kanya.
Ayy sa true ka dyan beshy. Yan ang gustong gusto ko. Tuwang tuwang sabi nito sabay hampas sa akin.
Kadiri ka talaga girl.
Hoy ano bang pinag uusapan niyo diyang dalawa at kanina pa kayo bulungan ng bulungan diyan. Isali niyo naman kami. Sabi ni Leila.
Wala yun girl. Di naman importante. Sabi ni Moana
Guys nga pala gusto lang namin ipaalam sa inyo ni Alexa na nililigawan ko na siya at pumayag naman na siya. Nakangiting sabi ni Lance sabay tingin nito kay Alexa na nakangiti din.
4th year Highschool pa lang kami ay alam na naming lahat na may gusto na si lance kay Alexa. Di lang nito masabi dahil nga iniingatan nito ang pagkakaibigan nila. Tsaka may mga naging bf din nun si alexa lalo na nung nagcollege kami kaya hindi din makahanap ng pagkakataon si Lance na sabihin kay alexa ang nararamdaman niya para dito. Sobrang nirerespeto ni Lance ang relasyon nito at ng bf ni Alexa nung college kami. 3 years din ang relasyon ni alexa at ng bf nito. Pero naghiwalay sila nung 4th year college kami at si Lance ang pinaka hindi siya iniwanan ng mga panahong yun. 5 yrs na kaming nagtratrabaho tsaka lang umamin si Lance kay Alexa pero hindi alam ni Alexa ang isasagot niya ng umamin si Lance sa kanya. Kaya pala lately ay umiiwas si Alexa kay Lance.
Andito na tayo. Sigaw ni Moana kaya napatingin ako sa labas.
Grabe namiss ko tong lugar na to.
Once a month ay dinadala ako dito dati ni Mike. Uuwi lang kami kapag may pasok na. Ang sarap din ng simoy ng hangin dito dahil napakadaming puno sa bakuran nila. Napakalawak ng bakuran nila at nasa gitna nito ang bahay nila. Mayaman din naman ang pamilya nila Mike pero simple lang talaga ang pamumuhay ng mga ito. Pinalaki kasi sila ng magulang nila ng simple lang.
Ate Margaux. Tumatakbo na sigaw ni Julia sabay yakap sa akin.
Hi Julia kamusta ka na? Ang ganda ganda mo. Dalagang dalaga ka na ahh.
Mas maganda ka pa din ate. Namiss talaga kita ate. Mahigit isang taon ka ng hindi nagparamdam sa amin. Buti na lang umuwi si kuya Aethan. Malapit na sana kaming magtampo sayo. Kunyaring nagtatampo nitong sabi.
Pasensya na kayo ah. Di ko naman sinasadya. Nahirapan lang talaga ako sa nangyari but I'm ok now. Promise dadalasan ko ang pagdalaw dito. Nakangiti kong sabi dito.
Tara ate pasok na tayo nasa loob na silang lahat. Tumatawa nitong sabi sabay kapit sa braso ko.
Hi ate Margaux. Bati ni Josh
Hi Josh. Kamusta?
Ito gwapo pa din. Natatawang sabi niya.
Di ka pa din nagbabago. GGSS ka pa din, gwapong gwapo sa sarili. Natatawa kong sabi
Hoy gwapo naman talaga yan si Joah beshy. Kung hindi lang yan kapatid ni Mike baka ginawa ko na yang scholar ko.
Naku naku yan ka nanaman Moana. Kung pinanglilibre mo na lang yan sa aming mga binibigay mo sa mga boylet mo matutuwa pa kami sayo. Sabi ni Sandra.
Cge libre ko plane ticket niyo papuntang boracay. Pero papunta lang. Bahala na kayo pabalik.
Ang kuripot mo naman sa amin. Samantalang yung kenneth na yun pangkabuhayan ang binigay mo tapos sa amin ay plane ticket lang papunta? Sabi naman ni Leila
Eh ano bang gusto niyo? Free travel to boracay with pocket money ganern?
Ganern na nga. Sabay sabay naming sabi at nagtawanan kami pati na ang pamilya ni Mike dahil sa mga kalokohan namin.
O siya siya mga hampas lupang mga kaibigan ko. Free ticket na back and forth. Mahiya naman kayo sa akin at sagutin niyo na ang panghotel at pagkain ninyo no.
Tinignan namin siya ng masama.
O siya sige na pati hotel niyo sagot ko na mga bwiset. Nakasimangot na sabi nito.
Ang bait talaga ng friend namin, we love you. Sabay sabay ulit naming sabi at tsaka kami nagtawanan.
Grabe namiss ko kayong lahat. Sabi ng Mommy ni Mike. Nagbeso at yumakap ako sa mommy ni Mike. I miss you Tita. Kamusta na po kayo? Si tito po at kuya aethan ay nasaan?
Ito maayos naman kami Hija. Nasa farm sila. Harvest time kasi ngayon ng palay. Sinamahan ni Tito niyo si kuya aethan ninyo para makapasyal na din ito kahit papaano.
Alam na po ba nila na nandito kami?
Oo tinext ko na si Tito mo sabi ko ay maaga silang umuwi. Magdadala daw sila ng buko galing sa farm para daw makatikim kayo ng sariwang buko.
Wow namiss namin yan Tita. Sabi ni Alexa.
Oo nga naalala ko na paborito niyo yang magkakaibigan.
Yes tita. Because a buko a day keeps doctor away. Sabay sabay naming sabi.
Natawa naman si tita at ang kambal sa amin.
Hanggang ngayon ang kukulit niyo pa din pala. Sabi ni Tita.
O siya tara na at ng makakain na kayo. Magtatanghalian na din naman at nakahain na ang mga pagkain.
Wow namiss namin kumain dito sa garden niyo tita napakaganda at aliwalas talaga dito. Sabi ni Lance.
Oo nga hijo. Ngayon na lang ulit kami kumain dito simula nung mamatay si Mike. Buti na lang at dumalaw kayo.
Pasensya na tita at ngayon lang kami napadalaw. Promise po na dadalasan namin ang pagpunta dito. Nakangiti kong sabi.
Oo nga tita next time kasama na namin ang boyfriend ni Margaux para naman po makilala ninyo. Sobrang gwapo at yummy Tita. Pero siyempre wala pa din tatalo kay Papa Mike. Natatawang sabi ni Moana.