Resourceful din pala ang ina ni Thadeus. Mukhang desperado, ibig sabihin may mga galamay din itong pinapagalaw upang malaman kung saan siya naglalagi. Itiniklop niya ang Macbook na gamit, itinabi ang mga papel at inihanda ang kanyang tenga. Gusto niya ring makilala pa ito. Gusto pang laliman ni Purity ang pagkakakilala sa kanyang mother-in-law. "Hindi ka ba kinakabahan sa bilis ng mga pangyayari? Only fools rush in, ika nga nila," umpisa nito. "Inaamin ko na kinakabahan ako, but I already decided to take risk. Loving is taking chances, if not then it's not love at all." Napaismid si Monica, "ganyan din ako nuon tulad sa iyo, I took chances sa ama ni Thadeus, but he failed me. Men are made to break your heart, madali silang magbago. They love you today but indifferent tomorrow." "I th

