Iminulat ni Purity ang mga mata at ipinikit muli nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa bintana. Ipiniling niya ang ulo nang maramdaman niya ang pagpintig nito. Paano siya nakarating dito? Ang huling alaala niya ay yung nasa eroplano pa siya. May nakita siyang tableta at tubig sa may sidetable, ininum niya agad. May note na nakalagay na inumin niya galing kay Thadeus. "Nahiya naman ako sa writing niya," saad niya sa sarili dahil masyadong maganda at parang babae ang sumulat. Bigla niyang naalala na ikakasal pala siya ngayong araw, ngunit anong oras? Siya pa lang ata ang bride na ultimo oras ng kasal ay hindi niya alam. Ni hindi nga siya nakapagsukat ng damit. Tsinek nya ang cellphone at nagulat na ika-sampu na pala ng umaga, kaya pala kumukulo na ang kanyang tiyan. Nasa isang resort

