CHAPTER 66

2005 Words

Unti-unting iminulat ni Ada ang mga mata nang maramdaman ang init mula sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha. Mataas na ang sikat ng araw. Napatingin siya sa wall clock, alas nwebe na ng umaga. Napabalikwas pa siya ng bangon nang maisip na may pasok siya. Ngunit naalala niyang weekend pala. Nasapo niya ang nananakit na ulo. Naparami siya ng inom kagabi. Iyon ang unang beses na naglasing siya. Nanlaki ang mga mata niya nang maalala ang nangyari. Napalunok siya. Nagmamadali siyang tumayo at nagbihis. Lumabas siya ng kaniyang kwarto. "Oh, gising ka na pala," wika ni Nina nang makita siya. "Nagluto ako riyan ng nilagang baka para may mahigop ka. Lasing na lasing ka kagabi. Kinarga ka na lang ni Jerome at dinala sa kwarto mo." Namula ang kaniyang pisngi sa narinig. "N-nasaan po si J

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD