Tatlong buwan na ang nakalipas, parang buhay na patay si Thadeus. Pilit siyang nabubuhay dahil sa pag-asang makikita pa niya ulit si Purity. Hindi niya makausap si Joel Dela Torrre, nasa ibang bansa ito. Wala din siyang makuha kay Trinidad kahit pinuntahan niya ito sa ibang bansa habang naglalaro ng basketball kasama ang national team na lumalaban sa ibang bansa. He tracked down Mikaela San Juan, he even went to New York nang malaman niya na kasama ito sa New York Fashion Week. Umakto ito na hindi nito alam kung nasaan ang asawa. Hindi siya naniniwala dito, he ordered his men to watch those mobsters. Mahigpit ang ospital, kaya napabilib siya kay Joel kung paano niya nailabas si Purity. Nagdududa siya kapatid dahil magkaibigan si Dela Fuente at ito kaya pati ito ay pinasubaybayan niya.

