"Nawala lang ako saglit, may iba ka nang kinakalantari," wika ni Andrew habang pinagmamasdan si Ada na nakaupo sa kahoy na upuan. Ilang saglit pa lang itong nagkakamalay. Nakabusal ang bibig nito at nakatali ang mga kamay at paa. Nang mapagtanto ang sitwasyon at nagpupumiglas ito. Kumuha si Andrew ng upuan at umupo sa harap ni Ada. "Na-miss mo ba ako, mahal?" aniya. Lalong nagpumiglas si Ada. "Habang tinitingnan kita, parang lalo ka yatang naging palaban. Gusto ko iyan," wika ni Andrew. Hinaplos niya ang mukha nito. "Na-miss kita nang sobra, Ada. Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makipagkita sa iyo dahil medyo hindi na mainit ang mata ng batas sa akin." Inalis niya ang busal ng dalaga. "Sumuko ka na, Andrew," iyon ang unang lumabas sa bibig ng dalaga habang umiiyak. "Akala mo

