"O, kagigising mo lang?"
Halos hindi pa bumubukas ang mga mata ni Julie nang maglakad siya papasok ng kusina nila. Gulo gulo pa ang buhok niya at hindi pa siya nakakahilamos.
"Hi ate." Bati niya sa kapatid na nakaupo sa hapag. Di kagaya niya ay bihis na bihis na ito dahil nagt-trabaho ito sa company ng mom nila.
Her ate smirked at her and shook her head. "Para kang sumabog." Natatawa na sabi nito.
Tinipon niya ang buhok niya sa isang bun at itinali iyon bago tumabi sa kapatid.
"O kain ka na. Parang pumapayat ka bunso ah." Sabi ni Ate Angel habang linalagay ang pagkain sa plato na nasa harap niya.
"Di naman ate." Sagot niya habang kinukusot ang mata.
"O siya, una na ako ah. May meeting pa kami nila mama." Tumayo na si Angel at hinalikan ang tuktok ng ulo ni Julie Anne.
"Bye ate." Simpleng sagot na lamang niya. Sigurado siya na ang nanay at tatay niya ay kanina pa nakadating sa opisina. Workaholic ang mga yon eh.
Mag-isa siyang kumain ng umagahan at matapos ay linagay ang plato sa may hugasan.
Summer na pero wala pa siya sa mood na lumabas ng bahay. Mga mamayang hapon pa siya siguro gaganahan.
"Manang sa may tree house lang po ako ah." Paalam niya sa mayordoma nila sakaling hanapin siya nito.
"Osige ganda."
Lumabas na siya ng bahay at dumeretso sa may backyard nila kung saan nandoon ang tree house niya. Gawa sa kanya ng tatay niya iyon para na rin daw kapag nawawala siya ay alam nila kung saan siya unang hahanapin.
That place was her little sanctuary.
Umakyat siya sa make-shift ladder na hindi naman ganun kataas bago pumasok sa loob ng bahay bahayan.
Hindi lang ito simpleng tree house. May maliit na kama din sa loob at linagyan din ng sound system ni Elmo ito.
Nandon na din ang maliit na video player niya na tinatapat lang nila sa dingding ng tree house kung saan nakatutok ang projector.
Humiga siya sa kama at nag-connect sa bluetooth speaker para makapagtugtog. Nagtetelepono lang siya nang makarinig siya nang tawag mula sa baba.
"Lahat I'm coming up!"
Napaupo siya sa kama, ang mga kamay nakalapat sa surface ng puting sheets hanggang sa makita na niya ang tutktok ng ulo ni Elmo aa entrance ng tree house.
Malaki na ngiti ang binati nito sa kanya. "Hi Lahat!"
"O? Di ka na hangover?"
"Grabe ka sa akin." Sabi ni Elmo matapos ay hinagis ang sarili pahiga sa tabi ni Julie sa kama.
He landed face first before slightly turning his head to the side so he could face her.
Bahagyang umikot din si Julie Anne para tingnan ang lalaki. Malalim ang eyebags nito pero sanay naman siya na ganun ito. Hindi niya napigilan ang tawa na lumabas sa kanya. .
"Muhka kang panda Lahat."
"Kanina mo pa ako inaaway." Sabi ni Elmo habang patuloy na nasa ganoong posisyon.
"Hahaha biro lang Lahat ito naman." Lambing ni Julie at bahagyang kinurot ang tagiliran ng lalaki.
Napatawa si Elmo at dumeretso na ito ng upo bago isandal ang likod sa may dingding kung saan nakalapat ang kama.
"Gala naman tayo." Yaya pa nito kay Julie Anne.
Umiling naman ang babae. "Tinatamad ako. Yayain mo sila Sam."
"Nakay Tippy, sa tingin mo lalayo yon?"
"Sabagay."
Nanahimik na sila. Tanging ang musika galing sa speaker ni Julie ang kasama nilang dalawa.
"Nood na lang tayo ng movie?" Suhestyon pa ni Elmo.
At dahil wala naman silang ibang magagawa ay pumayag na si Julie. "Anong gusto mo?" Tanong niya habang hinihila sa hita ang laptop.
Nasa likod niya si Elmo na sumisilip sa kung ano mang files ang meron siya sa loob. "Ano ba meron?" Tanong nito. Halos nakalapat na ang baba ng lalaki sa balikat niya at ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang tainga. Umakyat nanamn ang kilabot sa kanyang sistema pero kagaya ng dati ay tinutulak lang niya ang mga isipin na iyon sa likod ng kanyang utak.
"Ito o Warm Bodies?" Nagtatanong na sabi niya.
Kibit balikat lang ang sinagot ni Elmo. He slightly grimaced as if not really caring. "Sige okay."
Natatawang napaikot na lang ang mga mata ni Julie. Sanay na siya sa ganyang ugali ng lalaki. Kilala ito sa school na tahimik pero kapag siya ang kasama e talo pa ata ang pwet ng manok sa ingay. May mga times nga lang na medyo moody din ito.
She clicked the file and opened it to the VLC application before setting the laptop aside. Ngayon ay sa projector na sila nakatuon ng pansin.
Nagsimula na ang palabas at pareho silang nakatutok lang.
"Parang ang weird naman na yung ex nung babae e siya yung nakakain?" Pagpuna pa ni Elmo sa palabas.
"Mas malaki nga part nung ex sa book eh." Sagot naman ni Julie. "Medyo iniba nila sa film."
Elmo smirked at her. "Book geek."
"Ha. Film buff."
At hindi nanaman napigilan ni Elmo ang mapangisi. "Lahat na lang lahat na lang."
Julie smiled back at him. They were looking at each other as she shook her head and laughed, looking at the ceiling of the tree house. "Hay nako lahat na lang lahat na lang."
Still smiling, they continued watching the movie.
Maya-maya lang ay nakaramdam siya ng mabigat na bagay na dumadagan sa balikat niya. Dahan dahan siyang gumalaw at nakitang nakatulog na pala si Elmo. And he was using her shoulder as a pillow.
"Tamo 'to. Kala mo magaan siya." Himutok niya sa sarili. Pero hinayaan na lang niya ang lalaki. Siguro ay hindi pa talaga ito nakakapahinga mula sa hang over kinagabihan lang. Natapos na niya ang palabas at lahat ay hindi pa rin gumagalaw mula sa pwesto si Elmo. Napasulyap siya sa kung saan nakahiga ang ulo nito sa balikat niya. Medyo makapal na ang buhok ng lalaki kaya bahagyan siyang nakikiliti sa pakiramdam ng dulo ng buhok nito sa balat ng leeg niya.
"Lahat..." Tawag niya para magising ito at makahiga man lang ng maayos sa kama pero tila mantika ito sa pagtulog.
She gave up and just leaned her head back on the wall. Medyo may kainitan ang araw dahil nga naman summer. Batid niya ay alas diyez pa lamang ng umaga kaya talaga namang mataas ang araw. Bago pa niya mapigilan ang sarili ay natagpuan niya ang sarili na napapapikit at kinukuha ng tulog.
"Julie Anne! Julie Anne!"
Dahan dahan na bumukas ang mata ni Julie. Parang may tumatawag sa kanya? Napatukod siya sa kama at bahagyang bumangon para lang malaman na may isang malaking braso na nakayakap sa kanya.
Maingat niyang tinanggal ang braso ni Elmo sa kanyang baywang at napaderetso ng upo. Bumangon na siya at pumunta sa may entrance ng mismong tree house.
"Manang?" Tawag niya sa butihin nilang kasambahay na nakatayo doon sa ilalim ng tree house.
"Kain na muna kayo ni Elmo ng tanghalian!"
"Mmm..." Napatingin si Julie kay Elmo na umiikot sa kama. Nagiba lang ito ng pwesto pero nanatiling tulog.
Hindi na nasagot pa ni Julie si manang dahil nagsimula na din naman ito maglakad palayo.
Bumalik siya sa may kama at naupo sa tabi ng lalaki bago simulang gisingin ito.
"Lahat." Una ay tinatapik tapik lamang niya ito pero akala mo ay hindi na ulit magigising ang lalaki.
"Lahat." Bahagyang linakasan na niya ang kanyang boses at linakasan ang pagtapik.
Umungol lang si Elmo at yinakap pa ng mas mahigpit ang unan.
"Ugh. Lahat!"
"Aray!!" Sigaw ni Elmo at kaagad na napaupo sa kama.
"Hay salamat at nagising ka din. Tara na at kain na daw tayo." Sabi ni Julie sabay tayo mula sa kama at inayos ang nagulong buhok. Nakatulog siya nang nakapusod pa din ang buhok kaya bahagya itong nagulo.
"Harsh mo manggising." Himutok ni Elmo, ang nguso ay humahaba. "Aray!"
Natatawang lumayo si Julie pagkatayo mula sa kama. Tuwang tuwa kasi siya kapag naaasar niya nang ganito si Elmo. Kaya ngayon ang nguso naman ng lalaki ang namumula dahil piningot niya ito.
"Tayo na at kakain na daw tayo." Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin nito at nauna na bumaba ng tree house. Dumeretso na siya sa loob ng bahay kung saan sa bungad pa lang ay naaamoy na niya ang mabangong luto ng sinigang at manok.
"Ang sarap naman nito manang." Malaki ang ngiti na sabi ni Julie nang makita ang nakahanda sa hapag.
"Hindi mo ba babatiin ang mama mo Julie Anne?"
Nagulat si Julie sa nagsalita at nakita ang mommy niya na nakatayo sa likuran niya.
"Ma! You're home."
Ngumiti ang magandang ginang at lumapit para halikan ang pisngi ni Julie.
Sakto naman ay pumasok sa loob ng bahay si Elmo. Pupungas pungas pa ang lalaki at nakasimangot kay Julie. Pero nagulat din ito nang mapansin na nandoon ang nanay ni Julie Anne.
"Uh, hi po tita!"
"Oh, Elmo, nandito ka pala." Sabi ni Lana matapos umupo sa may hapag. "Sa tree house nanaman kayong dalawa tumambay ano?" Sabi pa nito at nagsimula na kumuha ng pagkain.
Umupo na ang dalawang kabataan. Parang may sariling upuan na nga din si Elmo doon eh.
"Bakit ang aga mo ata ma?" Tanong ni Julie habang kumukuha ng kanin.
"Tapos na trabaho eh. Saka medyo nahihilo ako kanina."
"Okay ka lang ma?" Pagaalala ni Julie.
Nginitian ni Lana ang anak at hinaplos ang buhok nito. "Oo anak. Ano ka ba. Katandaan lang ito. Kain na kayo ha."
"Sigurado po kayo tita?" Tanong din ni Elmo.
At kagaya ng kanina ay napangiti din si Lana sa lalaki. "Oo, itutulog ko na lang. Saka ito feeling ko kapag nakakain na edi okay na."
"Lahat tirhan mo naman ako ng manok!" Himutok ni Elmo nang makitang kumukuha ng pagkain si Julie Anne.
Sinimangutan ni Julie ang lalaki. "Andami dami pa manok eh!"
"Eh yung puro balat kinukuha mo gusto ko din niyan."
"Anak, pagbigyan mo na si Elmo."
"Yung totoo Ma sino anak mo ako si Elmo?" Sabi ni Julie Anne.
Sabay na natawa si Elmo at Lana saka inakbayan ng lalaki si Julie. "Ikaw pa rin ang anak mas mahal lang talaga ako ni tita."
"Tse." Julie grumbled but nonetheless gave Elmo some of her chicken.
The guy smiled but instead of eating the chicken, gave some back to Julie.
All the while Lana shook her head ay the two before proceeding to eat.
Natapos na silang kumain at si Elmo ang nagpresinta na maghugas ng pinggan.
"Ano ka ba Lahat, ako maghuhugas."
"Wag na Lahat." Bulong ni Elmo habang nginingitian siya. Nginuso nito si Lana na tumatayo na mula sa kama. "Tulungan mo na lang Mama mo kasi baka nahihilo pa yan."
Tiningnan ni Julie ang kanyang mama at napagtantong muhkang nahihilo pa rin nga talaga ito. Nginitian na lang niya si Elmo na tinuloy na lang ang paghugas ng pinggan.
"Tara ma." Sabi ni Julie at inalalayan ang kanyang nanay paakyat sa kwarto.
"Nagkita pa kayo ni ate, ma?" Tanong ni Julie.
"Ah oo, marami pa siya meeting ngayon eh." Sabi ni Lana. Nagbihis na ito nang pambahay at nahiga sa may kama.
Tumabi si Julie sa ina at yinakap ito. "Okay ka lang ba talaga ma?"
Nginitian ni Lana ang anak at hinaplos ang buhok nito. "Oo naman anak. Nahihilo nga lang ako. Iwan mo na muna ako at pinaghihintay mo ang boyfriend mo sa baba."
Julie scrunched up her nose at what her mother said. "Boyfriend ka diyan ma."
Natawa si Lana at tiningnan ang anak. "Ay hindi ba? Kulang na nga lang ikasal na kayo eh. Magkatabi pa kayo matulog. Sabagay, gusto ko na din ng apo--"
"Ma!" Pigil ni Julie sa sinasabi ng nanay dahilan para matawa pa ito. "Hindi kami ganun ni Elmo okay?"
"Biro lang anak." Tawa ulit ni Lana at yinakap muli si Julie Anne. "Naisip ko lang kasi, ang tagal niyo na magkakilala. Alam niyo na ata lahat sa isa't isa. Mabait naman siya, maalaga, gwapo. Bakit kaya hindi pa nagiging kayo?"
"He doesn't think of me that way Ma." Julie laughed and kissed her mom's forehead.
Her mom somberly looked at her before giving a small smile. Parang may alam ito na hindi niya alam kaya naman kinunotan lang niya ito ng noo bago lumabas ng kwarto. Maingat niyang sinara ang pinto para hindi masyado maingayan ang nanay nang mapatalon siya sa gulat sa biglaang sensasyon sa tagiliran niya.
"Huy!"
"Ah--!" Napigilan ni Julie ang pagkalakas ng tili niya at natakpan ang bunganga bago pa akalain ng kapitbahay na nagpapatayan sila sa loob ng bahay.
Sinimangutan niya si Elmo na ngayon ay tawa ng tawa at nakahawak na sa tiyan.
"It's not funny Lahat!" Himutok niya. Kunot na kunot na ang noo niya sa lalaki na patuloy lang na tumatawa.
"Hahaha! You were scared s**t Lahat!" Tawa pa ulit ni Elmo.
Malakas na tinulak palayo ni Julie ang lalaki pero walang epekto sa laki ba naman ng katawan nito.
Naglakad na siya pababa ng stairs papunta sa may pool sa likod bahay.
"Lahaaat." Nangiinis na tawag ni Elmo sa kanya.
Hindi niya ito pinansin at umupo lang sa may edge ng pool para isubmerge ang paa sa tubig.
Naramdaman niya na tumabi sa kanya si Elmo at inakbayan pa siya.
"Ito naman, joke lang eh."
"Bata pa ako." Himutok ulit ni Julie. "Bibigyan mo nanaman ako ng sakit sa puso."
Tumawa si Elmo at iwinasiwas pa ang paa sa pool. "Ito naman, edi nawalan ako ng best friend." Tumingin ito sa kanya.
She looked back and could feel her heart skip a beat. Wait, teka. Hindi. This was Elmo. This was her best friend! Nanggaling na nga din sa lalaki diba? Pero kahit anong sabihin niya sa sarili ay hindi niya maiwas ang tingin. May kung anong hiwaga na humihila sa kanya para titigan lang ito.
Nakangiti pa rin si Elmo at ito ang unang nagiwas ng tingin. Pinili nitong tingnan ang tubig na umaalon mula sa pagtampisaw ng paa.
Kinuha na ni Julie ang pagkakataon na titigan ang kaibigan. Parang gumagwapo ata ito. Hindi naman siya bulag dahil kahit nung lumalaki pa lang sila ay alam naman niya na gwapo ito. Pero dati ay parang wala lang sa kanya. Ngayon...parang kinikilig siya kapag tinitingnan ito. Dati tinatawanan pa niya ang mga babae kapag tumitili kay Elmo. Parang ngayon ganun na din siya.
Mas naging sharp na ang features nito pero katulad pa rin ng batang Elmo na kasama niyang maligo nang nakahubad nung bata pa sila.
Napadako ang tingin niya sa katawan ng lalaki. Nakasando lang kasi ito kaya kitang kita niya ang matipuno nitong braso na hobby na ata siya akbayan.
"Huy!"
Napapitlg siya gulat nang marinig iyon at narmadaman na bahagyan nabasa ang muhka niya.
Nakangisi nanaman kasi si Elmo sa kanya matapos siya nitong sabuyan ng tubig mula sa pool.
Sininangutan niya ang lalaki at mahina itong tinampal sa balikat. "Ano nanaman?!"
"Para kasing kakainin mo ako ng buhay eh! Ano ba iniisip mo?" Tanong pa sa kanya ni Elmo.
Nako. Nahalata na ba siya? Hindi. Hindi dapat siya mahalata nito. "Wala no." Pataray na sagot niya. "Bakit ka pa ba nandito? Nakalibre ka na ng lunch. Uwi ka na sa inyo. Baho mo di ka pa nakakaligo."
"Pareho lang tayo no Lahat."
"Well at least ako mabango."
"Oo nga."
Natigilan siya sa sinabi nito at maging si Elmo ay muhkang nagulat sa sinabi. Pati ito ay namula at napakamot sa likod ng ulo.
"Uh-- I-I mean..." the guy stuttered.
Napangiti si Julie. Ang cute kasi nito kapag ganun.
"B-basta pareho pa tayo di naligo!" Pagiiba ni Elmo sa usapan. Saka nadako ang tingin nito sa pool bago muli kay Julie.
Kaagad nahimigan ni Julie kung ani ang sinasabi ng mga mata nito. "Elmo, umayos ka sinasabi ko sayo kapag--"
"Let's go Lahat!"
At bago pa makasalita si Julie ay siyang tayo naman ni Elmo at buhat sa kanya bago tumalon papunta sa pool.
Binalot ng tubig ang katawan noya at gininaw kaagad siya nang makaahon.
"P-pakyu k-ka talaga Elmo!!!!" Giniginaw pa rin na sabi niya sa lalaki.
Tumatawa pa rin si Elmo at hinagod ang sariling basang buhok bago lumangoy papunta sa kanya.
Napasandal siya sa gilid ng pool at natigilan nang makita kung papaano siya tingnan ng lalaki.
Parang nanilim ata ang paningin nito. Hala nagbibiro lang naman siya nung minura niya ito. Pero teka.
Parang iba ang tinitingnan nito. Bumaba ang tingin niya sa sarili at nakitang humapit pa lalo ang puti niyang T-shirt dahil sa tubig. At wala siyang bra!!!
Di naman gaano kahalata kanina dahil may kalakihan iyon pero ngayong basa na siya...
"Elmo tumalikod ka!"
"Ha?" Sambit ng binata pero akala mo e nakulam na patuloy lang nakatitig kay Julie.
Nakita pa ng babae na parang nanigas ito sa kinatatayuan sa may pool at napakagat labi pa.
"I said turn around Lahat!!" She almost shrieked.
Sobrang pula na ng muhka niya at mabilis naman na nahimasmasan si Elmo bago ito ang tumingin palayo.
Sakto ay nakita nilang palapit si manang sa kanila.
"Jusko mga bata kayo bakit kayo lumalangoy ng hindi mga nakabathing suit?! Gusto niyo magkasakit?"
"Nalaglag lang po manang." Pagpaliwanag ni Julie. Siya na ang unang umahon habang si Elmo ay pasulyap na tumingin sa kanya.
"May balak ka unahon diyan?" Hamon niya sa lalaki habang tinatakpan ang sariling dibdib.
"Uh--o-oo. Mauna ka na sige."
Napataas ang kilay ni Julie sa sinabi nito. Hinagod niya ang basang buhok at muli ay tiningnan si Elmo.
Lalo ata ito namumula? Napaubo pa ito at gumalaw palayo.
"Teka kukunan ko kayo ng mga twalya." Sabi ni manang at naglakad na palayo.
Si Julie ay napaiwas din ng tingin. Nakita niyang umahon na din si Elmo mula sa pool.
Ang gwapo naman ng best friend ko.
Wet look eh. Muli ay nagiwas siya ng tingin. "Una na ako. Sunod ka na lang sa loob." Sabi niya dito. Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang lalaki.
Naguguluhan na siya. Hindi. Hindi pwede itong nararamdaman niya. Mahihirapan lang siya sa sitwasyon. Lalo na at di naman niya alam kung saan lulugar.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=