"Te ang sarap talaga kapag nagb-bake ka eh. Feel ko magkakadiabetes ako nito. Ikaw ba hindi nagakakadiabetes?"
"Ano ka ba Maq, e nagcacardio yan lagi si Julie eh." Sabi pa ni Tippy kay Maqui.
Nasa bahay sila ng mga San Jose. Nag-iisang linggo na nang magsimula ang unang araw ng mga klase. At dahil Sabado ito at nakatambay silang lahat kayla Julie.
Well all of the girls anyways. Sa panahon na iyon ay busy sa paglalaro ng basketball ang mga lalaki ng grupo.
Ika nga nila, ball is life.
"Ang ganda ng bahay mo Jules." At dahil official girlfriend na siya, kasama na nila ngayon si Bea sa grupo. And it wasn't hard to be friends with the girl.
"Thank you." Tawa ni Julie. "Bahay naman nila mama ito at hindi akin."
"Kapag kinasal na kami ni Kris gusto ko ang ganitong bahay." Sabi pa ni Joyce na umiinom mula sa kanyang Coke.
"Sino kaya mauuna sa atin ikasal no?" Sambit ni Nadine habang nakasandal sa gilid ng pool.
"E siguro isa sa inyo kasi single kami ni Julie diba?" Sabi naman ni Maqui habang kumakain muli ng cupcake.
Mahinang ngumiti lang si Julien at umupo sa tabi ni Maqui bago isandal ang ulo sa balikat nito.
"Bata pa tayo para sa mga bagay na yan." Natatawa naman na sabi ni Tippy. "Nagugutom ako. Julie ipagluto mo nga si Elmo--oh shit."
Parang may anghel na dumaan sa kanilang lahat. Pati si Bea ay nanahimik habang napapatungo.
Si Julie ay napaderetso ng upo at naipatong ang mga kamay sa hita.
"I-I'm sorry Jules." Tila kinakabahan na sabi ni Tippy.
Alam naman na ng lahat na sa mga panahon na ito ay hindi nagpapansinan si Julie at si Elmo. Well, hindi...naglalapit.
Kahit iba ang college na pinapasukan nila Tippy ay alam na nilang Julie and Elmo chose to ignore each other.
"Okay lang Tips." Julie gave a small smile.
Pero dahil nabukas na ang topic, hindi na ito maiwasan pa.
"Hindi pa talaga kayo naguusap Jules?" Tanong naman ni Joyce.
Lahat sila ay kay Julie na nakatutok ngayon.
And Julie simply shook her head. "Ang hirap nga eh." Tutal nagtatanong naman na ang mga kaibigan niya, panahon na ibuhos ang lahat. Kay Maqui lang siya nakapagshare pero sabi nga nila hangga't sa may mailalabas ka pa ay ilabas mo na. "Dati kaming dalawa lagi magkasama. Kapag bored ako, o di kaya siya, sa treehouse deretso naming dalawa tapos kung ano na lang maisipan namin doon yun na okay na. Kapag may kailangan siya, ready ako. Kapag may kailangan ako, ready siya." Gimagaralgal na ang boses niya sa iyak. Pero pinipigilan niya. Tumitingala siya saglit para bumalik yung luha. Nakikita niya ang awa sa muhka ng mga kaibigan pero patuloy lang siya sa pagkwento.
"Hindi kasi ganun kadali e. Bata pa lang kami kaibigan ko na siya. Kami talaga ang lagi magkasama noon. Tapos ngayon...ayun, bigla na lang nawala." Hindi niya napigilan ang mapaluha sa naisip. "Tama nga sila na, bestfriend break-ups are worse."
Inakbayan na ni Maqui si Julie Anne.
Mahinang humikbi si Julie bago sininghap ang iyak at ngumiti na lang sa kanila. "Sorry ang drama ko."
"No Julie it's alright." Kaagad naman na sabi ni Tippy.
Si Nadine ay nagpupunas ng luha habang si Joyce at Bea ay nagkatinginan, mga halatang nagpipigil din ng luha.
"Leche sabi ko sa sarili di ako iiyak eh." Pagak na tawa ni Julie habang hinahagod pa rin ni Maqui ang likod niya.
She shook her head and just shrugged her shoulders. "Siguro masasanay din ako na hindi ko na siya lagi kasama."
"Di ko lang ma-take na si Tiffany ang lagi niya kasama ngayon." Sabi ni Nadine. Muhkang mas galit pa ito e. "What'd he ever see in her anyways?"
Kibit balikat lang ang sagot ni Julie. Ang totoo nyan, wala naman talaga ginagawa masama si Tiffany. She liked a guy and the guy liked her back so what was the problem right?
"Kung gusto rin siya ni Elmo wala naman ako magagawa eh." Sagot ni Julie. "Nakakalungkot lang na it was better that he and I don't hang out anymore."
"E bakit ba hindi kayo pwede mag hang out?" Naiinis na sabi ni Nadine.
"E siyempre Nadz..." Sabi naman ni Joyce. "Ang awkward naman nun kung lagi pa rin kasama ni Elmo si Julie tapos may liniligawan siyang iba."
"Liniligawan nga ba?" Sabi naman ni Bea na napapailing. "I mean, okay lang ako kay Tiffany pero kasi matagal ko na rin kayo ni Elmo nakikita." Sabi nito habang nakatingin kay Julie. "And you don't waste relationships like that."
Kanina pa nagpipigil ng luha si Julie pero humihikbi na rin siya.
"Alam ko naman yon eh." Iyak niya at sinusubukan pigilin ang luha muli. "Magkaibigan pa rin naman kami. Hindi lang kagaya ng dati."
Tippy sniffed.
Maya maya ay natawa na lang si Julie Anne ng pagak. "Sorry guys ah. Ang drama ko."
"You know, Elmo's my friend pero tarantado siya." Sabi ni Nadine. Halatang naiinis nga ito.
Julie gently shook her head. Sa totoo lang ayaw naman niyang magalit ang mga kaibigan niya kay Elmo. Ayaw niya naging ganung babae. Para sa kanya ay wala naman talaga may gusto mangyari ito. Nangyari na lang talaga. May mga bagay kasi na hindi mo talaga hawak.
Inimis na niya ang mga pinagkainan nila at naisipan ng mga kaibigan niya na lumangoy. Siya ay wala pa rin sa mood at nakaupo lang sa may tanning bed sa gilid.
"Jules! Sama ka na sa amin dito sa loob!" Yaya pa ni Nadine.
"Tara bes hihilain kita dyan!" Sigaw pa ni Maqui. "Wag ka na mahiya alam naman naming lahat na malaki yan."
"Maq!"
Hindi napigilan ni Tippy ang tumawa.
At dahil wala naman dahilan para hindi sumama ay nagdesisyon si Julie na lumusong na lang din. Naghubad siya ng shorts at suot na tshirt dahil sa loob ay naka bathing suit naman na siya.
"Witwiw!"
"Asan ba ang hustisya dito kay Julie Anne?" Sabi bigla ni Bea.
Tumawa sila Joyce. "Wala nga eh. Hanapin natin baka nandito lang sa tabi tabi."
Tuloy lang sila sa paglangoy nang marinig nila ang paniguradong ingay ng mga lalaki ng tropa nila.
Parang sasabog ang puso ni Julie sa kaba. Pwede kaya siya sumisid para magtago.
"Hello beautiful ladies!" Bati ni Sam. Lumapit ito sa kung saan si Tippy at ginawaran ng halik sa pisngi ang nobya.
Inabot naman ni Tippy ang sarili kahit pa nasa loob siya ng pool.
"Mga nagbihis ba kayo after ng game?" Tanong naman ni Bea. Umahon na ito mula sa pool at saka naman inabot ni Jhake ang isang twalya para hindi ito ginawin.
Saka lang napansin ni Julie...hindi pala kasama ng mga ito si Elmo. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi sa nalaman.
"Saan si Elmo?" Si Maqui na ang nagtanong. At nagpasalamat si Julie sa kaibigan dahil alam talaga nito kung ano ang gagawin.
"He didn't play with us." Sagot ni James. "Tinext namin siya. But he wasn't answering." Umupo ito sa may tanning bed at tumabi naman si Nadine. Inakbayan ni James ang nobya at hinalikan ang taas ng ulo nito.
"Teka may cupcakes pa ako sa loob." Sabi naman ni Julie.
"Yon!" Masayang sabi ni Kris dahilan para kurutin ni Joyce ang gilid niya. "Aray hon!"
"PG ka talaga." Irap ni Joyce.
Ngumiti lang si Kris at inakbayan din ang nobya.
"Putsa Julie sasama ako sayo at na-oOp ako dito!" Umahon na rin si Maqui at nagsuot lang ng shorts bago sinundan si Julie na papunta na sa kusina.
Tahimik lang si Julie dahil wala din naman sa katinuan ang isipan niya.
"Saan kaya si Elmo no?" Maikling tanong ni Maqui sa kanya nang silang dalawa na lang ang nasa kusina.
Hindi kaagad sumagot si Julie dahil una ay inaayos niya ang mga cupcake at pangalawa ay hindi rin naman niya kasi alam ang isasagot kay Maqui.
Napabuntong hininga siya at tiningnan ang kaibigan. "Sa panahon ngayon Maq, hindi ko na talaga alam." And she was slowly getting used to that. But it doesn't mean that when you get used to it that it hurts less.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Anak bakit parang hindi ko na nakikita si Elmo?"
Natigil sa ere ang kutsara ni Julie Anne. Susubo na sana siya ng dinner nang sabihin iyon ng nanay niya.
"Nagaaway ba kayo anak?" Tanong naman ng papa niya.
Binaba ni Julie Anne ang kutsara niya at dumeretso ng upo. Napansin kaagad ng magulang niya iyon?
"H-hindi po pa."
"Hindi?" Sabi naman ng mama niya. "E dati lagi ko siya nakikita dito tapos ngayon ni dulo ng buhok niya hindi ko na nakita."
"Busy lang po kami sa school." Sagot naman ni Julie Anne. "Graduating na po kami e."
"Sabagay." Kibit balikat ng tatay niya pero ang nanay naman niya ay nakatingin pa rin sa kanya.
Nag-iwas na lang siya ng tingin si Julie Anne dahil ayaw na rin niya ipagpatuloy pa ang usapan na ito. Parang nawalan nanaman siya ng gana. Pero dapat hindi niya ito ipakita dahil mas lalong magtataka ang magulang niya.
Matapos kumain ay nagdesisyon siyang tumambay sa harap bahay nila. Sa porch kung saan huli silang nagkausap ni Elmo. Usually ay sa tree house siya tumatambay pero ngayon ay mas gusto niyang dito muna. Masyado siya marami naaalala kapag nasa tree house. Pati ba naman doon ay naalala niya ang lalaki.
Sumandal siya sa bench at isinaksak na lang ang earpods sa kanyang tainga.
She was just enjoying the feel of the evening breeze on her face when the sound of a car caught her attention.
Alam na alam niya ang tunog ng kotse na iyon. Kotse ng...best friend? Ex-best friend? Ano ba...di na niya alam. She didn't even know if they were still friends.
Kung iisipin niya kasi ay wala naman siyang ginawang masama. Hindi lang niya siguro kinaya ang katotohanan na may gusto siya sa kaibigan pero hindi nito maibalik ang nararamdaman niya. Siguro kapag nakapagmove on na siya ay pwede na ulit sila magusap ni Elmo.
"Lahat?"
Napatigil siya sa iniisip nang makita na nakatayo si Elmo sa may gate nila.
Parang nagdadalawang isip pa ito kung papasok.
Nang tumango siya ay binuksan nito ang gate at pumasok sa loob.
He still looked hesitant but slowly made his way to sit beside her.
Ang lakas ng t***k ng puso ni Julie Anne nang makaupo sa tabi niya si Elmo. Why was he here anyway?
Dahan dahan niyang tinanggal ang suot na earpods at bahagyang sinulyap ang lalaki.
"Kamusta?" Si Elmo ang unang nagsalita. He sounded fine. Naiinggit siya dito. Baka ito laging maaga nakakatulog samantalang siya hinihintay na lang ang sarili na maubos ang enerhiya bago makatulog.
"Okay lang..." she replied. Ang galing na talaga niya magsinungaling.
Bumuntong hininga si Elmo at tumingin sa damo sa harap nila. Saka ito tumingala at tiningnan ang kalangitan ng gabi. "I miss you." He whispered.
Julie looked at him and he looked back.
She gave him a small smile. At least alam niyang kahit papaano ay naaalala pa rin siya ng lalaki.
"I miss you too." Sagot niya. They looked at each other and both smiled when Elmo's phone started ringing.
Kaagad na tiningnan ito ng lalaki.
Hindi sinasadya pero nasilip niya ang pangala; Tiffany.
She looked away and sighed. Aminado naman siyang nagseselos siya e. Ang masakit, hindi lang bilang sa isang babae na may gusto ang isang lalaki ang pagseselos niya. Pati sa pagiging best friend. Ang daya naman kasi. Palibhasa ba talaga na may posibilidad na nanliligaw ito si Elmo kay Tiffany ay hindi na sila pwede maging magkaibigan.
"Sorry about that." Sabi naman ni Elmo.
"Okay lang." Ngiti niya ulit. Sawang sawa na siya sa mga katagang iyon. "Muhkang close na close na kayo ni Tiffany ah."
"Okay naman siya. E-enjoy naman ako na kasama siya." Sagot nito.
Julie nodded her head at that. To get over something you have to get it hammered to your system so you could get used to it. Mabuti na itong unti-unti niyang matatanggap na may babaeng nagugusutuhan na si Elmo.
"That's good." She smiled again.
"Look Julie..." Elmo breathed in. "I-I don't want to lose you as my friend." Parang nahihirapan na sabi nito. "And I understand na ang gago ko sa nangyayari but I just don't know what to do. Tiffany's my friend too. I just think she needs me during this time of her life."
Julie looked at him and gave a small smile. "Hey. Diba sabi ko naman na we'll always be friends. Hindi naman kita pinapalayo kay Tiffany. You do want you want to do." Muli ay nginitian niya ito bago tumayo na. "Pwede naman ito diba? Yung naguusap lang tayo. Okay naman ako sa ganun eh. Kahit hindi na tayo laging magkasama."
Elmo looked at her as if her was torn.
At ayaw naman ni Julie na ganun ang nararamdaman nito. And he shouldn't even be torn in the first place.
"Akyat na ako Moe..." Baka sanayin na din niya ang sarili na ganun ang tawag dito. Na-aawkwardan na siya sa 'Lahat' eh.
She left him outside. Medyo mabigat ang pakiramdam niya but she was very proud of herself. Marahil ay nagsisimula na nga siya nagmove on kay Elmo.
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
"Bes wala ka ba balak magpractice?"
Napatingin si Julie sa nagsalita at nakita na hinihintay siya ni Maqui sumagot. Nasa may hallway sila at nakaupo sa mga waiting chair doon.
Nagaaral siya dahil may quiz sila sa isang subject. Siya lang ata ang nagaaral. Ang iba kasi ay umaasa na wala naman quiz sa subject na iyon dahil nga mayroon namang assembly at baka hindi matuloy ang klase nila na iyon.
But Julie was just being sure. Mahirap na at baka bumagsak siya.
"Te hindi naman na kailangan niyan magpractice. Parang humihinga lang naman yan kapag kumakanta eh." Sabi pa ni Trixie na nagaayos ng kilay.
"Grabe." Natatawa na sabi ni Julie Anne pero bumalik na lamang sa pagbabasa.
Pumayag na kasi siya na siya ang kakanta mamaya sa general assembly. Ang kaso lang, hindi niya kaduet si Elmo kagaya ng gusto sana nila MJ.
Nahiya kasi siyang isama pa ang lalaki. Pumayag din naman sila MJ na solo siya. Wala din naman kasi magagawa ang mga ito.
"Te tara na tinatawag na tayo."
Inimis na ni Julie ang binabasa at sumabay ng lakad kayla Maqui. Sa kanilang tatlo siya na ang pinakamaliit at partida dahil may katangkaran naman talaga siya.
Pinili na nila sa harap maupo para naman.
"Kaya lang ako dito nakaupo kasi pipicturan ko si Julie mamaya." Sabi ni Maqui na hinahanda ang telepono.
Mahinang napangiti si Julie Anne. If ever gustuhin niyang sumabak magartista sure naman siya nandyan si Maqui para sa kanya.
"Jules!" Tawag sa kanya ni MJ. Nakaupo ito sa gilid malapit sa stage.
Lumapit naman kaagad si Julie at yumuko pa para hindi siya masyado makaabala sa mga nagaayos ng projector para sa activity ng umaga na iyon.
"Okay na yung kanta mo." Ngiti ni MJ at nagthumbs up pa. "Tawagin ka na lang namin ah."
"Ah sige sige salamat MJ."
"Ano? Kami dapat ang magthank you! Hahaha di bale may kasama naman itong Jollibee hehe."
Tumawa na lang din si Julie Anne at muli ay naupo na sa kanyang upuan.
Pansin niya na kanina pa linga ng linga sa paligid si Maqui.
"Bes okay ka lang?" Tanong niya sa kaibigan.
"Ha? Oo okay lang naman ako." Sabi ni Maqui kahit na muhkang distracted pa rin ito. Hindi pa rin talaga ito mapakali.
Maya maya lang ay sinimulan na ang programa.
"Please let us all stand for the doxology."
Napatuwid ng tayo si Julie nang makita na papunta sa stage si Elmo at si Tiffany.
What the...
Nagsimula tumunog ang musika ng kilalang kanta na The Prayer at simulang kumanta si Tiffany.
Magkaduet pala ito at si Elmo...
Nanikip nanaman ang dibdib ni Julie Anne. Umiwas siya ng tingin at tumungo na kumwari ay taimtim lang na nakikinig sa kanta. Pero ang totoo ay nanlalamig ang dugo niya.
Pakiramdam niya ungos na ungos na siya.
Natapos ang panalangin at taimtim na nanahimik ang lahat.
Nagtama pa ang tingin nila ni Elmo nang pababa ito ng stage. Siya ang unang nagiwas ng tingin.
Buong assembly ay wala siya sa sarili.
Hanggang sa tawagin na lang siya nila MJ para sa intermission number.
Nagdesisyon siya lalo na nang makita niyang magkatabi sa gilid si Elmo at si Tiffany.
"MJ, pwedeng maggitara na lang ako?"
Napatingin sa kanya si MJ at tumango tango. "Ah o sige sige pwede naman."
Pumwesto na si Julie sa gitna ng stage at kaagad naman nagcheer ang mga junior sa kanya dahil kilalang kilala siya ng mga ito.
Mahina siyang ngumiti sa mga ito.
Hindi sinasadya na nadako nanaman ang tingin niya kayla Elmo. Busy ito nakikipagusap kay Tiffany na may kinukwento. Pero maya maya ay nagangat ng tingin sa kanya.
Malungkot niya itong nginitian bago siya nagsimula kumanta.
Sabi nila kapag masaya ka, ang melody ang pinapakinggan mo sa isang kanta. At kapag malungkot ka naman ay ang mga salita ang pinapakinggan mo.
Hindi na siya nagintro pa at kumanta.
If I could say anything, anything
What would it be?
A good question for a distant reality
I would tell you that I love you
Even when it didn't show
I would tell you that I love you baby,
By now I hope you know.
Nakakasawa din pala ang maglaro ng taguan ng feelings. Wala naman kasi nananalo sa ganun.
If you could go anywhere, anywhere
What would you see?
Take a step in any direction,
It's make believe
If your mind is always moving
Its hard to get your heart up off the ground
Yeah, your mind was always moving
Your thoughts never made a sound
Mahirap magpakamanhid kasi para kang lumulutang sa himpapawid. Tipong wala ka na nararamdaman at kung saan saan ka na lang nadadala.
We won't break if we let go
You and I already know
We were bound to be set free
Even surely, here we are now
You can say anything
Kapag hindi pinilit...hindi masasaktan. Kapag hindi pwinersa, hindi masisira.
If I could have it go any way, any way
It'd go like this
Take it back to a couple years ?
To our first kiss
In that moment I loved you
This isn't how I ever saw it going down
In that…
=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=
AN: Hi friends! Promise susubukan ko damihan ang updates hahaha! Kapag lang hindi pagod from work hehe! Kamusta naman na hahaha!
Thanks for reading! Pahinging comments please! Para alam ko kung ano naiisip niyo at mainspire pa ako lalo magsulat hehe!
Mwahugz!
-BundokPuno<3