"Baby..." nakangiting wika ni Jeremy sa nobya nang mapansin ang pagkatulala nito. "Are you alright?" Parang bumalik si Ada sa huwisyo nang marinig ang boses ni Jeremy. "Ako ho si Jerome Castillo, Ma'am. Ako ang magiging bodyguard ninyo. Nice to meet you," nakangiting wika ni Jerome na nakabinbin pa rin ang kamay sa ere. "Jerome?" ani Ada na puno ng pagdududa ang tono ng boses. "You heard it right, Ma'am. Jerome po." Nag-aalangang tinanggap ni Ada ang kamay ni Castillo. They shook hands and Castillo smiled. "Don't worry, Ma'am, you're in good hands," wika pa ni Jerome. Hindi na makaimik si Ada. Nagbaling siya kay Jeremy. "B-babalik na ako sa bahay," aniya. "Parang biglang sumama ang pakiramdam ko." Kaagad namang nag-alala si Jeremy. "Why? What do you feel?" usisa niya nobya. Umil

