CHAPTER 76

2017 Words

"Namumutla ka. Para ka namang nakakita ng multo," wika ni Andrew kay Jomar. "Hindi ba kasi ang usapan natin sa labas lang tayo magkikita? Hindi rito sa trabaho ko." "Nagtanong ako sa guard, wala ka raw. Kasalanan ko ba iyon?" ani Andrew. "Syempre, hihintayin kita. Alangan naman sa labas pa ako maghintay kung mayroon namang matatambayan dito." Napakamot sa batok si Jomar. "Ano, okay na ba? Makakaalis na ba tayo mamaya?" "Okay na. Kasado na ang shipment." "Sandali. Saan ka ba nagpunta? Ang sabi ng guard, may bisita ka raw kanina." "Oo. P-pinsan ko." Ngumisi siya. "S-sinamahan ko sa ospital. Naospital daw ang tiyahin ko." Napakunot ang noo ni Andrew. Napansin niya ang pagkakandautal ni Jomar. "Tensiyonado ka, ah. Sigurado ka bang okay ka lang?" "O-oo naman! Ano ka ba? Normal lang ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD