CHAPTER 70

2068 Words

Habang tahimik na nagmamaneho ay biglang napatingin si Anton kay Ada. "Nag-iba ka na, Ada. Hindi na ikaw iyong Ada na nakilala ko noon," wika niya sa dalaga. "Napaka-inosente mo no'ng tingnan. Para ka no'ng bata na nangangailangan ng pagmamahal at pagkalinga. Ngayon, palaban ka na at hindi basta-basta." "Sa lahat ng pinagdaanan ko, marami akong natutunan, Jerome. Lalo na noong mga panahon na mag-isa lang ako. Pero ang nagturo sa akin na lumaban sa buhay ay si Jeremy. Itinuro niya sa akin na huwag magpaapi. Ngayon, hindi na ako madaling utuin. Hindi na rin ako madaling mapaniwala sa mga mabubulaklak at matatamis na salita. Siguro kong ganito na ako noon, hindi tayo umabot sa ganito. Pero ayaw ko na ring pagsisisihan na nakilala kita kasi kung hindi dahil sa iyo, wala akong Ethan ngayon."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD