Pagkagaling nila sa unibersidad, nakakunot ang noong tiningnan ni Purity si Thadeus. "Bakit tayo nasa ospital?" "Gusto mo bang magkaanak na tayo?" tanong nito. Nababaghan man, umiling si Purity, "hindi pa ako handa," sagot niya. Gusto lang naman nyang magpakatotoo "Actually this is already late, baka dinadala mo na sa sinapupunan ang anak natin. Pero gusto ko rin na kung hindi, we will take necessary precaution because you're still studying." Napatango na lamang si Purity. Nasa ika-sampung palapag ang opisina ng pupuntahan nila. Ito ang pinakamahal na ospital sa bansa. Maraming mga artista, pulitiko at mga ultra rich ang nagpapagamot dito. Isang lalaki ang umistema sa kanila at diretsong hinatid sila sa opisina ng gynecologist. Pasado alas singko na ngunit nakapagpa-ppointment pa rin

