Napabuntong hininga si Purity nang mailubog ang katawan sa maligamgam na tubig. Dinalhan rin siya ni Jane ng mixed fruits. Si Thadeus mismo ang naghanda ng kanyang paliguan. Parang hinihintay nito na yayain niya pero gusto talaga niyang mapag isa. Iniisip niya ang nakatatandang kapatid ni Thadeus na crown prince. Pinag aralan nila ang uri ng pagkatao ni Zain, magaling at mabuti itong tao. Nakikita niya na mataas ang respeto ng asawa kay Prince Zain. Masyadong mahigpit ang batas nila pagdating sa pagkilala ng royal family. Bakit ganun lang kadali tinanggap ni Zain ang pekeng resulta ni Fatima. Hindi kaya nagiimbestiga rin ito kay Fatima? Tungkulin nito na pangalagaan ang royal family, hindi ito basta baasta papayag na may sisira sa kanila. Alam niyang may "cold war" sa pagitan ng royal

