Bago sila bumaba upang kumain sa buffet breakfast ng hotel, nakatanggap ng tawag si Thadeus. Mukhang hindi maganda ang natanggap nitong balita kung ano man yun. Mabilis nagbago ang mood nito. Bigla itong tumahimik at sumeryoso. "How about breakfast here in our room?" suhestyon nito. Tumaas ang kilay ni Purity. "May iniiwasan ka ba? Another ex?" tanong niya na naiinis. "I don't have any ex here," sagot nito "Then let's go, this is my first time na nag mag enjoy dahil bakasyon. Puro lang ako trabaho kapag nangingibang bansa." Natigilan si Purity sa sinabi, bigla siya tumahimik. Hindi dapat malaman ni Thadeus ang organisasyon at kung sino talaga siya. Nagpatiuna na siyang lumabas, hindi na niya hinitay si Thadeus. Ngunit sumunod ito at bumulong, "you're such a stubborn woman," saad

