Chapter 1

3603 Words
Animo'y nasa langit ka habang naririnig ang mga boses sa loob ng music room na iyon. Joyful joyful Lord we adore thee God of glory Lord of life Hearts unfold like flowers before thee Ngiting ngiti ang guro habang pinapanuod ang mga kabataan na tuloy sa pagkanta. Hearts unfold like flowers before thee oh yeah yeah yeah ehhhh! "Very good Julie Anne!" The singing ended but the clapping didn't. Lahat sila ay masayang nagpupurihan sa magaling nilang pagkanta. "May laban talaga tayo sa regionals!" Ani Mrs. Rose; ang coach ng chorale ng St. Anne's University. Lumapit ang babae kay Julie Anne na pinupuri ng mga kasamahan. "Keep it up Julie. You really do have a golden voice." "Thank you po coach." Ngiti naman ni Julie Anne sa babae. "For a 19-year old, your range is amazing." Muli ay puri ni Coach Rose. All Julie could do was smile. Being praised like that was very uplifting and she was really proud of herself because of that. "Ayan na ayan na!" "Yiii si sundo nandyan na!" Sabay na napalingon si Julie at ang kanilang coach sa komosyon nang mga kapwa miyembro ng chorale ng babae. Coach Rose smirked knowingly at Julie and gestured for the door. "O ayan na nga talaga ang sundo mo, you should go." Julie merely chuckled and shook her head. "Thanks coach, see you next week!" Nagmadali papunta sa mga gamit niya na nakapatong sa isang upuan si Julie at sinenyasan ang tinatawag niyang sundo na nasa may pinto na hintayin siya. "Sweet naman ni Elmo, Jules, lagi ka sinusundo." Sabi ni Diane, kapwa miyembro ni Julie Anne habang sabay nilang iniimis ang mga gamit nila papasok ng kanilang mga bag. Maikling tumawa si Julie Anne. "Ha? Hindi no. Kinontrata kasi yan ng nanay at tatay ko. Pati na parents niya. Wala siyang choice." Muli ay natawa siya bago sinukbit ang strap ng Jansport niyang bag sa kanyang balikat. "Whoo, If I know gusto niya din yan." Tudyo pa ni Diane. Tumawa na lang ulit si Julie. "Oo kasi lagi ko siya linilibre ng isaw." "Washu! Kapakshetan!" Napatingin sila sa nagsalita at nakitang papalapit ang isang babaeng matangkad at morena. Julie looked at the girl and smirked. "Ano nanaman Maqui?" "Ako ang unang magsasabi na 'putang ina mga pabebe kasi kayo'." Sabi ni Maqui habang nakapamaywang. "Ay wait, feel ko hindi ako unang magsasabi eh." "Maq inaaway mo nanaman si Lahat." Napapitlag si Julie nang maramdaman ang maskuladong braso na umakbay sa kanya. "Ayan isa pa yan! Ano ba yang lahat lahat na yan na lagi niyo sinasabi!" Parang umuusok na ang ilong ni Maqui sa sinasabi. "Wag kang tatawa tawa Elmo may kasalanan ka pa sa akin!" Gulat na napatingin ang lalaki na nakaakbay kay Julie Anne. "Ako? What'd I do?" "Iniwan kayo ni Julie kasi nagpatulong ka sa assignment mo!" "Maq naman." Alo ni Julie sa babae at inikot ang braso sa braso nito. "Tinutulugan mo na din naman kasi ako non eh. Hindi ka nageenjoy don sa pinapanuod natin." "Hindi! Mas gusto mo lang talaga kasama yang lalaki na yan eh." Natatawa na ang ibang nanunuod sa eksena na nangyayari. "Halika sumama ka na lang sa amin, libre din kita isaw." Natatawa din na sabi ni Julie Anne. "Ayan! Kung ganyan ka ba naman lagi eh. Tara na! Magalona bilisan mo magdrive ha at nagugutom na ako." Napailing na lang si Elmo at sumunod sa dalawang babae palabas ng eskwelahan. Papalubog pa lang ang araw at marami pa rin estudyante ang paikot ikot sa school grounds. Ang iba ay kumukuha ng summer classes at ang iba ay nandoon para sa extra curricular activities. Kaagad nilang nakita ang asul na Mercedes Benz ni Elmo na nakapark sa paboritong niyang spot sa ilalim ng isang puno. Pinindot niya ang remote ng kotse para bumukas ang mga pinto. Deretso sa may passenger seat si Julie Anne at si Maqui naman ay inilagay na ang mga gamit sa likuran. "Anong oras yung game niyo?" Tanong ni Julie kay Elmo habang papasok ng loob ng kotse. "6:30 daw eh pero hindi pa naman magstart kaagad iyon." Sagot ni Elmo. Malakas ang tunog pagkasara ng pinto at binuksan na ni Elmo ang makina. "Sapatos mo nandyan? May pamalit ka ba? Baka nakalimutan mo nanaman twalya mo?" "Ngayon ko lang nalaman Elmo na nanay mo pala si Julie Anne." Natatawa na sabi ni Maqui sa likod. Sinimangutan ni Julie Anne ang kaibigan mula sa rear view mirror habang si Elmo ay ngumiti lang. Umikot muli ang mata ni Julie at napahalukipkip. "Eh kasi nung isang game nila hindi nagdala ng pamalit. Ayun edi sinisipon kinabukasan." "Hay jusko po kailan ba aamin ang mga ito." "Wadya say Maq?" Tanong ni Elmo haabng nagsisimula magmaneho. "Ah wala wala. Sabi ko tara na at nagugutom na ako." Binaybay na nila ang daan pauwi sa village na tinitirhan nila. "Lahat, asan yung aux cord mo?" Tanong ni Julie sa lalaki habang maghahahilap sa may compartment. "Ah, hiniram kasi ni Kris, Lahat, nasa kanya pa. Kanta ka na lang hehe." "Hay nako." Nasabi din ni Julie bago hinawakan na lang ng mahigpit ang telepono. Pero maya maya lang ay nagsimula din naman kumanta. "Your love is bright as ever...even in the shadows. Baby kiss me, before they turn the lights out." "OUR LOVE IS LIKE XO!!! YOU KILL ME BOY XO!!" Sabay na natawa si Julie at Elmo nang hindi mapigilan ni Maqui ang bumirit matapos simulan ni Julie Anne ang kanta. Nakapasok na sila sa loob ng violage at dumeretso na sa basketball court nila kung saan isang liga ang nagaganap. "Ayan na siyaaaa." "Ang gwapo bheee." Napaikot na lang ang mga mata ni Julie sa naririnig habang si Elmo ay deretso lang ang lakad sa kung saan nakapwesto ang mga kaibigan nila. "Bro you made it!" Ani Kris, isa pa sa mga kaibigan nila at nakiagfist bump pa kay Elmo. "Pagbigyan niyo na sinundo pa ang Lahat niya eh." Natatawa naman na sabi ni Jhake. Si Julie ang unang lumapit at mahinang sinuntok ang braso ng huling nagsalita na natawa lang. "Aray! Sanggano ka talaga Jules." "Hindi pa ba daw magsimula yung game?" Tanong naman ni Maqui. "After pa ng isang ito." Sagot naman ni Sam na isa din nilang katropa. Nakatayo lang kasi sila sa isang gilid ng court habang tuloy pa ang kasalukuyan na laro. "Warm up kaya muna tayo?" Sabi naman ni James, isa pa na ka-team nila Elmo. Ang iba ay nagwarm up nga at ang iba ay nanatili na nanunuod ng laro. "Nakakagutom pala magpraktis ng kanta." Sabi ni Julie kay Maqui. "Oo nga eh. Ano gusto mo bes?" Balik tanong ni Maqui habang pinapanuod ang laro. Fourth quarter na rin naman kaya malapit na matapos. "Parang gusto ko ng isaw bes." Sabi ni Julie. Kanina pa talaga siya nagc-crave ng isaw. "Ikaw ah." Biglang sabi naman ni Maqui sa tabi niya dahilan para mapatingin siya sa babae. "Huh?" Tanong pa niya nang nakataas ang kilay. Natawa si Maqui at mahina siyang hinampas sa balikat. "Hindi mo sinabi na magkakababy na pala kayo ni Elmo. Ninang ako ah!" Tumatawang kinurot ni Julie ang kaibigan. "Pinagsasabi mo dyan