CHAPTER 67

2137 Words

Wala sa sariling umuwi si Ada sa mansiyon. Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. "Diyos ko, Ada. Alalang-alala ako sa iyo. Paalis pa lang sana ako para sundan ka sa estasyon. Mabuti naman at nakauwi ka na. Hindi ko magawang tawagan si Jeremy at sabihing hinayaan kitang umalis," wika ni Nina. Napansin nito ang pagkawala sa sarili ni Ada. "Ayos ka lang ba? May nangyari ba sa iyo? Ano, nakita mo ba si Jerome? Nasa estasyon ba siya?" Nag-angat ng tingin si Ada. "'Nay, kailangan ko hong magpahinga. Napagod ho ako. Si Ethan po?" tugon niya. Napaawang ang mga labi ni Nina. "Tulog si Ethan. Nasa kwarto ninyo," aniya. Bagsak ang mga balikat na naglakad si Ada patungo sa kaniyang kwarto. Habang si Nina naman ay naiwang nagtataka. Pagkapasok ni Ada sa kaniyang kwarto ay kaagad niyang bin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD