Masarap ang gising ni Purity, kahit wala na sa tabi niya si Thadeus. Pakanta kanta pa siya habang naliligo. Wala naman siyang klase ngayon, may ipapasa lang siyang subeject requirement, kaya kahit medyo tanghali na siya. Gumayak na siya sa pagpasok, itinali lang niya ang buhok ng naka high pony tail, at nag lipstick lang siya ng kulay rosas. Mukhang lang siyang Senior High School, sa ayos niya, kaya pinili niya ang ternong shawl collar na open coat at shorts na pinalooban niya ng puting tube top. Nadatnan ni Purity na mukhang maaga pa ay stressed na si Thadeus. Malakas ang boses nito habang may kausap sa telepono, Nakakunot ang noo. Nakabihis na rin ito ng gray suit. Mukhang nagkakape ito nang mapahinto dahil may tinawagan o di kaya ay may tumawag. Hinalikan niya ito sa pisngi, tumingi

