Everything around Clary started to fade in the background as she got lost in the dangerous pair of eyes that are staring back at her with all the emotions his pursed lips refused to put into words.
Naging magulo ang takbo ng kanyang isip. Naging bingi ang kanyang mga tainga. Naging mas malakas ang sigaw ng kanyang pusong nagmamakaawang huwag niyang hayaang mawala pa sa kanyang paningin ang lalake.
Sino ba ang lalaking ito at sa kabila ng matinding takot na nadarama ng kanyang puso, hindi niya mapigilan ang titigan itong pabalik na tila nasa mga mata nito ang kanyang kaligtasan?
She can't find the logic inside her head right now. Her thoughts are in complete chaos. Nagtatalo ang isip at puso. Ang takot at pagkahumaling.
Ang kagustuhang tumakbo at ang pagnanais na makulong sa mga bisig nito.
She gasped when the man removed the cloth covering her hair before he clutched onto it. Her shoulder length hair fell in a bit messy way but the guy seemed more amused to see her this way.
"You chopped your hair, hmm?" his voice was deep, manly, and oh my goodness, heavenly.
Bakit? Bakit ganoon ang nararamdaman niya para sa estranghero? Hindi ba dapat ay matakot siya dahil masama itong tao?
She swallowed the lump in her throat before she tried to speak even when she knew her voice would tremble. "H-Huwag mo k-kaming patayin." Nanginig ang ibaba niyang labi at umagos ang kanyang mga luha. "H-Huwag po . . ."
Kinilabutan siya nang unti-unting umangat ang sulok ng mga labi nito para sa isang makahulugang ngisi. Nangatog ang kanyang tuhod. Pamilyar ang kurbang iyon...
Humigpit ang pagkakahawak ng lalaki sa kanyang buhok. Her heart gone wild even more as she gasped. That move... Bakit tila kabisado ng kanyang katawan ang galaw na iyon?
Umigting ang panga ng lalake. "Am I hearing you right, hmm?" He flashed a dangerous smirk that sent shivers down her spine. "You're begging me not to kill you?" He laughed a bit and tightened his grip on her hair. "Oh, I will never do that? You know I could never do that. You know what I'll do instead? I'm gonna make you regret everything."
Pumatak ang kanyang mga luha habang nanghihina ang kanyang mga tuhod. "H-Hindi ko alam ang s-sinasabi mo."
The man scoffed. Maya-maya ay nilapitan sila ng isa pang lalakeng ang tikas at tindig ay halos gaya ng lalakeng kaharap niya ngayon. They are both gorgeous men who could've made millions just for posting for magazine covers yet here they are right now, ambushing a sacred place for servants of God.
Nag-usap ang dalaw sa lenggwaheng hindi maintindihan ni Sister Clary. Maya-maya ay tumingin kay Agatha ang lalakeng nasa harap niya. "Send her to Roscoe. Make sure she's breathing once she gets to Romania or that son of a b***h prince will surely throw a f*****g tantrum."
Ginapangan ng matinding takot si Clary nang buhatin ng kasamahan ng lalake si Agatha. She tried to stop him from taking Agathat but the other guy held her effortlessly.
"Knock it off, damn it!" tila napipikon sa kanyang palahaw nitong sita ngunit imbes na tumigil ay humikbi lamang siya habang nakatitig pabalik sa mapanganib nitong mga mata.
Muling gumapang ang matinding takot sa kanyang puso nang makitang dumilim ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata ng lalaki. There it goes again. The pain that turns his pools one shade darker. The same emotion that triggers something inside her heart. Sino ba talaga ang lalaki sa kanyang harapan?
Umigting ang panga nito at nang hatakin siyang lalo hanggang sa lumapat ang kanilang katawan sa isa't isa, halos mahigit niya ang kanyang hininga. This is too much for a nun to take yet she cannot find the courage to push him away. Tila ba nangungulila ang kanyang katawan sa ganoong klaseng pakiramdam... at alam niyang mali iyon. For goodness' sake, she is a nun! Her chastity is the most important thing to her kaya hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanyang sarili.
The familiar fire started to burn her strength under her skin once again, but unlike before that she only feels it during her sleep, ngayon, bukas na bukas na ang kanyang mga mata at gising ang diwa.
She isn't dreaming . . .
Kung gano'n, sino ang lalaking ito?
Posible bang ito ang kaniig niya sa kanyang panaginip?
Ang lalaking umaangkin sa kanya hanggang sa maubusan siya ng hininga?
Ang lalaking pakiramdam niya ay kabisado ang bawat sulok at kurba ng katawan niya?
She isn't sure, and it frustrates her.
Hindi niya natatandaan ang mukha ng lalaki sa kanyang panaginip at ang tanging naaalala lamang niya tuwing gumigising mula sa mapusok na panaginip ay ang wirdong tattoo sa likod na bahagi ng balakang nito.
She remembers her tracing it with her fingertips, and the man seems to like it when she's doing it. He will let out low groans of pleasure and her heart feels happy when she sees him flashing a sweet smile at her. Other than that, wala na siyang maalala kung hindi ang kapusukang mayroon sila tuwing nagiging isa.
The man in front of her looked more dangerous now as he towered her. Kung sakali mang ito ang lalaki sa kanyang panaginip, bakit hindi niya makita ang klase ng emosyong natatandaan niya?
Nasaan ang lambing sa tinig nito?
Nasaan ang masuyong haplos?
Nasaan ang matamis na ngiting walang ibang dala kung hindi saya sa puso niya?
Maybe she's wrong. This man, she doesn't think he would ever be capable of being gentle. Even his features are so fierce and prominent. There's clearly no trace of chivalry in his body. This can't be that man, right?
Nanuyo ang lalamunan niya nang muling salubungin ang mga mata nito. May kung ano sa klase ng titig na ipinupukol nito sa kanya, at nang kunin ng lalaki ang kanyang kamay upang ilapat sa dibdib nito, halos bumigay ang mga tuhod niya.
His face went closer, his eyes focused on her parted lips. "You feel that, Clary?" he whispered hoarsely that made her shiver as she squeezed her eyes shut.
Hindi niya matanggap ang epekto ng apoy na kaya nitong buhayin sa loob niya.
"Do you feel the heart you chose to break? It's still beating . . ." He breathed in deeply. "I hope I disappointed you."
She gasped sharply when his palms cupped her butt, waking up the sinful sensation she isn't permitted to feel in the first place. Hindi ito tama! Binabastos na siya ng lalaking ito ngunit nasaan na ang kanyang rasyonal na pag-iisip? Why can't she be totally scared?
Pilit niyang nilabanan ang makamundong pakiramdam at tahimik na pinaalala sa isip kung sino siya.
Siya si Clarianara Vendicto at isa siyang alagad ng Diyos. Puro at malinis.
"H—Huwag po . . ." Her breathing hitched. "M—Matakot kayo sa Diyos."
The man let out a delicious chuckle in front of her ear. "How ironic to hear that from someone who despises God the most . . ."
Tumindig ang mga balahibo niya sa batok nang dumampi ang mainit nitong hininga sa kanyang balat. Nakadadarang . . . at nakawawala sa ulirat.
Her mind screams the holy teachings, yet her body doesn't seem to care. Her skin aches for something unfamiliar, her thighs trembled as she felt her flesh begin to throb.
This is against what the Lord wants. This is so wrong in all aspect.
Ngunit tila alipin siya ng sariling katawan. Nang ikiwal nito ang dulo ng dila sa kanyang panga saka siya mapusok na hinalikan sa parteng iyon, halos tumalon palabas ng dibdib ang puso niya.
She heard the deafening sound coming from a helicopter. Papalapit ito sa kumbento dahilan upang sandaling maagaw ang kanyang atensyon. But the guy didn't let her attention be taken away from him for too long. Hinawakan siya nito sa pisngi upang agawin muli ang kanyang tingin mula sa dumating na sasakyang pang-himpapawid.
"You are one little devil dressed up in holy clothing," he whispered. Diniin nito ang balakang sa kanyang tiyan at nang madama niya ang umbok sa loob ng pantalon nito, uminit nang tuluyan ang mukha ni Clary.
"Ah, four years, my little devil. I can't believe you can still make me so hard effortlessly whatever clothes you are using to cover that work of art." Muling piniga ng lalaki ang kanyang pang-upo, ang ngisi ay muling lumawak. "You're going to pay for keeping my bed cold for so long . . ."
Umalpas ang matinis niyang tili nang bigla na lamang siya nitong binuhat na tila sako ng bigas. Sinuntok niya ang likod nito habang pilit na nagpupumiglas, ngunit walang laban ang kanyang katawan sa laki at lakas na mayroon ang lalaki.
He walked outside the main hall, and Clary's heart almost stopped from beating when she saw the horrible scene outside. Nagkalat ang mga patay nilang mga kasama. Ang mga humihinga pa ay wala man lamang awang pinaputukan ng baril.
Nagpapalahaw si Clary nang makita kung paanong pilit ibinuka ng isang lalaki ang bibig ni Mother Superior. Ang mga mata niya ay nanlaki nang ipasok nito ang bunganga ng baril sa bibig ng madre. Ang takot niya ay wala nang paglagyan habang nakatitig sa malamig na mga mata ng mabait nilang Mother Superior.
"'Wag! Maawa ka, 'wa—Mother Superior!"
Her body trembled in fear and pain as she watched the nun fell on the floor with eyes widely open. Hint of pain was evident on the woman's bloody face, and Clary knew one day, she will end up that way, too.
Naisara niya ang mga mata habang humihikbi. Ang kanyang katawan ay lumupaypay na tila naubusan ng lakas dahil sa nasaksihan kaya nang tuluyan siyang isampa ng lalaki sa helicopter, halos wala na siya sa sariling nakatulala at tahimik na lumuluha.
Their home. It's ruined now, and her family is gone.
Ang kumbento ay wasak na.
Patay na si Mother Superior at ibang mga kasama niya.
Si Agatha.
Siya na lamang ang natira . . .
Her breathing hitched as she felt the helicopter started to lift in the air. Wala na siya sa katinuan. Ni ang ikurap ang mga mata ay tila hindi na rin niya magawa. Nang ilapat ng lalaki ang palad sa kanyang hita, wala na rin itong nakuhang pakiusap para respetuhin siya.
Nothing. Suddenly she felt nothing but pure emptiness and sorrow.
Tuluyang lumipad ang helicopter ngunit wala nang pakialam si Clary kung ano pa ang mangyayari sa kanya. Sa isang iglap ay nawala ang lahat sa kanya, ngunit nang lumingon sa kanila ang taong nagpapatakbo sa helicopter saka nito tinawag ang pangalan ng lalaking nasa kanyang tabi, pakiramdam niya ay lalong nawasak ang mundo niya.
She breathed in sharply and tilted her head to look at him when she felt a certain part of her brain getting pinched. Napatitig siya sa mga mata nito saka wala sa sariling binanggit ang isang pangalang tila matagal nang natabunan sa kanyang alaala.
"D—Decka."