CHAPTER 6

1879 Words
"PWEDE ko bang pag-isipan muna?" tanong ni Jeremy kahit nag-aalala siya sa mararamdaman ng babae lalo na at bagong panganak ito. Siguradong bawal dito ang ma-stress at ma-upset. Tipid na ngumiti si Ada. "Oo naman ho. Nasa sa inyo naman ho ang desisyon," tugon niya. "Gusto kitang tulungan, pero marami akong kailangang isaalang-alang. Pag-iisipan ko muna," wika ni Jeremy. Tumango si Ada. Ngumiti siya. "Hindi pa natin alam ang pangalan ng isa't isa. Ano'ng pangalan mo?" usisa niya. "Ay!" ani Ada. "Ako nga po pala si Adalia Mendoza. Tawagin n'yo na lang ho akong Ada. Kayo ho, ano ang pangalan ninyo?" "Jeremy De Vera," tugon ng binata. "Huwag mo na akong tawaging sir. Jeremy na lang. At saka huwag mo na akong gamitan ng po at opo. Hindi pa naman ako matanda," aniya. "I'm just twenty-nine." "S-sige, Jeremy," tugon ni Ada. "Magaling. Madali kang kausap," natutuwang wika ni Jeremy. "Alam mo, naisip ko, tutal natulungan na rin naman kita, lulubus-lubusin ko na." Nagliwanag ang mukha ni Ada. Mukhang papayag na si Jeremy na iuwi silang mag-ina. "Ihahanap kita ng apartment. Ako ang magbabayad ng upa. Tutulungan kita sa mga kailangan mo hanggang sa makahanap ka na ng trabaho at makaya mo nang suportahan ang baby mo nang mag-isa," ani Jeremy. "Okay na ba iyon?" Medyo disappointed si Ada. Pakiramdam niya kasi ay kakailanganin niya talaga si Jeremy mismo hindi lang ang tulong nito. Kaagad siyang nakaramdam ng attachment sa binata, bagay na hindi niya ikinakatuwa. Pero sino ba naman siya para tumanggi sa tulong nito na napakalaking bagay na? "Okay na okay po, S—. Ibig kong sabihin okay na okay," aniya. "Pasensya ka na, wala talaga akong ibang malalapitan." "Wala iyon," tugon ni Jeremy. "I'm happy to help." Tumikhim siya. "If I may ask, nasaan ang daddy ng baby mo?" Nagbaba ng tingin si Ada pagkarinig ng tanong na iyon. "Sorry," ani Jeremy. "Pwedeng hindi mo sagutin ang tanong. I was just curious." "Hindi ko alam kung nasaan siya," tugon ni Ada. "Bago ko pa malaman na buntis ako, iniwan na niya ako sa ere. Kinalimutan ko na siya. Ibubuhos ko na lang ang buong atensiyon ko sa aking anak." Tumango si Jeremy. "Malas ko lang ho talaga. Pero parang gano'n naman yata ang lahat ng lalaki. Ginagawa lang nilang laruan ang mga babae. Kapag nakuha nila ang kanilang gusto, iiwan na nila ang mga babae na parang laruang pinagsawaan," wika pa ni Ada. Napalunok si Jeremy. "Ay sorry!" ani Ada. "Hindi ko dapat nilalahat. Mukhang matino ka naman. Siguradong iba ka sa ex ko." Awkward na ngumisi si Jeremy. Hindi siya nakaimik. Somehow, he is guilty. Pero hindi pa naman siya nakabuntis. Not unless hindi niya lang alam. Tumunog ang kaniyang cellphone. It's Jake calling. "Pambihira ka naman, Jeremy. Ilang beses kitang tinawagan days prior. Ilang beses mo ring sinabi sa akin na hindi mo mamimiss ang party ko. Tapos ano? Hindi ka dumating. Ni anino mo, hindi nagpakita. Nakakatampo ka, akala mo ba?" hinanakit ni Jake. "Ikaw pa naman ang best man ko, tapos ikaw ang wala. Ano, dadalo ka pa ba sa wedding day ko?" Napakamot sa batok si Jeremy. "Bro, I'm sorry. Nagkaroon lang talaga ako ng emergency. Hindi ko naman sinasadya." "Emergency," hindi naniniwalang wika ni Jake. "Baka babae kamu! On your way, nakakita ka ng chicks and on the spot nagbago ka ng plano. Na imbes pupunta ka sa party, ikakama mo iyong babae. Lagi namang babae ang nagpapabago sa mga plano mo." "I admit, babae nga ang dahilan. But it's not what you think," tugon ni Jeremy. "It is what it is, bro," ani Jake. "You missed my party. Definitely, you'll miss my wedding day, too." "That's not gonna happen. I swear. Saka ko na ikukuwento sa inyo ang lahat. importante talaga itong pinagkakaabalahan ko ngayon. It's not really what you think. I'm sure I'm gonna make you proud." Sa tampo ay ibinaba na lang ni Jake ang tawag. Nailing si Jeremy. That was the first time na natapos ang pag-uusap nila ni Jake nang hindi maayos. "Nakakaabala na talaga kami sa inyo, ano?" nahihiyang wika ni Ada. "Pasensya ka na talaga, Jeremy." Ngumiti ang binata. "Pagod ka na ba?" aniya. "Ako na muna ang hahawak sa baby mo para makapagpahinga ka. Kailangan mo ng maraming pahinga para lumakas ka kaagad." Tumaas ang kilay niya sa kaniyang sarili at napaismid siya nang mag-echo sa pandinig niya ang kaniyang mga sinabi. Wow, he really sounds so caring!Parang siya yata ang nabangga kanina at mukhang naalog ang buong pagkatao niya. Iaabot na sana sa kaniya ni Ada ang baby nang bigla na namang tumunog ang kaniyang cellphone. "Jeremy!" Halos mabingi siya sa lakas ng boses ng kaniyang yaya Nina. "'Ya!" aniya. "Huwag mo akong ma-yaya yaya riyan. Ano'ng oras na hindi ka pa rin umuuwi? Nasa party ka pa rin ba o nasa kama na at may kalantari na namang babae?" "Si Yaya naman parang asawang nagseselos!" natatawang tukso niya sa matanda. "'Ya, hindi ho ako tumuloy sa party. May emergency ho ako. May tinulungan ako. Pero saka ko na ikukuwento pag-uwi ko riyan. Alam n'yo namang tamad akong magsalita over the phone." "Emergency? Tinulungan? Sino?" ani Nina. "Naku, Jeremy! Nasangkot ka ba sa aksidente sa kalsada? Ikaw talagang bata ka! Siguro lasing kang nagmamaneho. Aatakihin ako sa puso sa iyo!" "'Ya, relax! I don't drink and drive. Alam mo iyan. I'm not even drunk. I'm okay. I am not hurt. And most importantly, I did not hurt anyone. Believe me, okay?" He sighed. "Huwag mo na akong hintayin. Uuwi na lang ako riyan. May inaasikaso lang ako. But I assure you, okay lang ako. I'll be home before you know it." "Bahala ka sa buhay mo!" naiinis na tugon ni Nina at saka ibinaba ang telepono. Natatawang ibinaba ni Jeremy ang kaniyang cellphone. Ang kaniyang yaya Nina talaga. "Mukhang estrikto ang yaya mo, ah," ani Ada sa binata. "Yeah. Pero wala naman siyang nagagawa sa akin. Hanggang gano'n lang siya," tugon ni Jeremy. "Parang nanay mo na siya, 'no?" Mapait na ngumiti si Jeremy. "Honestly, I can't tell. Hindi ko naman kasi naranasang magkaroon ng nanay. Hindi ko alam kung ano ang itsura niya. Hindi ko nga alam maski ang pangalan niya. Higit sa lahat, hindi ko alam kung bakit niya ako iniwan. Baby lang ako nang iwan niya ako. Kaya siguro, galit na galit sa kaniya ang Dad ko. Kaya hindi na ginusto ni Dad na makilala ko siya. Mas okay nga na gano'n. Lumaki akong walang expectation sa kung sino man ang nagluwal sa akin sa mundo." Nalungkot si Ada para sa binata. "Sorry," aniya. "You shouldn't be. Mukha ba akong malungkot at hindi okay?" He smirked and chuckled. "I am living the best life. I can do whatever I want. I don't need her." Napatingin si Ada sa kaniyang baby. "Ako, hindi ko iiwan ang anak ko kahit ano'ng mangyari. Hindi bale nang pagdaanan ko ang lahat ng hirap, huwag lang kaming magkahiwalay." Napangiti si Jeremy, ngunit naramdaman niyang tila may tumusok sa kaniyang puso. Paano nga ba siya nagawang iwan ng kaniyang ina? Bakit?Pero katulad ng sinabi niya, wala na siyang pakialam pa. "Maswerte ang anak mo sa iyo," aniya kay Ada. "Mas maswerte ako kasi nagkaroon ako ng dahilan para mangarap ulit sa buhay. Ang anak ko ang magiging motibasyon ko at inspirasyon. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya para mabigyan siya ng magandang buhay sa hinaharap," tugon ni Ada. Ngumiti lang si Jeremy. Habang pinagmamasdan ni Ada si Ethan ay bigla itong nahikab. Nakita iyon ni Jeremy. "Akin na si Ethan," anang binata. "Magpahinga ka na muna. Babantayan ko siya para sa iyo." Ngumiti si Ada at iniabot nang dahan-dahan si Ethan kay Jeremy. "Pasensya ka na, ha? Napagkakamalan ka tuloy na tatay ng anak ko." Natawa si Jeremy. "It's okay. No harm done. But you know what's funny? Ilan na silang nagsabi na mana sa akin ang baby mo." Hindi rin napigilan ni Ada ang matawa. "Iniisip kasi nilang ikaw ang tatay ni Ethan. Bunga lang ng imahinasyon nila ang pagkakamukha ninyo," aniya. Jeremy just smiled. He took a glimpse at the baby he's holding. Never in his life did he imagine na hahawak siya ng isang sanggol. Isinumpa niyang hindi siya mag-aasawa at mag-aanak. He doesn't want kids. He did not enjoy being a kid kahit na lumaki siyang nakukuha ang lahat ng gusto. Malaking factor na lumaki siyang walang ina kahit nandiyan naman si Nina bilang mother figure niya. Lumaki siyang hindi gusto ang mga bata. He likes noise, maliban sa ingay na gawa ng mga batang makukulit. Kids makes a lot of mess. He doesn't care about kids as long as they don't go near him. Pero bakit hindi siya naiinis habang pinagmamasdan ang sanggol na hawak niya ngayon? "Well, maybe because he is still too small," tugon niya sa sarili. "He is not running around like crazy yet. He is not making a mess. And he is not making a lot of noise unless he's hungry." He kept on staring at Ethan. Gusto niyang makita ang sinasabi nilang mana ito sa kaniya. Hindi naman maipagkakaila na gwapo ang baby. Matangos ang ilong nito at maganda ang mga mata. Sigurado siyang marami itong paiiyaking mga babae pagdating ng araw. Iyon marahil ang pagkakahawig nila. Naghikab si Ethan at mabilis niyang itinapat ang kaniyang ilong sa bibig nito upang samyuin ang hininga nito. Natagpuan na lamang niya ang sariling nakangiti na parang baliw habang pinagmamasdan ang sanggol. "May asawa ka na ba?" tanong ni Ada sa kaniya. Umiling siya. "Wala akong plano. Ayaw ko ng commitment," tugon niya. "Pero mukhang magaling kang mag-alaga ng bata. Mukhang gusto ka ng anak ko. Tahimik siya, oh," nakangiting wika ni Ada. "Hindi ko rin gustong magkaanak," wika ni Jeremy. "I don't want any responsibility. Gusto ko ng malayang buhay na walang iniintindi kundi ang sarili ko." Nawala ang ngiti sa labi ni Ada. Ngunit nang tumingin sa kaniya si Jeremy ay pinilit niyang ngumiti. "Sa bagay, okay lang naman iyan. May mga ganiyan talagang tao. Kani-kaniya naman tayong choices sa buhay," aniya. Disappointed siya at medyo na-turn off kay Jeremy. Mukhang hindi ito naiiba sa kaniyang ex na si Anton. Mukhang ito rin ang tipo na nagpapaibig at nang-iiwan sa dulo. Hindi nagtagal ay nakatulog si Ada. Hinintay siya ni Jeremy na muling magising. "Hi!" ani Jeremy kay Ada pagmulat ng mga mata nito. Hawak niya pa rin ang bata. "Mukhang pagod ka na," wika ni Ada. "Umidlip ka kaya muna." "Ada, I need to go home first. Kailangan kong magpalit ng damit. Kailangan ko ring bumili ng mga kailangan mo rito. I'll send Yaya Nina here para siya ang magbantay sa iyo habang wala ako. I'll call her before I leave. Don't worry, mabilis lang siyang makakarating dito. Ipapahatid ko siya," wika ni Jeremy. "Okay," tugon ni Ada. Siniguro muna ni Jeremy na nakakain si Ada bago siya umalis. Ibinilin din niya ang mag-ina sa nurse. "I'll be back real quick," wika pa niya bago umalis. Bago makalabas ng pinto sa kwartong iyon ay tinawag pa siya ni Ada. "Jeremy!" ani Ada. "Babalik ka, ha?" nangingilid ang mga luha nito. "Babalik ako," tugon ni Jeremy. "Pangako." Ngumiti siya bago tuluyang makalabas sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD