Tiningnan ni Purity ng masama si Thadeu, hindi siya sumagot. Hindi niya ito pinansin naiinis na talaga siya sa lalaki. Ngunit hinaklit nito ang kanyang mga kamay, napangiwi si Purity dahil kahit paano nasaktan siya. Mukhang nakita naman ni Thadeus ang pagngiwi niya kay niluwagan nito ang paghawak. "You don't bully people, just because you're jealous," saad nito. "Paano mo nasabi na ako ang nambully? Sino ba ang sumunod sa akin sa loob? Akala ko ba sanay ka na sa mga cunning women, alam mo na ang iba't ibang uri ng mga ito? Bakit mukhang hindi mo pa rin pala alam," tumalikod siya at tuloy tuloy na naglakad. Nauna na sa siyang umalis, hindi na siya bumalik sa restaurant. Ganito lang pala kasimple mag-away ang mga mag-asawa, simpleng misunderstanding na pinalaki pero nakakasakit ng damda

