"ANO?!" bulalas ni Nina nang marinig ang balita kinabukasan ng gabing hindi umuwi si Jeremy. "Ang anak ko!" hinagpis niya. Napahagulgol siya at napayakap kay Jerome. "Aling Nina, gagawin ho namin ang lahat para makabalik sila ni Ada sa inyo," wika ng binata. "Baka ho mapaano kayo. Kailangan kayo ni Ethan." "Hindi ko mapigilan ang mag-alala, Jerome. Isa akong ina," umiiyak na wika pa ni Nina. "Alam ko ho. Pero kailangan ninyong magpakatatag. Higit ngayon." Niyakap niya nang mahigpit ang matanda. Tumunog ang cellphone niya at kaagad niyang ini-excuse ang kaniyang sarili. "Castillo, pumunta ka sa station. May gustong makipag-usap sa iyo. Ayaw mag-confess sa amin. Ikaw lang daw ang gustong pagsabihan," wika ni Major Salazar sa kabilang linya. "Sino ho, Major?" "Iyong babaeng biktima ng

