Flight It is my flight today. Kahapon sobrang excited akong umalis. Pero ngayon inatake ako ng katamaran. Maybe, it's the presence of Ullyses. Hindi lang kasi isang beses ko siyang makikita kundi baka araw-araw dahil sa trabaho. Habang naliligo ako panay ang pagkukumbinse ko sarili na kailangang umakto akong professional kung kaharap ko siya. Hindi dapat ako magpapaapekto sa kanya. Baka sabihin niyang baliw na baliw parin ako kanya. Para lamang sa trabaho ito, wala ng iba pa. Sinalubong ako ni mama paglabas ko ng kwarto. Medyo maluha-luha na siya ngayon dahil mawawalay na naman siya sa magandang anak niya. "Canvass, mag-iingat ka roon ah?" hinagkan kaagad ako ni Mama. Marami siyang ipinaalala at ibiniling mga bagay sa akin. She also advised me to have my own companion or boyfriend i

