Hi Margaux!
Oh hi Kuya Aethan. I miss you. Sabay yakap sa kanya.
Namiss din kita Margaux. Kamusta ka na nga pala?
Ito ok naman kuya Aethan. Ikaw? Long time no see ahh. Kelan ka pala nakauwi? Si lola Lily kamusta?
By the kuya si Geoff nga pala boyfriend ko. Geoff si kuya Aethan pinsan ni Mike.
Hi pre. Nice meeting you. Masayang bati ni kuya Aethan kay Geoff.
Nice meeting you din pre. Nakangiti ding bati ni Geoff at tsaka sila nag shake hands.
Hi kuya Aethan. Ang gwapo mo pa din. Kinikilig na sabi ni Moana.
Ikaw din ang Gwapo mo talaga Mon. Natatawang pang iinis nito kay Moana.
Ay naku mali ka dyan. Maganda pa din ako hindi gwapo. Kainis ka pa din kuya.
Dito ka na umupo sa amin kuya Aethan para makapag kwentuhan naman tayo. Alok ko dito.
Kelan ka nga pala dumating kuya?
Kahapon lang. May nilakad lang ako dyan sa malapit at naisipan ko kumain dito kasi namiss ko na ang kfc. Alam mo naman long time favorite ko to way back then.
Hahaha oo nga kuya. Naalala ko nga.
Kamusta pala si lola lily? Kasama mo ba siyang umuwi?
Hindi ako lang mag isa ang umuwi. Hindi na kasi kaya ni Lola ang bumiyahe ng malayo. Alam mo na 80 yrs old na siya kaya hirap na.
Sabagay, anlayo nga naman ng amerika.
Saan ka pala tumutuloy ngayon kuya?
Sa ngayon sa isang Hotel ako tumutuloy. Bukas ay didiretso na ako sa bahay nila Mike para dun mag stay hanggang sa maayos ko yung mga titulo ng lupa na pinapaayos ni lola sa akin.
Beshy dalaw tayo sa bahay ni Mike sa weekend. Di ba matagal na tayong hindi nakakapunta dun. Para makamusta naman natin sila Tita at ang kambal. Para din makabonding natin ng mas matagal si kuya Aethan bago siya bumalik ng amerika. Good Idea ba kuya?
Ofcourse guys you are always welcome sa bahay nila Mike. For sure matutuwa sila tita at ang kambal kapag nakita kayo, lalo ka na Margaux. Balita ko hindi ka na ulit nakapunta sa kanila simula nung mamatay si mike.
Oo nga kuya ehh. Nahirapan kasi ako tanggapin na wala na siya. Pero I am ok now. Sige dalaw kami dun sa weekend. Pakisabi na lang din kila tita if hindi sila busy nun.
Ok lang naman di ba Geoff?
Oo naman Babe walang problema.
Thank you Babe.
Awwww kakilig naman yung babe. Sana all may babe. Sabi ni Moana at Sabay kapit sa braso ni kuya Aethan. Lumayo naman ito sa kanya at kunyaring nandiri.
Ano ka ba Moana masyado kang PDA. Natatawang sabi ni kuya Aethan.
Arte mo kuya Aethan buti na lang Gwapo at yummy ka. Hmpf.
O siya tama na yang asaran niyo. Kuya Aethan kailangan na pala namin mauna kasi patapos na ang lunch break namin. Pasensya na ahh. Baka kasi mapagalitan kami ng Boss namin. Bumubuga pa naman ng apoy yun. Nagtawanan kami sa sinabi ko.
O sige patapos na din naman ako at may pupuntahan pa din ako after nito. Ingat kayo. See you sa weekend. Sama niyo buong barakada ah.
For sure sasama yung mga yun kuya,
See you sa weekend. Bago kami umalis ay nagbeso pa ito sa amin ni Moana at tinapik sa balikat si Geoff. Tinanguan naman niya ito bilang pagpapaalam.
Habang nasa elevator ay nagsalita si Geoff.
Close ka pala talaga sa pamilya ni Mike no?
Oo naman. Actually kaming buong barkada. Kabarkada kasi namin siya bago pa maging kami.
Ahh I see.
Uyyyy nangangamoy selos ahh. Pang iinis ni Moana kay Geoff.
Napatingin naman ako dito at tinanong siya kung nagseselos ba siya.
Huh? Hindi ahh. Ikaw Moana kung ano ano pumapasok diyan sa utak mo.
Achu chu. Denial to death pa si Papa Geoff oh. Wag kang mag alala mahal ka nyan ni Margaux. Hahahahaha at bumunghalit ng tawa si Moana dahil sa nakita niyang reaksyon ni Geoff.
Tumigil ka na nga diyang bakla ka. Sapakan kita ehh. Sabi ko.
Nagpatuloy na kami sa kanya kanya naming trabaho. Halos hindi na kami nag uusap usap dahil sa tambak na trabaho.
Kapag lunes talaga ay napakaraming kliyente na dumadating sa aming opisina. Ewan ko ba para silang nag usap usap.
Hayyyyy salamat Panginoon at uwian na. Grabe parang isang linggo na tayong nagtrabaho kahit lunes pa lang. Gusto ko ng matulog beshy. Pagrereklamo ni Moana.
Ako gusto ko na kumain at gutom na gutom na ako. Kain muna tayo beshy bago ka umuwi. For sure wala ka naman pagkain sa bahay niyo ehh.
Sige na nga kain muna tayo. Gutom much na din ako.
Saan niyo gustong kumain?
Sa Mang Inasal unli Rice. Sabay naming sabi ni Moana.
Ano? Baka naman hindi kayo matunawan niyan.
Hayy naku Babe kapag stress kami diyan kami kumakain ni Moana. Stress eating ganun.
Sige tara na
Sa sasakyan kami ni Geoff sumakay at hindi din naman dala ni Moana ang sasakyan niya dahil Coding kaya ihahatid na lang din namin siya ni Geoff sa may kanto at dun na lang daw siya magtratricycle.
Pagdating namin sa Mang Inasal ay napakadaming tao. Sa may pinakadulo kami pumwesto para hindi daanan ng tao. Si Geoff na din ang umorder at nagbayad. Libre na lang daw niya.
Ang bait talaga ni Papa Geoff mo beshy. Libre na nga yung lunch natin pati dinner libre pa din. Sarap naman kasama ng Jowa mo. Sana everyday ganito para nakakatipid tayo.
Hoy beshy wag ka ngang ano diyan. Mamaya ay marinig ka nung tao at sabihin na pineperahan ko lang siya. Tsaka ang yaman yaman mo tapos nagpapa libre ka pa. Kahit kelan talaga kuripot ka.
FYI beshy hindi ako ang mayaman ang parents ko.
Kahit na no. Nag iisang unica Hijo ka lang at sooner or later sayo din mapupunta lahat yun.
Anong Unica Hijo? Baka Unico Hijo.
Unica Hijo ka, Haler lalaki ka pero ang puso mo ay babae kaya Unica Hijo.
Wow at naisip mo pa talaga yan beshy ahh. Ang brainy mo talaga. Ikaw na.
Naman. Beauty and Brain to no.
Beauty lang beshy di ko pa makita yung brain mo. Hahahaha
So nakakatawa yun?
Oo naman sobrang nakakatawa kaya yun.
Ewan ko sayo wala ka talaga kwentang kausap kahit kailan.
Nagsalita ang may sense kausap.
Dumating na si Geoff kaya natigil na ang pagtatalo namang magkaibigan.
Tara beshy hugas na tayo ng kamay at masarap kumain ng nakakamay.
Ikaw Geoff subukan mo din magakamay. Masaya kumain ng nakakamay.
Sige. Hindi ko pa din nararanasan kumain ng nakakamay. Mukhang ok yan.
Naghugas muna si Moana at sumunod na lang kamo ni Geoff.
Habang kumakain ay natatawa kami sa paraan ng pagkakamay ni Geoff. Halatang first time nga lang nito kumain ng nakakamay.
Hala Papa Geoff Rich Kid ka talaga. Pati pagkakamay ay hindi mo pa nararanasan. Siguro sobrang yaman talaga ng pamilya niyo no?
Hindi naman. Sakto lang. Sa state din kasi kami lumaki na magkakapatid kaya ganun. Nahihiyang sabi nito.
Kaya pala. Baka naman may kapatid ka pang lalaki pakilala mo naman ako. Naku 2 babaea ang kapatid ko. Yung ate ko may asawa na. Yung bunso naman namin ay nag aaral pa. 4th year college. Fashion Designer.
Ayyy wag na lang pala. Baka mas maganda pa ko sa kapatid mo ehh. Di ko bet. Charot lang. Birong sabi ni Moana na ikinatawa na lang ni Geoff.