Maq! Di ako buntis no!" "Pero hindi mo dineny na if ever buntis ka nga eh si Elmo yung tatay?" "H-ha? Huy hindi ah! M-mas naisip ko lang yung pagkabuntis sa sinasabi mo." Nauutal na sabi ni Julie sabay iwas ng tingin. Baka sakali matago ang pamumula ng muhka niya. Maqui smirked knowingly kahit na hindi naman nakikita ni Julie Anne. Napakibit-balikat ito at tuloy na lang na nanuod ng laro. "Pare asan si Elmo?" Narinig nilang tanong ni Jhake. Napatingin tuloy sila ag nakitang nawawala nga si Elmo. E kanina katabi lang nito si Julie Anne! Luminga linga sa paligid si Julie hanggang sa nakita na nila si Elmo na papalapit sa kanila. May hawak itong plastic cup na may laman na isaw. Sa kabilang kamay naman ay may hawak na plastic ng coke. "Lahat o." Sabi ng lalaki sabay abot kay Julie Anne nang pagkain. Nakangiting tinanggap ni Julie ang pagkain. "Thanks Lahat!" "Hustisya o! Kunan niyo din ako ng jowa!" Himutok ni Maqui. Natawa sila Kris sa itsura ng babae. "Maq, balita namin bet ka ni Kuya Frank." Sa sinabi ay namula si Maqui at nagiwas ng tingin. "Tigilan niyo ako ah." At muli ay sabay sabay silang mga natawa. "Buti pa si Julie. Moe! Nagugutom din kami!" Dagdag ni Sam na may paghimas pa sa sariling tiyan. "You guys have feet right?" Pangaasar pa ni Elmo na nakatayo lang sa tabi ni Julie. "Lahat o." Sabi ni Julie Anne sabay subo ng straw ng coke kay Elmo na kaagad naman ininuman ng lalaki. "Hay kapakshetan talaga oo." "Ano yon Maq?" "Ha? Wala wala. Kako ang tagal ng laro!" Kakasabi lang ng ganon ni Maqui nang tumunog ang buzzer ng laro at sabay sabay silang dumeretso sa bench na para sa kanila. Nagsimula na magbihis ng mga jersey ang lalaki. Pantaas na lang ang papalitan dahil mga nakabasketball shorts naman na sila. "Huhu anh yuyummy!" "Ang puti ni Magalona shit." "Gusto ko si Kris, moreno!" Parehong nailing na lang si Maqui at si Julie nang marinig ang ibang kababaihan na pinapanuod magbihis ang mga lalaki. "Akala mo mga ngayon lang nakakita ng balat." Natatawa na sabi ni Julie Anne habang linalantakan ang biniling isaw ni Elmo para sa kanya. Nakakalokong tiningnan ni Maqui si Julie bago nagsalita. "Palibhasa sanay kang nakaganyan si Elmo. E halos may sarili kayong bahay na dalawa eh." "Luh? Pinagsasabi mo diyan Maq." "Lokohin mo lelang mo Julie Anne!" Sabi pa ni Maqui na napapailing. "Yung treehouse niyo, o ano na yon?" "Tambayan lang namin yon." Julie said offhandedly. Muli ay natatawa at napailing na lamang si Maqui. "Osige sabi mo eh." "Lahat pabantay ako ng gamit ah." Sabi ni Elmo habang pinapasok ang damit sa loob ng backpack. "Haay nako Elmo, magugusot 'to. Lagot ka kay Manang." Pagsaway pa ni Julie at kinuha ang sinuksok na damit ni Elmo sa bag para matiklop niya ng maayos. Ngumisi lang ang lalaki sa kanya na para bang nangaasar pa. "Lahat na lang lahat na lang." At ngumisi pabalik si Julie Anne. "Lahat na lang lahat na lang." "Cheer niyo kami ah." Sabi pa ni Elmo. Inunahan ni Maqui magsalita ang kaibigan. "Ay oo naman Elmo kami pa. Teka asan na nga ba ang jowaers ng mga ka-team mo?" "Tippy said they'll catch up. Galing spa." Sagot naman ni Sam habang tinitingnan ang telepono. "Ito talaga si Tippy, manunuod na lang ng laro nagpaspa pa." Tawa ni Maqui. Nagsimula magwarm up ang mga lalaki at nanuod lamang si Mawui at Julie habang nagk-kwentuhan na din. Hindi naglaan ay tumunog ang buzzer hudyat na magsisimula na ang laro. "Go Lahat!" Cheer pa ni Julie. Lumingon si Elmo sa kanya at ngumiti bago ituon ang pansin sa jump ball. "Si Julie saka si Elmo na ba?" "Di daw..." "Luh? Pero kung gumalaw parang magjowa?" "Lam mo bes tong mga babae na 'to magbubulungan na lang yung rinig oa eh." Sabi ni Maqui kay Julie. Kanina pa kasi nila naririnig ang usapan ng mga kababaihan na nakatayo sa bandang likuran nila. Medyo malayo ang mga ito sa mismong bench na inuupuan nila pero mas malakas pa ata ng mga boses sa nag-aannounce. "Hayaan mo na." Sambit ni Julie. Wala naman kasi siya pakielam sa sinasabi ng mga ito. "Teka nga bes, hindi pa ba talaga nanliligaw sayo yan si Elmo?" Halata ang gulat sa muhka ni Julie habang tinitingnan ang kanyang kaibigan. "Huh? Anong tanong naman yan Maq. Siyempre wala." "Anong syempre?" Balik pa ni Maqui. "Hindi kaya malabo na mangyari yon no." "Friends lang kami ano ka ba." Natatawa lang na sabi ni Julie, kahit na alam niya sa sarili niya na may kulang sa mga kataga na iyon. "Osya. Ilang beses na ata itong usaoan na ito wala nangyayari." "THREE POINTS FOR ELMO MAGALONA!" "Nice one Lahat!" Pagcheer ni Julie nang makashoot nga si Elmo. Kaagad na tumingin sa kanya ang lalaki at ngumiti pa. Si Maqui naman ay napapailing na lang sa isang tabi. "So hindi pa talaga sila magjowa ng lagay na yan?" Narinig ni Julie ang bulung bulungan sa likod pero hinayaan na lang niya. "Ayan na ang mga bakla!" Napalingon si Julie sa kung saan nakatingin din si Maqui nang magsalita ito. At hindi nga nagkakamali ang pinakamatalik niyang kaibigan dahil papalapit na sa kanila ang mga kasintahan ng ka-team ni Elmo at mga kaibigan din nila. "Hey Jules! Maq!" Bati ni Tippy na girlfriend ni Sam. Halatang relax na relax ang mga itsura nito kaya alam mo na talagang mga nagpaspa. Nakasunod dito ay ang girlfriend naman ni Kris na si Joyce at ang girlfriend ni James na si Nadine. "Sino lamang?" Tanong ni Nadine matapos makipagbeso kay Julie at Maq at umupo sa tabi ng nauna. "Tayo." Ngiting tagumpay na sabi ni Julie. "Proud yan!" Singit bigla ni Maqui. "Nakailang three points ata si Elmo eh!" "Ah inspired." Natatawa na sabi ni Joyce. Mas lalo pang umiintsik ang mata nito. "Naman, nandito Lahat niya eh." At sunod sunod na hagikhik ang mga babae sa sinabi ni Maqui. Umikot lang ang mga mata ni Julie Anne sa sinabi ng mga ito. Hindi na yata mapupukpok sa ulo nang mga tao na wala naman talaga namamagitan sa kanila ni Elmo. Sa duration ng laro ay nanuod na lamang sila. Kanya kanyang mga cheer para sa boys ng team nila Elmo. At di naglaan. "Elmo Magalona for the buzzer beater!!!" "We won!" Elmo hit a clutch three for a game winner and the crowd exploded. Maganda pa naan ang laban at talaga naman nakakaentertain ang pagnuod. "Whoo!" "We won yeah!!!!" Kanya-kanyang apir ang mga lalaki sa isa't isa pagkatapos ng isang magandang laban. "Kita mo yon Lahat?" Proud na sabi ni Elmo at inakbayan pa si Julie Anne. "Nakailang three points ako!" "O edi ikaw na." Tawa pa ni Julie. Bahagya naman niyang linayo ang katawan sa lalaki at mahina itong pinalo. "Ano ba yan Lahat! Pawis na pawis ka pa eh!" "Sanay ka naman sa pawis niyan!" Tawa pa ni Maqui. "O ano tara na let's party! Libre ni Julie!" "Oi Maq!" "Kami na bibili ng food." Julie volunteered. "Bahay ba nino?" Tanong bigla ni Jhake. At halata sa kanya na parang hindi siya sigurado. Dahil doon ay sabay sabay na napatingin sa kanya ang mga lalaki. "Ayun o! May pupuntahan ka pa no?!" Tanong ni Kris habang nakaakbay kay Joyce. "Ayiiiiiii!" "W-wala no!" Sabi naman ni Jhake. "M-may dadaanan lang...oo tama!" Nagkangitian silang lahat. Alam naman kasi nila kung saan talaga papunta si Jhake. Pakipot pa kasi ito. "Sa bahay na lang namin." Yaya naman ni Tippy. Lulubusin na nila ang summer dahil sa darating na pasukan ay huling taon na nilang lahat sa kolehiyo. "Mini stop na lang tayo?" Tanong ni Elmo kay Julie pagkasakay nila ng kotse niya. Kayla Tippy sumama si Maqui para deretso na sa bahay. Sa mga ganito kasing usapan ay laging si Julie ang bahala sa mga pagplano at si Elmo ang dakilang driver niya. "Oo don na lang. Mabibili naman lahat don." Sabi pa ni Julie Anne. Busy siya sa pagtext sa magulang na malelate siya ng uwi kaya hindi siya tumitingin kay Elmo. Naramdaman na lang niya na pinaandar na ng lalaki ang kotse at binabaybay na nila ang daan palabas ng village papunta sa pinakamalapit na Mini Stop. Sabay na silang lumabas at derederetso na naghanap ng tsitsirya si Julie Anne habang si Elmo ay sa alak. Painosente na nakangiti ang lalaki nang lumapit ito kay Julie na may dalang Jack Daniels. Tinaasan ng kilay ni Julie Anne ang lalaki. "If you get so f*****g wasted Elmo..." "Aww come on Lahat. Nanalo naman kami eh." Paglalambing pa ni Elmo sa kanya. "Please?" Nako kapag ginamitan kasi siya ng ganoong tingin ni Elmo ay natatalo talaga siya. "Hay nako. Sige na nga. Pera mo naman yan eh." "Yes!" Ngiting tagumpay na sabi ni Elmo. Natapos na sila sa pag-grocery at dumeretso na sa bahay nila Tippy. Narinig na nila ang mga kaibigan nilang nagkakasiyahan sa loob. "Pasok na kayo Elmo, Julie Anne." Ani Manang Jopay na mayor doma nila Tippy. "Salamat po manang!" Ngiti ni Elmo. Dumeretso silang dalawa sa may patio dahil nandoon na nga ang mga kaibigan nila. Inilabas ni Tippy ang Magic Sing nila kaya naman bumibirit ngayon si Sam sa pagkanta. "Kitchen lang muna ako." Sabi ni Julie. "Shet excited na ako!" Sabi ni Elmo na animo'y kumikinang ang mga mata. Alam na kasi nito kung ano ang gagawin ni Julie Anne. Umikot na lang ang mata ng babae at mula sa likod ay sa kusina dumeretso. Nakasunod sa kanya si Nadine na automatic ay tutulong. "Grabe, may magic talaga yang kamay mo sa pagbake Jules." Kagaya ni Elmo ay excited na din si Nadine sa kung ano man ang lilikhain ni Julie Anne. "Excited naman yun lagi kasi pagkain pinaguusapan." Natatawa pa na sabi ni Julie. Inilabas na niya ang ingredients dahil gagawa siya ng cupcakes. Napansin niya na bigla na lang natahimik si Nadine kaya napatingin siya sa kaibigan. "What?" Nakangiti niyang tanong. Nadine was still looking thoughtfully at her. "Kayo na lang talaga ni Elmo ang hinihintay namin eh...well bukod kay Maqui saka kay Kuya Frank." "Huh?" Nalilito pa rin na tanong ni Julie Anne. Napapailing na natawa si Nadine. "You and Elmo! Kailan pa magiging kayo?" Hindi napigilan ni Julie ang pagtawa. "Hala. Hindi ah." Ano bang meron at kanina pa sila tinatanong ng mga tao sa paligid? "Malapit na kasi tayo grumaduate tapos wala pa rin talaga." Pagak na natawa si Julie Anne. Oo nga eh. "Wala talaga Nadz. He's just a friend." Nagiwas siya ng tingin at sinimulan na ang pagmix ng para sa cupcakes. Narinig niyang napabuntong hininga na lang si Nadine. Muhkang hindi na rin nito ipagpilitan pa ang usaoan dahil nagfocus na lamang sa pagtulong sa cupcakes. "Ayun! The best cupcakes mo Jules!" Sabi ni Kris nang matapos ang pagbake at nakabalik na sa may patio ang dalawang babae. Muhkang kanina pa nakainom ang mga lalaki pati si Maqui na medyo tipsy na rin. "Si Lahat pa!" Puri ni Elmo. Automatic ata ang braso nito na umaakbay kay Julie Anne kapag malapit dito ang babae. "Nakarami ka na ha." Saway ni Julie sa lalaki. Medyo namumula na kasi ito. Halata dahil mestizo. "Aalagaan mo naman ako Lahat eh." Elmo slurred and buried his face in Julie's neck. Umakyat ang kilabot sa sistema ng babae pero hinayaan lang niya iyon. Ang iba pa nilang mga kaibigan ay sabay sabay na nagkatinginan at pareparehong napabuntong hininga na lamang. Si Jhake ay maagang umalis may pupuntahan kuno. Nagkwentuhan sila buong gabi hanggang sa nakakatulog na ang iba. "Hindi na kaya nitong alaga ko." Sabi ni Joyce dahil tulog na sa balikat niya si Kris. Si Sam at James ay pareho na din namumula. Habang si Elmo ay nakahiga na ang ulo sa hita ni Julie Anne. "Dito ka na matulog ha Samuel." Sabi ni Tippy sa kasintahan. Lango na sa alak na ngumiti lang sa kanya si Sam. "Yes babe." At humalik pa sa pisngi niya. "Ehhh! Sam naman eh!" At nagtawanan lang silang lahat. "Mahahatid ko pa ito si Kris." Sabi ni Joyce. That left James, Nadine and Maqui. "Ako na maghahatid." Julie volunteered. Lumalabas talaga na siya ang pinakaresponsable sa grupo eh. Nagpaalam na sila sa isa't isa at gamit ang kotse ni Elmo ay hinatid na ni Julie ang mga kaibigan sa kanikanilang bahay. Si Elmo na lang ang natira. Magkatabi naman kasi sila ng bahay so ihahatid lang niya pauwi ang lalaki at siya naman ay dederetso na sa sariling tahanan. Knock out na ang lalaki nang madala niya ito sa bahay. "Ay jusko ang batang ito." "Is that Elmo manang?" Yun ang bumungad kay Julie nang dalhin niya ang kaibigan pauwi. Mababalian na ata siya ng buto sa bigat ni Elmo. "Jules hey! Sorry." Hingi ng paumanhin ni Frank nang makita na inaalalayan niya ang lasing na lalaki. "Okay lang Kuya." "Tara na." Tinulungan siya ni Frank paakyat sa kwarto ni Elmo. "Hmmm..." Umuungol na sambit ni Elmo nang madeposito siya sa kama. "Grabe talaga itong kapatid ko." Natatawa na lang din na sabi ni Frank. "Kaya ko naman Kuya. Trained na ako." Tawa din ni Julie. "O pano salamat ha Jules. Ako na bahala sa kanya." Sabi ni Frank at akmang tatanggalin ang sapatos ni Elmo nang muli ay umungol ang lalaki. "Mmm Lahat..." Nagkatinginan sila ni Frank. Well this was awkward. "Ah..." Sambit ni Julie bago lumapit para tapikin si Elmo. "Lahat. Nakauwi ka na. Tulog ka na ha? Bibihisan ka ni Kuya Frank." Elmo moaned yet again hut wasn't opening his eyes. "Okay. T-thanks Lahat." Napangiti si Julie at tinulak na lang ang buhok ni Elmo na nakatakip sa muhka nito. Napalingon siya at nakitang nakatingin lang si Frank sa kanilang dalawa ni Elmo. Nakangisi pa ito sa kanila. "Kayo na lang naman talaga hinihintay namin eh." Sabi pa nito na napapangiti. Napailing na lang si Julie. Hindi niya alam bakit ba iniisip ng mga tao iyon. Pwede naman na magkaibigan lang sila diba? "Sige po kuya, una na ako." "Alright Jules. Salamat ulit." Sinarado na ni Julie ang pinto pagkalabas niya. Tumigil siya saglit sa kinatatayuan. Magkaibigan lang naman kasi talaga sila ni Elmo. At masaya naman siya sa ganun lang. Oo tama. Masaya naman siya. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD