Cinderella and the Prince
Natutuliro na si Purity sa bilis ng pangyayari. Magnanakaw lang naman siya bakit ngayon ikakasal na siya sa taong gagamitin sana nila sa pagnanakaw?
"Ayaw mo nun? Hindi mo na kailangang magnakaw dahil sa iyo na ang buong Gerges Tower." kinikilig na pahayag ni Lerma.
"Alam mo naman na hindi ko gusto ng kumplikadong sitwasyon. Kung nakita mo lang kung paano nagwala si Blythe Soriano kahapon" Bumuntong hininga si Purity.
"Atleast ngayon nalaman natin na sa kamera lang pala pa sweet ang babaeng yun," hindi pa rin patitinag si Lerma.
Ipinikit ni Purity ang kanyang mga mata at inalala ang nangyari kahapon. Mabilis niyang nagawa ang misyon sa kalapit na gusali. Isusunod nila ang unit ni Thadeus, dumaan siya ruon upang makita ito. Ilang araw din nilang pinag aralan ang dalawang magkalapit na gusali. Maabilidad si Purity, madali niyang napapasok ang establisyemento sa pamamagitan ng magaling na pagpapanggap. Maaari ngang mas magaling pa siya sa aktres na si Blythe kung pumasok siya sa industriya ng showbiz.
Nalaman na ni Boss Joel na pumalpak sila sa isang aspeto ng misyon ngunit hindi naman siya sinisi ng husto. Hindi lumabas si Thadeus sa kanyang unit ang driver lang nito. Mali ang nakita ni Jonas, ang kanilang lookout dahil lumabas ang mamahaling sasakyan nito.
Napakasimpleng pagkakamali ngunit nagkalinteklintek ang buhay niya. Kung marahil ay normal na tao siya, magugustuhan niya ang nangyayayri ngayon ngunit hindi siya normal. Gusto lang niyang magnakaw at maghiganti ang ibang mga bagay ay for survival na.
Tumunog ang kanyang telepono at naka caps lock ang mensahe ng bruha niyang stepsister. Pinapauwi na siya ng kanyang madrasta. Alam niya kung bakit, wala na naman silang panghapunan.
Mala Cinderella ang buhay niya, ipinanganak siyang hindi naghihirap. Nasa middle-class family sila. Ang kanyang ama ay isang businessman, ngunit maagang namatay ang kanyang ina. Pagkalipas ng dalawang taon, nag-asawang muli ang kanyang ama. Isang araw nagising na lamang siyang mayroong stepsister at madrasta.
Noong nabubuhay pa ang kanyang ama, mukhang mabait naman ang dalawa. Ngunit nang biglang pumanaw ang kanyang ama sa aksidente ay umiba ang ihip ng hangin. Ipinakita na ng dalawang bruha ang kanilang tunay na ugali. Hindi naniniwala si Purity na aksidente talaga ang ikinamatay ng kanyang ama. Saksi siya sa pangyayari, hindi siya titigil na hindi mapanagot ang mga salarin
"Maling number ang ibinigay ko kay Thadeus, huwag kang mag alala. Hindi naman siguro ako paglalaanan nito ng oras para hanapin. Gusto lang ng lalaking iyon na ibasura ang kasintahan niya gamit ako." Tumayo na siya at lumakad palayo.
"Ano? Bakit? Purita ito na ang pagkakataon mong umalis sa demonyita mong madrasta at sa anak niyang reyna ng kaartehan." Nagpapadyak si Lerma sa inis.
Tumawa lamang siya, noong bata pa siya maaaring natatakot siya sa madrasta. Ngunit ngayong malaki na, pinagbibigyan niya na lamang ang mga ito. Nagkukunwari pa rin siyang mahina. Hanggang masasakit na salita lamang naman ang kaya ng mga ito.
Pagbaba niya ng tricycle, napakunot noo siya ng makita ang nakaparadang tatlong magagarang sasakyan sa harap ng kanilang lumang bahay. May nabola na naman sigurong matandang intsik si Bea. Napabuntong hininga na lamang siya.
Kumunot ang noo niya at tumaas ang kilay nang makita niya ang dalawang lalaki na naka suit at nagbabantay sa pintuan nila na animo'y guwardiya. Aba! naka jackpot si Bea. Napangiti siya.
Pagbukas ng pinto nakita niya ang kanyang madrasta na naka makeup ng makapal habang umiistima ng bisita na likod pa lamang ang kanyang nakikita. Kilala ni Purity ang madrasta, kapag ganun ang asta ibig sabihin gusto nito ang bisita.
Si Bea naman ay nakasuot ng mumurahing maiksi at makintab na telang damit na parang pangtulog. My goodness! Nakangiti at halatang binubuyangyang ang mga hita sa bisita. Maganda naman ang kanyang stepsister, ngunit kung magsalita ito, matu turn-off ka kaagad. Bukod sa wala namang laman ang utak, agresibo kung may gusto at walang finesse.
Naawa si Purity sa bisita, pumiksi ito dahil humalakhak ng malakas si Bea. Natawa siya at dun din naman lumingon ang bisita.
Laking gulat ni Purity na ang kanilang bisita ay walang iba kundi si Thadeus Gerges. Paano nito nalaman ang kanyang tinitirhan?
"Hi Babe," sabi nito, nilapitan siya at niyapos. Nabigla naman si Purity, pero naiintindihan niya kung bakit ganun ang gawi ni Thadeus, gusto nitong makawala sa dalawang bruha, kaya nagpatianod na lamang siya.
"Ano ang ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang bahay ko?" bulong niya.
"I have my ways, baby." sagot nito.
"Hindi mo sinabing may nobyo ka na pala Puridad," tanong ng kanyang madrasta, ngunit ang mga mata ay nagsasabing "mamaya tayo magtutuos."
"Gusto ko po kasing maging pribado tiya. At natatakot din ako na maagaw siya sa akin ni Bea," sagot niya. Pinigil niya ang ngiti ng makita si Thadeus na hinugot ang kanyang hininga. Parang nandidiri sa sinabi niya.
"Masyado kang insecure sa akin Puridad, alam mo kasing mas maganda ako sa yo ng di hamak. Mas matanda ako sa iyo, at nag aaral ka pa, hindi ka pa pwedeng magnobyo." Tumingin ito kay Thadeus at nagpacute.
Si Thadeus naman ay parang natakot, idinikit ang katawan sa likod niya. Takot din pala ito sa babae, sa isip isip niya.
"Pabalikin mo na lang si Taddy bukas. Magpahinga ka na," wika ng kanyang madrasta. Alam niya ang ibig sabihin ng pahinga, ito ay kulong. Kinabukasan o sa susunod na araw, si Bea na ang haharap kay Thadeus.
Sa pagkakataong ito, gusto niya ang mga pangyayari. Mawawalan siya ng problema. Noong unang ginawa ni Bea at ng kanyang madrasta ang ganung trick, umiyak siya ng umiyak. Pero ngayon, kahit ikulong siya, makakatakas pa rin siya. Naaawa na lamang siya kay Thadeus.
Naramdaman din niya ang pag-igting ng ngala ngala nito nang banggitin ng madrasta ang itinawag nito sa kanya. "Taddy parang BFF ni Teddy." Pinigil niya ang mapangiti.
"Paumanhin po, ngunit simula sa araw na ito hindi na sa bahay na ito magpapahinga ang aking magiging asawa. Hindi siya nababagay sa lugar na ito."
Pumiksi si Purity sa pagkagulat. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi ni Thadeus. Nakita rin niya kung paano mataranta ang kanyang madrasta na nag-aalala na baka wala itong mahita kay Thadeus.
"Hijo, kung nag-aalala ka kay Puridad, simula sa pagkabata ay magkasama na kami."
"Totoo, nag-aalala ako na bukas ay hindi ko siya madatnan dito." Lumingon si Thadeus sa tauhan nito at may ibinigay na papeles
"Ibinenta na ninyo kay Mr. Gou and bahay at lupa na ito na minana pa ng ina ni Purity sa kanyang ina. Napag-alaman ko rin kay Mr. Guo na balak ninyon ipakasal sa kanya ang aking mapapangasawa lingid sa kanyang kaalaman."
Nangangalit ang bagang ni Thadeus sa galit. Bakit ba apektado ang isang to sa nangyayari sa buhay niya?
Alam niya ang balak ng kanyang madrasta, may solusyon na siya sa ganun.
Biglang naging maamo ang mukha ng kanyang madrasta. Para siyang nakakita ng isang scene sa fairy tale movie at siya si Cinderella.
"Hindi naman sa ganun, ipaliwanag mo nga sa kanya anak, Puridad."
"Mukhang ganun na nga, sa katunayan, wala kayong makain ngayon, hinihintay nyo pa akong dumating." Saka iniabot ang biniling pansit.
"Maiwan ko na kayo, kukunin ko lang ang gamit ko. Sasama na ako kay Thadeus." Tumalikod siya, nakita niyang aktong hahablutin siya ni Bea, ngunit mabilis ang tauhan ni Thadeus napigilan nito si Bea.
"Hindi mo pwedeng gawin ito sa amin Puridad! Inihabilin ka sa akin ng iyong ama!"
Hindi na pinansin ni Purity ang madrsasta nito. Nakaligpit na ang kanyang mga gamit. Marami siyang naipon, alam niyang hindi papayag si Mr Guo na tubusin niya ang bahay at lupa. Balak niya na si Boss Joel ang kunyaring tutubos. Ngunit dumating si Thadeus, alam niya na natubos na nito ang bahay at lupa ng namayapa niyang ina.
Ito na lang ang poproblemahan niya. Paano niya ito mapapayag na bilhin niya ang lupa ? Hindi nito kailangan ang pera.