Everything felt awkward between them the whole day. At nang gabing iyon ay hindi na naman nakatulog si Ada. Pinilit niyang ukupahin ang utak sa isiping uuwi na si Jeremy at hindi na niya kailangang ma-miss ito. She smiled and tried to sleep. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog ngunit naalimpungatan siya nang maramdaman niya ang mainit na halik sa kaniyang noo. Pagmulat ng mga mata niya, hindi niya pa maaninag ang mukha ng lalaking nasa kaniyang harapan at nakangiti sa kaniya. "Jerome?" aniya. "Baby, it's me," wika ni Jeremy. Bahagyang nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Napabalikwas ng bangon si Ada. "Napaaga ang flight ko. Sorry to wake you up." It was five in the morning. "Jeremy?" ani Ada. "A-akala ko k-kung sino lang." Jeremy chuckled. "Why will you mistook me for

