"The sixth commandment of God, Sister Clary. Can you tell us what it is?" Mother Superior looked at her with a soft expression written on her wrinkled face. Nasa mga mata nito ang pag-asang masasagot niya ang simpleng tanong, ngunit alam niya sa kanyang sariling mabibigo lamang ito.
She remembers nothing, except the fragments of her memories in this convent. Ngunit kahit pa sabihing may munti siyang mga alaala sa kumbento, madalas niyang kwestyunin ang sarili kung nabibilang ba talaga siya sa mga madreng kasama.
And perhaps that's why she can not answer a simple question related to God...
Bukod sa madalas niyang pananaginip ng makamundong mga bagay, hindi niya madamang nasa kumbento at pagsisilbi sa Diyos ang kanyang puso. Something inside her doesn't like the heavy clothing and the rosaries and even the holy people around her.
She feels . . . suffocated.
Tahimik siyang nagpakawala ng hininga. She glanced at Sister Agatha, seeking help again. But when the nun tilted her head to gaze at her, she suddenly felt shivers down her spine she doesn't entirely know where it came from.
Malamig ang klase ng tinging ipinukol nito sa kanya kaya hindi niya napigilang magtaka. Naroon na naman ang pamilyar na ekspresyon sa mga mata nito na tila sinasabing pareho lamang sila ng nadarama para sa kumbento.
Winaksi ni Clary ang napansin kahit pa sa tuwing pagpatay ang napag-uusapan, lumalamlam ang mga mata ng kaibigan saka ito huhugot ng malalim na hininga na para bang iyon ang usapang pinakaayaw nitong naririnig.
Tumikhim si Sister Agatha. Ang blangkong mga mata ay bumaling sa matandang madre. Nang unti-unting umangat ang isang sulok ng mga labi nito, pakiramdam ni Clary ay nagsitindigan ang kanyang mga balahibo.
"Thou shalt not kill." Her lips stretched wider to form a disturbing smile. "Clary needs more time to remember things, Mother Superior. Pasasaan ba at magbabalik din sa kanyang alaala ang lahat. Let's just pray for the best by then."
Bagsak ang mga balikat ni Clary nang lumabas siya ng opisina ni Mother Superior kasama ang kaibigang si Sister Agatha. Nang banggain nito ang kanyang braso, hindi niya napigilang mapailing habang may matipid na ngiti sa labi.
Her memory of that day ended after a lone tear trailed down her cheek. Agatha is one mysterious woman she doesn't think she's ready to decipher, ngunit ngayong nakikita niya itong bumaril na tila ba isang ekspertong mamamatay-tao, gusto niyang manlumo.
This is far more dangerous than the mysterious Agatha she used to know...
Nanginginig ang mga tuhod ni Clary nang sinubukan niyang humakbang palapit sa kaibigang madre. Ngunit nang muling magpaputok ng baril si Agatha, napahinto siya sa paglakad lalo nang marinig ang malutong na mura mula sa bibig nito.
"Damn it!" She unbuttoned her sleeves and Clary gasped when she saw what's strapped on the inner part of Sister Agatha's arm.
Another magazine loaded with bullets . . .
Napalunok si Clary. Gaano na ba ito katagal na nagpapalakad-lakad sa sagradong lugar na ito habang nasa katawan ang mga bagay na iyon? Pakiramdam tuloy niya, hindi niya ito lubusang kilala gaya ng sinasabi ng lahat.
Or maybe she does, and this version of herself is the one she's not really familiar with. Naguguluhan na talaga siya.
She watched how Sister Agatha expertly held the gun with one hand. "We have no time for explanations right now."
Napapitlag siya't tumili nang paputukin nito ang baril. Maya-maya ay hinawakan nito ang kanyang braso at hinatak siya ngunit kaagad na binawi ni Sister Clary ang kanyang braso.
"Sino ka? Sino ka ba talaga?!" she shouted.
Agatha sighed. Kinasa nito ang baril saka dinukot ang isa pang nasa kabilang hita. "Pull yourself together, Clary. Saka tayo mag-usap kapag nakalabas na tayo rito nang buhay."
Muli itong nagpaputok ng baril. Lahat ng tinamaan ng bala ay kaagad na bumagsak sa sahig at naligo sa sariling dugong dumaloy mula sa nabutas na ulo.
Halos manghina si Clary. Muntik pa siyang masuka nang makita ang sumabog na utak ng mga pinatay ni Sister Agatha.
"We have to go, Clary," asik ni Sister Agatha bago siya kinaladkad palabas, ngunit bago pa sila nakaalis ng kusina ay sinugod sila ng isang lalake.
Clary screamed in fear when the guy was able to snatch Agatha's gun. Akala niya ay katapusan na nila ngunit mabilis na nakakilos si Agatha. She kicked the guy on the jaw, making the guy bend a little and giving Agatha the chance to move and wrap her legs around the guy's neck. The next thing Clary knew, Agatha was already throwing the guy on the floor with her moves.
The guy groaned and was about to throw a punch when Agatha grabbed her gun on the floor to shoot him right between his eyes. Napasigaw na lamang si Clary kasabay ng putok ng baril, nanginginig at halos hindi na makakilos sa kanyang pwesto.
Kaagad na tumayo si Agatha saka siya muling nilapitan para kaladkarin palabas. Gunshots kept echoing everywhere. Nasusunog na rin ang pinakamalaking bahagi ng kumbento ngunit tila walang pakialam si Agatha. She just kept firing her guns until she ran out of bullets.
Pagdating sa dulo ng hallway ay may nakasalubong silang dalawang armadong lalake. Clary screamed in fear while Agatha expertly took them down before she stole their guns. Nanginig sa takot si Clary nang tumalsik sa kanyang damit ang dugo ng isa sa mga lalake, ang kanyang mga luha ay hindi na rin tumigil pa sa pagpatak.
Agathat held her by her arms after heaving a sigh. "I am the only one you can count on, Clary. Oras na makuha ka ng organisasyon, mamamatay ka sa mismong kamay ni Decka."
Decka . . .
Why did that name sound . . . familiar?
Natigilan siya at natulala, pagkuwa'y bahagyang kumukunot ang noo nang ilang imahe ang bigla na lamang pumasok sa kanyang isip.
"Decka . . ." she whispered absentmindedly.
Muling napamura si Agatha matapos magpaputok ng ilang beses. Maya-maya'y pwersahan na siya nitong hinatak pataas, pero bago sila nakahakbang palayo, isang putok ng baril ang umalingawngaw at ang bala ay tumama sa tiyan ni Agatha.
A painful groan escaped Agatha's lips as she hit the floor. Nanlaki ang mga mata ni Clary at ang takot ay nanumbalik sa kanyang sistema nang makita kung paanong namantsahan ng sariling dugo ni Agatha ang puting damit.
"S-Sister Agatha!" she screamed in terror, but before she could even bend on her knees to help her, a series of gunshots echoed at the other end of the hall.
Napapikit si Clary sa takot. Ang nanginginig na mga kamay ay tumakip sa kanyang mga tainga habang nakayuko sa kaibigang duguan.
Her trembling body felt helpless. Hindi niya alam kung saan pa huhugot ng lakas upang makatakbo kasama si Agatha sa ganitong lagay. Lalo pang tumindi ang takot na lumalamon sa kanyang katinuan nang marinig ang mga yabag patungo sa kanilang direksyon.
Natataranta niyang dinaluhan si Agatha, hindi alam kung pipigilan ang malakas na pag-agos ng dugo sa tiyan nito o aakayin na ito paalis.
Tears began to form in her eyes when she saw how Agatha struggled for air. Lumalalim nang lumalalim ang paghinga nito, tila hindi na kinakaya ang matinding sakit na iniinda.
"A-Anong gagawin ko . . ." Her lips quivered as tears began to trail down her cheeks. "Diyos ko, anong gagawin ko?!"
Agatha pushed her away while forcing her to take the gun. Umiling siya at lalong naiiyak na pilit iniakbay ang braso nito sa kanyang balikat.
"Hindi kita iiwan dito, Agatha."
That line echoed inside her head as if she had said it already before. Blurry images flashed inside her head in a fast motion, but she was able to hear her own voice while she's dragging the same woman out of a dark alley.
Napahawak siya sa kanyang ulo nang madama ang matinding sakit. Parang binibiyak ang kanyang bungo, inuubos ng sakit ang natitirang lakas sa kanyang katawan.
"U-Umalis ka na! Tumakas k-ka!" utos ni Agatha, ang baril ay pilit pinagduduldulan sa kanya. Nang tingnan niya ito ay naroon na ang pagmamakaawa sa namumula nitong mga matang unti-unting sumara.
Halos manghina si Clary. Nanginig ang kanyang ibabang labi nang rumagasa ang kanyang luha, pilit ginigising ang wala nang malay na kaibigan.
Gusto niya pang gumawa ng paraan. Kung kinakailangang pasanin niya ito hanggang sa makarating sa ligtas na lugar ay handa na niyang gawin, ngunit bago pa man siya nakagawa ng panibagong hakbang, natigilan siya nang umalingawngaw ang tila pamilyar na baritonong tinig sa pasilyo . . . tinatawag ang pangalan niya.
"Clary!"
Her body froze as her heart went wild inside her chest. Pamilyar ang tinig na iyon . . . maging ang kilabot at kakaibang sensasyong sabay niyang nadama nang marinig ang pagtawag nito sa pangalan niya.
Lumunok siya nang pilit. Her head tilted to watch the man walk towards her while he effortlessly held a rifle that's resting on his shoulder. Napakalaki nitong tao at sa simpleng itim na jacket at maong na pantalon lamang, halos takasan na ng lakas ang mga tuhod ni Clary sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Ang postura ay nagbabanta. Ang titig ay nakakawala ng katinuan . . .
His thick midnight brows almost met each other as his sharp jaw clenched in a dangerous manner. Ang manipis nitong mga labi ay mariing nakasara, ngunit nang magtama ang kanilang mga mata, pakiramdam ni Clary ay nawalan ng hangin ang kanyang dibdib.
Behind his thick lashes hides the pair of familiar dark green eyes that seem to be shouting a thousand emotions . . . yet Clary was only able to understand a few.
Pain.
Longing.
Desire . . .
His jaw moved, and the moment he harshly pulled her body up to hold her on her nape as his intense orbs lock with hers, tears rolled down Clary's face when a part of her realized something.
Her heart feels the exact emotions she's seeing in this dangerous man's eyes.
His face went closer and all Clary can do was gasp for air. Ni hindi niya magawang ikurap ang kanyang mga mata, at kung si Clary ang tatanungin, isang salita lamang ang kaya niyang gamitin sa mga oras na ito upang ilarawan ang lalaki.
He is . . . lethal. Not just because he's armed right now, but because of what he can effortlessly make her feel.
And Clary isn't sure if she's liking that at all .