Chapter 12

2699 Words
Parang isang malaking blur lang ang lesson nila ng araw na iyon. Nakatitig lang sa notebook niya si Julie Anne at hindi naman din pumapasok sa utak niya ang sinasabi sa kanya ng prof nila. Mabuti na lamang at tungkol lamang sa grading ng taon ang sinasabi nito. Sa bagay, ngayong 4th year ay thesis at OJT ang mas papahalagahan nila. Tapos naman na ang kanilang third year. Nalagpasan na niya ang kapaguran ng pinakamahirap na taon. Napalingon siya kay Tiffany at nakitang determinado itong nakikinig sa kanilang propesor. Napasinghap siya sa sarili. Naisip niya, anong karapatan niya mainis kay Tiffany? E totoo namang hindi sa kanya si Elmo. At naghihirap ito para makapag-aral. Kailangan nitong i-keep ang grades para sa scholarship. Sino ba naman siya para hadlangan ang pangarap nitong magkaroon ng marangyang kabuhayan? At sino ba naman siyang harangan ang pagkagusto nito kay Elmo? Muhkang mas may tsansya din naman kasi ito sa lalaki. Sa wakay ay natapos na ang klase at meron siyang 15 minutes break bago sa susunod na klase niya. At itong sa susunog niyang klase ay kasama na niya si Maqui. Kaagad niya itong tinext. "Ay!" "Ui sorry sorry." Napatingin si Julie sa lalaki na mabuti na lamang at mabilis gumalaw dahil kundi warak na ang kanyang telepono. "Sorry miss ah." Sabi nito at natigilan si Julie nang makita kung sino ang lalaki. Ilang beses na niya ito nakakabungguan ngayong araw. "Ah sorry din, nakatungo kasi ako." She looked at him and he looked back. He was on the lean side, matangkad. May kaputian at malalim ang matang kahit na medyo sumisingkit. Malaman ang labi at matangos ang ilong. "Nakatira ka ba sa Zenith Heights?" Tanong nito. Maikling ngumiti si Julie. "Ah oo. Nakita na kita. Kayo yung bagong lipat." Tumango tango ang lalaki. Muhkang hindi mahilig ngumiti. "Ah oo. Isa ka doon sa mga babae na nakita ko sa playground." "Yeah." Sagot din ni Julie. "Carlos nga pala." Pagpapakilala nito sa sarili. Julie smiled. "Julie Anne." Tumango lang ang lalaki at naglakad na palayo. Pero kita ni Julie na medyo namumula ang tainga nito. Napangiti siya sa sarili. Ang cute nito. Susungit sungit pero namumula naman ang tainga. Nakangiti pa rin siya nang umikot para magsimula lumakad nang tumama siya sa isang matigas na bagay. "Ah!" Napaigik siya hanggang sa maramdaman na may humahawak sa balikat niya. Hindi pala matigas na bagay yon. Well, matigas kasi dibdib ni Elmo pala yung natamaan niya. "O, hi Elmo." Maiksing bati niya at maglalakad na sana palayo pero mahigpit na hinawakan ni Elmo ang pulsuhan niya. "What?" Tanong niya dito. "Sino yon?" Tanong pa nito sa kanya nang nakakunot ang noo. "Si Carlos." "Carlos who?" '"Aba ewan. Basta alam ko Carlos pangalan niya." Asik ni Julie. Naiinis na siya kasi ang higpit ng hawak nito sa kamay niya. Nagpumiglas siya at matapos bigyan ng matalim na tingin ang lalaki ay naglakad muli. Pero sinundan siya ni Elmo at hinid tinigialn ng tanong. "Why was he talking to you then?" Tanong muli nito. Sumimangot si Julie Anne. "Nasalo lang niya yung cellphone ko, bakit ba ang dami mo tanong." "Teka nga bakit ba galit ka sa akin?" Julie stopped walking and looked at the guy. The guy she loves who doesn't love her back. "Hindi ako galit okay. Naiirita lang ako na madami ka tanong. At pwede ba papunta na ako sa susunod na klase ko." "Lahat wait!" Tawag ni Elmo. Pero mabilis na nakatakbo si Julie dahil na rin nagdagsaan ang mga estudyante sa hallway. Pasalamat na lang niya at muhkang naiwasan na niya si Elmo. Derederetso siyang pumunta sa room ng susunod nilang klase. "Oh! Jules!" It was Trixie. May mga kausap itong ka-batch din nila Julie Anne. Bumati ang mga ito sa kanila at ngumiti naman si Julie Anne sa mga ito. "Bes, nagjogging ka?" Tanong ni Trixie. "Aba tama na ang excercise at ang sexy mo na masyado. Natatalo mo na alindog ko." Hinihingal pa din na umupo sa isang tabi si Julie Anne. "Bet ko lang magpapawis." Pilit niyang tawa. Pero muhkang kilala nga siya ng kaibigan dahil kita sa muhka nito na hinid ito kumbinsidio sa sinasabi niya. Nakataas pa ang kilay nito sa kanya. Ang kilay nitong mas hulamado pa ata sa kilay niya. "Alam kong mas pak kilay mo sa akin Trix." Tawa ni Julie. Pero hindi gumagana ang pagsasalita niya dahil sinimangutan lang siya ni Trixie. "May hindi ka sinasabi sa akin San Jose. Spill it!" "Ha? Ako? Wala ah." Sabi naman ni Julie. Hiningal talaga siya. Mabuti na lang talaga marami tao kanina kasi kung hindi nahabol talaga siya ni Elmo. Ang haba pa naman ng biyas ng lalaking iyon. Pero nakatingin pa rin sa kanya si Trixie. So she did spill everything. "Tiffany told me that she likes Elmo."  "What?"  Julie breathed in and explained yet again. "Kinausap niya ako. Gustong gusto daw niya si Elmo."  Parang naeeskandalo na tiningnan siya ni Trixie. "DA EFF? Trula?! Aba! Kala mo hayop na naglalagay ng teritoryo! O sabagay hayop naman talaga s--" "Trix." Pigil pa ni Julie. "Sinasabi lang naman niya sa akin. Ikaw ba hindi maaasar kapag ang lalaking gusto mo na pwede mo maging boyfriend e may ka-close na babae?"  "Aba e ikaw ang nauna naman--" "I'm just his best friend." Pagputol pa ni Julie Anne. "Kung magiging sila man, syempre nakakainis diba na best friend pa rin niya ako?" Sa diin ng salita niya ay nanahimik bigla si Trixie. Napapunas na lang siya sa pawis niya.  Pinaypay niya ang sarili gamit ang kamay at sumandal pa sa upuan. Napaigik siya nang bigla na lamang may panyo na nakalahad sa muhka niya. Inangat niya ang tingin at nakita na si Elmo pala ito. "Iiiiii ang sweet naman ni Elmo." Sabi ni Lala na kaklase nila sa subject na iyon. "Pawis na pawis ka." Tahimik na sabi ni Elmo at siyang nagpunas ng pawis ni Julie. "ARAY LALA AH!" Sigaw ni Trixie. Paano ba naman. Nahampas ito ng katabi. "E kasi eh. Tong si Elmo at Julie. Doon nga kayong dalawa sa may dulo maglandian shupi shupi. Unang araw ng klase di ako makaconcentrate." Tawa ulit ni Lala. Pero si Trixie ay masama ang tingin kay Elmo. "Pwede ba Magalona." Inis na sabi nito. Nagtatakang tiningnan ni Elmo ang kaibigan nila. "Bakit?" "Asan si Tiffany?" Hindi mapigilan na tanong ni Trixie. Kumunot nanaman ang noo ni Elmo sa tanong nito. "Teka nga teka nga, bakit sa akin niyo siya hinahanap?" "O aba e diba kayo lagi magkasama ngayon?" Naiinsi pa rin na sabi ni Trixie. "E syempre sayo ko hahanapin. Parang magkadikit na kayo sa tadyang eh!" Napatayo ito mula sa upuan at pati si Lala ay napalunok dahil sa takot sa bakla. "Tara Jules, nasa canteen daw si Maqui eh." At hinila nito si Julie patayo. "Lahat wait!" Tawag ni Elmo pero bago pa makasagot si Julie ay natigilan ang babae nang muntik na makabangga si Tiffany sa doorway ng classroom. "S-sorry Julie Anne!" Ani Tiffany. Pati si Julie ay hindi nakasagot. Napaisip siya; kanina lang ay akala mo kung sinong palaban ito sa kanya tapos biglang babait. At saka siya napatingin kay Elmo na nakasunod pa sa kanya. Ah kaya pala. Napailing na lang siya. She wanted to get out of there as fast as possible. "It's okay." Bulong niya. Sa sobrang hina ay hindi nga siya sigurado na narinig siya ni Tiffany. Umiwas na lamang siya at sumunod kay Trixie na hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. "Tara na ganda at umiinit ulo ko kay Magalona." Matangkad si Trixie dahil katawang lalaki pa rin naman ito. Kaya naman medyo nahirapan si Julie lalo na nang muntik na siya nitong kaladkarin papunta sa canteen. "Bes naiinis na ako kay Elmo. Akala ko ba kay Tiffany na siya? E bakit ang sweet pa rin niya sayo?" "E matagal naman na yung sweet--" "Ay putang ina!" Napahawak sa dibdib si Trixie at sinimangutan si Maqui na nakaupo na sa tabi ni Julie sa isang lamesa sa canteen. "Farr naman! Wala ka ba pasabi man lang?!" "Aba e kayong dalawa dyan ang hindi makaramdam!" Sabi pa ni Maqui na gulantang at nagulat pa sa kanya sila Trixie. "E ang ingay ingay ko kaya maglakad!" Umirap na lamang si Trixie habang si Julie ay napailing na lang.  "O ano nanaman ginawa ni Magalona?" Tanong na lang ni Maqui.  "E nakakainis kasi. Diba nga hindi naman pala gusto itong kaibigan natin? O e bakit sweet pa rin?" Himutok pa ni Trixie.  Muli ay napailing si Julie parang ito pa kasi ang dehado sa mga pangyayari.  "Hi guys!"  Natigil ang usapan nila nang dumaan sa harap nila ang mga kaibigan nilang babae na active din sa school program.  "Jules!" Sabi ni MJ na siyang P.R.O ng organization nila sa university. "May general assembly tayo next week, okay lang ba na magperform kayo ni Elmo?"  Natigilan si Julie Anne. Minsan napapagod na kasi siyang parang nakaglue ang pangalan niya sa kay Elmo. "Kaming dalawa talaga?" "Oo, ayos kayo magduet eh." Ngiti pa ni MJ. "Siya yung rap, ikaw yung rhythm."  Hindi pa tapos magsalita si MJ nang makita nilang papalapit na si Elmo at si Tiffany sa kanila.  Halatang nagulat si MJ sa nakita. Parang gulat na gulat itong makita na may ibang kasama si Elmo. Natatawa pa itong nagbitaw ng biro. "Elmo ipinagpalit mo na pala si Julie."  Bahagyang sumimangot si Elmo at si Tiffany ay napatungo lang na para bang hiyang hiya.  "MJ." Saway ni Ria na kanina lang ay nananahimik. "Oh, kayo naman joke lang yun." Sabi ni MJ. "Sorry na sanay lang kasi talaga ako na ang magkasama e si Julie saka si Elmo. Parang automatic e alam niyo yun? O sige. Julie, ikaw na lang. Gusto mo ba magperform sa assembly?" "Anong perform?" Singit ni Elmo sa usapan. Medyo nakasimangot pa rin ito. He had Tiffany behind him as if he was protecting her.  "Malamang Elmo perform as in kanta, sayaw, musical instruments!" Deklara ni Maqui. "Lam mo naman lahat kaya gawin ng best friend ko." Inakbayan nito si Julie na mahinang napangiti lang.  "I-I'll think about it MJ." Sagot naman ni Julie Anne.  And that was enough for MJ dahil ngumiti lang naman ito bilang sagot bago naglakad palayo kasama si Ria na ngumingiti lang din sa kanila.  Nang makalayo na ang mga ito ay sinimangutan naman ni Trixie si Tiffany.  "Hi te. May kailangan ka?" "Trixie." Elmo growled.  "O bakit?" Kunwari ay inosente na tanong ni Trixie. "Tinatanong ko lang naman kung may kailangan siya."  "Stop it." Sabi pa ni Elmo.  Naririnig nila ang bulung bulungan ng ibang tao sa paligid. Muhkang may nakakapansin na sa kanilang eksena.  "Break na ba si Elmo saka si Julie?" "Tanga di naman naging sila. Si Elmo na saka si Tiffany."  "Oh? Wow ah. Bagay din naman sila. Maganda naman si Tiffany."  "Parang mas nasanay ako kay Julie."  "Muhkang manggagamit lang yan si Tiffany eh. Diba hindi naman mayaman yan? Unlike si Julie bagay talaga sila ni Elmo kasi parehong mayaman."  "Tiffany!" Tawag ni Elmo nang bigla na lamang tumakbo palayo ang babae. Elmo glared at Trixie first before he chased after Tiffany.  Tigagal na tiningnan ni Trixie sila Elmo bago ito napatingin kay Julie at Maqui na parehong nananahimik lang.  "Grabe ah! Hinabol pa talaga niya ang babae na iyon."  "We shouldn't judge Tiffany." Sabi pa ni Julie Anne.  Umiling iling si Maqui. "Wag mo na ipagtanggol bes."  "But she's not doing anything wrong." Sabi pa ni Julie Anne. She shook her head. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam. Ayaw niyang may taong nasasaktan lalo na at alam niya ang pakiramdam ng ganun.  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= Nagpahinga lang si Julie nang makauwi siya. Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero buong araw matapos ang eksena sa canteen ay hindi na niya nakita si Elmo o si Tiffany. She shrugged the thought off and just rested. Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya.  Ang boses ng kapatid niya ang nagpagising sa kanya.  "Manang si bunso po?" "Ay nasa kwarto lang Gel. Pagkauwi e di na lumabas doon." "Ganun po ba?" Narinig ni Julie ang yapak ng kapatid niya hanggang sa bumukas ang pinto ng kwarto niya. Her eyes were still hazy from sleep when she felt Angel sitting beside her on the bed.  "Julie?" Tawag nito at hinaplos pa ang buhok niya.  "Ate?" She groaned.  Ngumiti si Angel nang makita na gising na siya. "Okay ka lang ba? Napagod ka sa first day? May dinner na sa baba. Kain ka na."  "Sige po ate." Ngumiti si Julie Anne. She loved her sister dearly. For her, Angel was the best ate.  Tumayo na si Angel at bumaba. Kinuskos ni Julie Anne ang mata at nagtali lang ng buhok bago bumaba.  May pagkain pa nga sa lamesa. Alas otso na pala kasi ng gabi at muhkang nauna na rin kumain ang pamilya niya sa kanya.  Kaunting ulam at kanin lamang ang sinandok niya sa kanyang plato bago siya nagsimula kumain. Mag-isa lang siyang taimtim na sumasalo. Sa panahon ngayon ay nawawalan talaga siya ng gana kumain at alam niyang nakakasama na sa katawan niya iyon.  Kakatapos lang niyang kumain at siya na rin ang naghugas ng sariling pinggan. Dumeretso siya sa living room kung saan nakita niyang nanunuod ng TV ang magulang. Magkatabi ito sa sofa at nakasandal pa ang mama niya sa dibdib ng kanyang papa. Napangiti siya nang makita ito. Kahit sabihin ng kabataan ay naiilang silang makita na sweet ang parents nila, aminado din naman ang lahat na natutuwa sila kapag nakita nilang ganito ang mga ito.  Ngumiti ang mga ito nang makita siya doon.  Tahimik din siyang ngumiti at naupo sa isang love seat sa kabilang gilid. Nakinuod na lang din siya sa sine na pinapanuod ng mga ito.  Pero ang totoo ay tumatakbo nanaman ang isipan niya. Ano kaya nangyari kayla Elmo?  "Julie?"  Natigila ang pagiisip niya nang tawagin siya ni manang.  "Po?" Lingon niya dito.  "Nasa labas si Elmo hinahanap ka."  Gulat siyang napaayos ng upo. Nakatignin sa kanya ang magulang at nginitian lang niya ang mga ito bago naglakad na papunta sa labas.  Nakaupo sa front steps si Elmo. Ang likod lang nito ang nakikita niya.  "Elmo?" She called.  Lumingon si Elmo sa kanya bago napatayo.  "Julie." Sambit din nito.  "Hanap mo daw ako?" Tanong niya.  Elmo looked at her and gave a sad smile. Muhkang hindi pa nito alam ang sasabihin kaya naman si Julie na ang unang nagsalita.  "Kamusta si Tiffany? Sorry nga pala kay Trixie kanina."  Elmo shook his head. "She's fine."  Nanahimik nanaman silang dalawa at kagaya ng kanina ay si Julie ang unang nagsalita. "Say anything..."  "Ang hirap pala no?" Sabi ni Elmo na may buntong hininga.  Tumango si Julie. Alam naman niya kung ano sinasabi ni Elmo e. Dahil ayun din naman ang saloobin niya. "Nap-pressure ka ba?" Tiningnan siya ni Elmo pero hindi umimik kaya siya muli ang nagsalita. "Nakakapressure na akala nila tayo ang magkakatuluyan pero hindi pala." She breathed in and gave him a sad smile. "Hindi naman sana ako map-pressure din eh. Kaso masyado na sanay ang tao sa ating dalawa. Mas maganda siguro na simula ngayon, distansya muna tayo sa isa't isa."  "You know I wouldn't want that." Sabi naman ni Elmo but breathed in. "But I think it's for the best too."  Muli ay ngumiti si Julie Anne. "Yeah." That was it. About time that they both tried to accept it. Muhkang matutuloy na ang dati pa niyang balak na talagang layuan ito. She was the one who appraoched him first and gave him a kiss on the cheek. "I'll see you around Elmo." Then she walked back up to her room.  Mabilis ang galaw niya pero hindi ganun kabilis para naman hindi halata. Dahan dahan niyang sinara ang pinto ng kanyang kwarto at napahiga sa kama. Nang wala nang narinig na ibang tunog ay yinakap niya ang unan at pinakawala ang mga luha na kanina pang gustong umagos.  =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o==o=o=o=o=o=o=o= THE END. Charot ahahah!  AN: Halloo! Sorry ngayon lang nakapagupdate ulit! Hehe. Pahingi naman po ng comments hahaha and votes para mas ganahan akiz magsulat hehehe! Thanks for reading! Mwa mwah!  Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD