Kabanata 5

2126 Words
Decka scratched the mouth of his Utrastar handgun on his temple while listening to Tejano's report. Nasa opisina sila sa lower deck ng barkong pag-aari ng Signos—ang Black Mamba; a personalized ship Decka purchased for millions of dollars after his first year as an official leader in the Cinco Mortales circle. Gustuhin man niyang sulitin na ang oras kasama si Clary, hindi niya pwedeng ipagpabukas ang responsibilidad niya kaya kahit nasa gitna ng karagatan ay tuloy ang kanilang mga operasyon sa iba't ibang bansa. Tumikhim siya saka inayos ang upo sa single-seater couch. Matapos ipatong ang baril sa mesa, dinampot niya ang kanyang baso ng alak at sandaling nilaro ang laman nito. "Tell Suvaro's team to raise the price. Masyadong mababa ang isandaang milyong dolyar para sa ulo ng prinsipe ng Espanya," seryoso niyang sabi sa isa sa mga tauhan bago inisang lagok ang alak. He's already grown so familiar with the alcohol that its bitter sweet taste doesn't bother him anymore. Ni hindi man lamang ngumiwi kahit kaunti ang kanyang mukha nang gumuhit ang pait nito sa lalamunan. Tejano closed the folder and placed it back on the table. Nagsalin din ito ng alak sa sariling baso saka tamad na nagpakawala ng buntonghininga. "You're right. Imagine ordering an assassination for the man who's been constantly cheating on you after years of marriage. Oh, boy that bastard's head should cost a lot." Ngumisi ito. Umismid si Decka, ang labi ay hindi napigilang ikurba pataas kasabay ng pagtikwas ng isang kilay. "Who said a marriage contract guarantees a man's loyalty? If a man would want to cheat—" He poured liquor on his glass then raised it for a toast in the air. "—he will cheat. Not even tons of papers will hold him back." He said it like a preacher, at may karapatan siyang magsalita nang ganoon dahil naging malaking parte ng buhay niya ang mga katarantaduhan ng sariling ama. Hanggang ngayon, sinisisi pa rin niya ito kung bakit buhay pa siya ay sinusunog na sa impyerno ang kanyang kaluluwa. His father was an abusive man who had constantly cheated on his poor mother. Factory worker lamang ang mga magulang niya sa Germany, ang ina ay purong Filipina. Madalas niya itong makitang umiiyak habang ginagamot ang sarili dahil ito ang sumasalo sa lahat ng hampas ng sinturon na dapat ay para sa kanya. Decka hates that part of his life, yet he thinks it was his biggest motivation to seek for power. Mahina siya noon at walang magawa para sa ina hanggang sa napatay ito ng kanyang tatay matapos silang magtalo dahil wala na nga itong maiuwing perang pandagdag sa pang-araw-araw na pangangailangan, nagawa pang mambabae. Kitang-kita niya kung paanong pwersahang pinainom ng ama ng panlinis ng banyo ang kanyang ina para raw tumahimik. He'd seen how she struggled for air as the acid burned her throat. Namatay ang ina na mulat ang mga mata at hinihingi ang kanyang tulong pero wala siyang nagawa. It was declared suicide. Pinatahimik siya ng kanyang ama. Decka shut his mouth when the police came to investigate, but the night after his mother was buried, Decka felt immeasurable anger towards his cheating father. His dad brought his woman to their house despite the fact that his mom just died. Walang paglagyan ang kanyang galit. He snuck inside their neighbor's house—an old man who usually takes him to hunting when his father isn't home. Habang mahimbing na natutulog ang matandang lalaki ay kinuha niya ang baril at pinasok niya ang kwarto ng amang kasama ang babae nito. His father begged him to put down the hunting rifle, but Decka fired it until the last bullet hit their bodies. At thirteen, Decka was declared a murderer. At fourteen, he was taken by an old man from the boy's town and trained him to be one of the deadliest assassins who ever walked on Earth. He was treated like a son by the leader, and Agatha became his instant sibling. "Little did people know, breaking a fragile heart is the easiest way to create a villain. Do it multiple times and you'll summon the demon within them," he said in a low tone before he drank his whiskey. That was one of the most memorable words the leader had said to him, at hanggang ngayon ay dala niya ito sa kanyang isip. Bumuntonghininga si Tejano. Magsasalita sana ito ngunit naagaw ang kanilang atensyon ng mga sigaw mula sa upper deck. Nang marinig ni Decka ang pangalan ni Clary ay kaagad niyang nilapag ang baso sa mesa at nagmamadaling lumabas ng opisina kasunod si Tejano. They ran up the stairs, at nang makita niyang nakatayo si Clary sa railing at akmang tatalon ay nanlaki ang mga mata niya. "What the f**k are you doing?!" Umalingawngaw ang galit niyang sigaw. Clary glanced at him. Ngunit nang mapansin nitong tila wala sa sarili ang dalaga ay hindi naiwasang magtaka ni Decka. She was holding on her head while her brows are almost meeting each other. Suot nito ang kanyang t-shirt at jogging pants na napakalaking tingnan sa maliit nitong katawan. "Clary, get down from there," utos niya saka naglakad palapit kay Clary ngunit umiling ito, tila wala pa rin sa sarili. "I need to remember. I need to remember him . . ." she whispered. Ang mga mata nito ay tumitig sa tubig. "I need to remember Giovanni . . ." Natigilan si Decka sa narinig. Hindi siya nakagalaw at kung hindi pa siya tinapik ni Tejano sa likod ay hindi niya mapapansing wala na si Clary sa pwesto nito. Gumapang ang kaba sa kanyang dibdib nang marinig ang tila pagtalsik ng tubig. Bigla siyang nagbalik sa sarili at mabilis na tumakbo upang tumalon sa tubig. He took in enough air before his body hit the cold water. Pilit niyang nilangoy ang distansya nila ni Clary. Nang maabot ang dalaga ay halatang mauubusan na ng hininga. Decka pressed his lips against hers and blew some air in her mouth. Halatang kinagulat iyon ni Clary dahil natulala ang mga mata nito sa kanya habang lumalangoy siya pataas. They were both gasping for air when Tejano and their men threw the rope near them. Inangat sila ng mga ito. Nang tuluyang makasampa sa barko ay halos pumutok sa galit si Decka. "Are you out of your freaking mind, Clary?! Have you forgotten that you don't know how to swim?! Na may trauma ka sa tubig?! Kaya nga dito kita dinala nang hindi ka makatakas tapos tatalon ka lang at magpapakamatay?!" Clary shivered as she hugged herself. Mabilis niyang iniling ang kanyang ulo, ang mga mata ay nanlalaki pa rin. "I . . . I didn't k—know." Humikbi ito at muling humawak sa ulo. "Wala akong maalala . . ." Natigilan si Decka, ang galit na ekspresyon ay unti-unting napalitan ng matinding pagtataka. Totoo ba ang sinasabi nito? He sighed. Umigting ang kanyang panga nang hinilamos niya ang mga palad sa mukha. Clary had lied to him a hundred times before and she was so good at fooling everyone. Ayaw niyang basta na lamang kagatin ang sinasabi nito. His teeth gritted hard as his intense eyes stared at her. If she's lying or not, there's only one way to know. "Tejano, get me my gun," mariin niyang utos. "Para saan?" bakas ang pagtatakang tanong nito sa kanya. He sighed heavily, ang mga mata ay nanatiling nakatitig kay Clary na ngayon ay nasa kanya na rin ang atensyon. "Just get me my gun," asik niya. Clary's eyes looked weary. Napakabilis ng galaw nitong tila nahihintakutan at gulong-gulo ngunit hindi makapapayag si Decka na muli na naman nitong maloko. Tama na ang mga pagkakamali niya noong nagtiwala siya kaagad kay Clary. He heard Tejano's footsteps against the steel floor. Nang marating nito ang kanyang gilid ay inabot nito kaagad sa kanya ang handgun. Walang anu-ano itong inagaw ni Decka saka siya nagsimulang humakbang palapit kay Clary nang hindi pinuputol ang matalim na titig sa mga mata nito. Clary's eyes widened in fear. Napaatras ito nang makita ang paghakbang ni Decka habang kinakasa ang baril. Ngunit nang huminto siya sa harap nito, halos mapapitlag ito nang pwersahang ilagay ni Decka ang baril sa kamay ng dalaga. Decka looked at his men in a furious way. "Give me a coin." Nagsipagdukot ang mga ito sa bulsa para ibigay sa kanya. Nang makita ni Clary ang barya ay hindi niya naiwasang magtaka sa naging pagkalukot ng noo nito na tila mayroong pilit inaalala. Hindi naman nito magawang magtanong dahil sa dilim ng ekspresyong nakaukit sa mukha ni Decka. Decka licked his lower lip while watching Clary's pale expression. He tossed the coin in the air and caught it right in front of her face. "There are two well-known sharp shooters in this ship. Ako ang una, kaya kung ibibintang mo na naman sa aking pinatay ko si Agatha, nagkakamali ka. If I want her dead, I will shoot her between this part of her ribs, where I can hit her biggest artery," ani Decka, tinuturo ang parte ng dibdib na tinutukoy bago ito naglakad sampung hakbang ang layo mula sa dalaga. Lalong nagtaka si Clary nang iangat ni Decka ang kamay at hinawakan ang barya sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo habang ang kamay ay nakapatong sa ulo. His expression darkened even more as his jaw clenched dangerously. "Fire the gun, hit the coin and I will tell you everything I know about you." Nanlaki ang mga mata ni Clary. Halatang natakot sa kanyang sinabi. Akmang itatapon nito ang baril sa sahig ngunit kaagad na nagsalita si Decka. "Or I will hunt Agatha down and kill her right before your eyes." Halos mawalan ng kulay ang mukha ng dalaga dahil sa kanyang sinabi. Iniling nito ang ulo habang nanginginig na hawak ang baril, hindi alam kung ibababa ito o susundin ang utos ni Decka. "H—Hindi ako marunong bumaril. Alagad ako ng Diyos. Imposibleng tamaan ko ang barya," nahihintakutan nitong sabi. Makahulugang ngumisi si Decka. Umayos pa siya ng tindig habang ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata ay naging mapanghamon. "Like I said, two of the best sharp shooters in the world is on this ship. Don't you wanna find out who the other one is?" "Pero—" "Just fire the f*****g gun, Clary. Or should I call you a weakling? Hindi ba kaya napahamak ang lahat ng nasa kumbento dahil sa iyo? It was your fault . . ." He flashed a dangerous smirk. "I killed them because of you so pull the f*****g trigger and find out why I had to do that in the first place." Tumalim ang titig ni Clary sa kanya. Hindi niya naman maiwasan ang panatilihin ang kanyang ngisi. Good. He's so familiar with that look. Her pride is getting challenged right now and that's what he wanted to happen. Clary slowly lifted the gun despite her hands shaking. Itinutok nito ang baril sa kanyang direksyon kaya nagsipagbunot ng baril ang mga tauhan ngunit kaagad na pinigilan ni Decka. "Hands off of your guns, assholes." Ibinalik niya ang tingin kay Clary. "Let my little devil show you how to fire a f*****g gun." Clary pursed her lips and inhaled a sharp breath before she finally pulled the trigger. Decka felt the bullet hit the coin he was holding over his head. Ni hindi man lamang nadaplisan ang kanyang mga daliri at inasahan na niya iyon. That's how much faith he has in this woman's skills after all. "That's what I'm talking about," he said under his breath before he walked towards Clary. Ngunit bago pa man niya ito narating ay nabitiwan na nito ang baril na hawak habang ang ilong ay dumugo. Her skin turned pale until she finally lost consciousness. Mabuti na lamang at naging mabilis ang kilos ni Decka. He managed to catch her before her body hit the floor. "Get me a f*****g doctor. Now!" he shouted. "You're gonna put our location under the radar, Decka--" "I don't give a damn!" Matalim niyang tinitigan ang nagsalitang si Tejano. "I'd f*****g kill everyone in this ship if this woman will die in my hands. Don't make me sink this goddamn ship myself after I slaughtered all of you." Tejano's expression turned disappointed. "What else will you compromise for that girl? It's not even worth it," he murmured but Decka was able to hear him. Decka clenched his jaw as he cupped Clary's cheek. Humakbang naman palayo si Tejano upang mag-utos na kumuha ng doktor. He sighed and stared at Clary's beautiful face. Everything for this woman. He will always compromise everything for this woman who did nothing but put his life on the line .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD