Chapter 14

2961 Words
AN: Typos everywhere!!! Aamin na po ako na ang nakikita ko kapag si Carlos ang tinatype ko e si Diego Loyzaga haha! "Ito na ba ang bunso mo Ma'am Laura? Aba kagandang bata!" Mahinang ngumiti si Julie sa receptionist ng building ng mom niya. Matagal na siyang pabalik balik dito. Kahit nung bata pa siya. At nang magdalaga ay paminsan minsan na lang ang pagsulpot niya sa opisina na iyon. "Thank you po tita Elaine." Ngiti ni Julie. "Dito na kasi yan magOJT so hinahanda ko lang." Sabi ni Laura at inakay na si Julie papunta sa sariling opisina. "Sa HR kita ilalagay bunso ah." Sabi ni Laura habang umuupo sa kanyang swivel chair. Hindi pa naman oras ng pagOJT nila dahil sa second sem pa iyon pero gusto lang i-orient ni Laura ang anak para masanay na ito. Tutal walang pasok ang mga kabataan ngayon dahil may strike kuno ang mga jeep. Although hindi apektado sa ganun si Julie dahil may sarili siyang kotse. Napalinga linga sa paligid si Julie. Balang araw magiging ganito ang trabaho niya. Marahil hindi siya ang magiging head dahil nandyan ang ate Angel niya pero panigurado ay may mamanahin din siya sa magulang niya. And she wasn't all that excited about it. It's not that she didn't like it. Mas gusto lang niya na iba ang gagawin niya. Parang may iba pang hatak ang kanyang saloobin. "Hi Julie Anne!" "Hi po kuya Romeo." Bati niya sa messenger ng mama niya. 'Ma'am, ang gaganda po ng anak niyo ano?" "Ah syempre kanino pa ba magmamana?" Tawa ni Laura bago ibigay kay Romeo ang mga errand nito para sa araw na iyon. Tahimik na pinagmasdan ni Julie na magtrabaho ang nanay niya. Handa naman siya eh. Bigyan mo lang siya ng isang libro at ang kanyang music ay okay na ang lahat. Wala na makakaistorbo sa kanya kapag ganun ang nangyari. Nasa kalagitnaan pa rin siya ng pagbabasa nang maramdaman niyang may humatak sa earpods niya. "What--ma!" "Tayo na Julie Anne San Jose!" Panloloko sa kanya ng nanay niya habang pabirong binabato muli sa kanya ang kanyang earphones. "Haay ang kabataan ngayon mga bingi talaga." "Love you too ma!" Tawag pa ni Julie dahil nakalabas na ang nanay niya. Inimis niya ang gamit at inilagay lahat sa kanyang bag. Lumabas na siya sa office room ng nanay niya at dumeretso sa mismong lobby kung saan napatingin sa kanya ang mga employee sa kumpanya na iyon. Kung siya din naman ay nakita an ganak ng may-ari ay mapapatingin siya.  nginitian lang niya ang mga ito at ngumiti din pabalik ang mga sinsabing ito. At least alam ng mga tao na hindi siya magsusungit. "Bunso!" Napatalon siya sa boses nang kilitiin siya sa tagiliran. Muntik na siya mapasigaw mabuti na lang at napagtanto niyang kapatid niya pala iyon. "Ate naman eh!" Tumawa si Angel at inakbayan siya. "Ito naman! Hilig mo talaga sa kape. Kaya ka napapatalon eh haha!" Sinimangutan ni Julie ang kapatid na tumawa lamang at inalalayan na siya maglakad papunta sa elevators. "Halika na at sabi ni mama ang bagal mo daw." "E saan ba tayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Julie. Ang alam lang niya kasi ay lunch time na siya kaya siya bigla na lang ginamabala ng nanay niya. "Kakain sa labas. Kasama ang kuya Richard mo." Sabi ni Angel na akala mo ay may mga puso na sa mata. Kunwari ay nginisihan ni Julie Anne ang kapatid. "Ate, mahiya ka nga. Tanda tanda mo na eh. Kinikilig ka pa din." "Walang age ang kilig baby girl." Ngiti pa ni Angel at hindi talaga mawala ang ngiti sa kanyang muhka. Ngumiti din si Julie. Masaya siya para sa kapatid. And she can't wait 'till her older sister ties the knot. Gustong gusto na niya maging masaya ang kapatid niya. Kung meron man sa kanilang dalawa angs-swertehin sa love life e sana ang ate na niya. Sobrang relationship goals din kasi nito at ng Kuya Richard niya. Ang tagal lang kasi talaga ng kuya niya gumalaw eh. Sabay na silang sumakay sa elevator at kahit doon ay pansin ni Julie na popular ang ate niya sa empleyado ng kumpanya nila. Sabagay. Mabait ang ate Angel niya. Wala itong kahangin hangin sa katawan at masipag pa magtrabaho. Hindi porke't anak ito ng may-ari ay hindi na ito gumagalaw. Mas nakakaramdam tuloy siya ng pressure. Nakadating na sila sa baba at nakita nilang nandoon na din ang Mama nila. "Mabuti na lang at sinundo mo yan Angel." Ngiti pa ni Laura. "Aba e napakabagal gumalaw ni Julie Anne." Iiling iling na sabi nito. Ngumisi lang si Julie sa nanay. She could get away with everything. Siya bunso eh. "Let's go na? Gutom na ako eh." Sabi naman ni Angel sabay himas sa sariling tiyan. Patudyo na nginitian ni Julie ang kapatid. "Ate! Buntis ka na? Tita na ako?!" "Sira kang bata ka." Tawa ni Angel at mahinang binatuakn si Julie Anne na tumawa lang. "Nako okay lang ako sa ganun anak, gusto ko na ng apo eh." Tawa pa ni Laura. Naghihintay lang sila sa loob para kay Mang Remy, ang driver nila. "Saan tayo kakain ma?" Tanong ni Julie. Medyo nagugutom na din siya. Either yon o nabobore lang talaga siya. "Pizza na lang tayo, may malapit na Shakey's dyan." Sabi naman ni Laura. Busy pa ito sa pagtetext at nakangisi na tinitingnan ni Julie ang nanay. "Ma ano na, 48 years na hindi pa tapos yang tinetext mo." Tumawa lang din si Laura dahil aminado din ito na mabagal ang sariling pagtetext. "Anak ikaw na nga lang magtext kay Elmo, kamo papunta na tayo." Tumigil ang t***k ng puso ni Julie at napatingin siya sa kanyang ina. "P-po?" "Sila nila Irma ang kasama natin maglunch." Sagot naman ni Laura habang sinasara ang telepono. Tumingin ito kay Julie. "Hindi ba sinabi sayo ni Elmo?" Paano sasabihin yon ni Elmo e hindi na nga sila naguusap ng lalaki. Muhkang nakatunog si Angel at nakikita nito ang di mabasa na ekspresyon sa muhka ni Julie Anne. "Nagtext na sa akin si Maxx ma." Sabi ni Angel. "Papunta na din daw sila." Ayaw man aminin ni Julie ay pinagpapawisan siya. Wala siya sa mood makasama si Elmo ngayon. Sabagay. Pwede naman hindi niya ito pansinin. Hindi rin naman nito mahahalata dahil talagang hindi na sila nagpapansinan ngayon so what's the difference. Nginitian niya ang kanyang kapatid bilang pasasalamat kahit na hindi naman niya alam kung alam na ba ni Angel ang lahat.  Hindi nga siya mapakali sa loob ng sasakyan eh. Kalahati sa sarili niya ay gusto na sana wala si Elmo dahil kasama nito si Tiffany at kalahati naman ay sana pumunta ito dahil ayaw niya isipin na kasama nga nito si Tiffany.  Baliw ka na talaga Julie Anne. Mamaya kung saan na lang talaga siya pulutin nito eh. Kailangan na niya ng bagong hobby. Yung tipong wala na talaga magpapaalala sa kanya kay Elmo.  Saglit lang din naman ang pagdating nila sa Shakey's kahit na medyo traffic.  Wala pa ang pamilya Magalona nang makapasok sila at laking pasasalamat na lang ni Julie dahil may panahon pa siya para maghanda.  Sa isang malaking table sila pwinesto at kaagad na hinila ni Julie ang kapatid para si Angel ang katabi niya. Sa dulo na kasi siya para sure na ang ate lang niya ang magiging kasama niya. Hindi naman sa nageexpect siya pero alam niya kasi sa magulang pati na kayla Tita Irma boto ang mga ito sa kanila ni Elmo. Saklap nga lang hindi na mangyayari iyong gusto nila.  Sinuot niya ang kanyang reading glasses dahil nagoorder pa ng pagkain ang nanay niya. Ang kanyang Ate Angel ay kausap ngayon sa telepono ang kanyang Kuya Richard.  Inilabas niya ang libro at nagsimula magbasa doon.  "Ito talagang kapatid mo Angel, sana naglibrarian na lang." Panloloko ng nanay niya pero ngumisi lang siya kahit na hindi nagaangat ng tingin. Alam naman na ng nanay niya na narinig niya ang sinabi nito.  Patuloy lang siya sa pagbasa nang marinig nilang bumukas ang pinto ng restaurant.  Kakaunti lang ang tao na nandoon dahil medyo tagong lugar ang Shakey's na iyon.  Pasimple siyang hindi muna nagangat ng tingin kahit na ang bilis na ng t***k ng puso niya.  "Irma!"  "Laura!"  Dahan dahan na niyang binaba ang hawak na libro. Dahan dahan din ang pag-angat niya ng tingin. From under her glasses she saw Elmo walking behind his mom. Natigilan din ito nang makita siya at parang naestatwa pa sa pwesto. Umigting ang panga nito at siya naman ay nag-iwas lamang ng tingin. Tumayo siya para makipagbeso kay Tita Irma at kay Ate Maxene. "Hello Julie my dear." Sabi ni Tita Irma.  "Good afternoon po tita." Bati niya.  Si Maxene ay nakipagbeso din sa kanya at umupo na sa tabi niya.  Natigil siya nang magtama ang tingin nila ni Elmo. Nakashades ang lalaki kaya hindi niya mabasa ang reaksyon nito. Simpleng tumango na lamang siya. The guy also just nodded and sat down beside his mom.  Mabuti na lamang at hindi nahalata ng mga magulang nila ito.  Pero alam niyang parehong nakatingin sa kanila si Maxene at si Angel.  "Nag-order na kami, Irms." Sabi ni Laura nang makaupo na sila. Kung mamalasin nga naman. Hindi nga katabi ni Julie si Elmo pero katapat niya ito. Siguro hahayaan na lang niya ang sarili na ma-stiff neck para lang hindi ito tingnan.  "Here's your iced tea po."  Nakatungo pa rin si Julie at kunwaring may tinitingnan sa sariling telepono habang nagsisimula na maglapag ng drinks ang server nila.  Kaso natigilan siya nang mapansin na nakatignin sa kanya ang nagse-serve.  Kaya nag-angat siya ng tingin at gulat na lang niya nang makita kung sino ito. Gulat pa rin ang muhka niya na nakatingin dito habang ito ay natameme at parang hindi alam ang sasabihin. Kaya siya ang unang nagsalita. "Carlos?" "Uh...hi." Bati ng lalaki kahit na muhkang nahihiya.  "You know this young man iha?" Tanong ni Irma sa kanya habang hawak din ang isang menu.  "Ah, he lives in the village too tita." Sagot ni Julie ng nakangiti.  "Oh hello." Ngiti naman ni Irma pati na sila Laura.  "Good after noon po." Sagot naman ni Carlos.  "Are you serving as on the job training?" tanong ni Irma sa lalaki.  Mabilis na umiling si Carlos. "Nagpapart time job po talaga ako. Para makatulong na din po kay Mama."  "That's very admirable." Tawa pa ni Irma. "You should befriend my son para naman magsipag din ito." "Mom." Elmo practically growled but Irma only laughed.  Mahinang ngumiti lang si Carlos bago tumango sa kanila. "Sige po, balik na po ako sa kusina. Kunin ko lang po food niyo."  "Thank you...what's your name again?" Tanong ni Laura. Mahinang ngumiti ulit ang lalaki. "Carlos po." "Thank you Carlos." Sabi naman ni Laura.  Napatingin muna si Carlos kay Julie na ngumiti lang dito. "Excuse." Biglang tawag ni Elmo dahilan para mabaling ang tingin ni Carlos dito. "Pwede pakuha ng tubig?" "Ah...sige po sir."  Naglakad na ito palayo at pasimpleng sinimangutan ni Julie ang lalaking nakaupo sa tapat niya.  "Elmo! That was so rude!" Sabi ni Maxene.  Elmo scoffed. "Bakit? Nagpakuha lang naman ako ng tubig ah."  "Selos ka lang eh." "Ano yon ate?" "Ah wala wala." Napailing na lang din si Julie at muli ay nag-iwas ng tingin. Magpapamasahe talaga siya mamaya kay manang. Ngayon pa lang kasi nakakaramdam na siya ng stiff neck.  Si Laura at Irma lang naman ang naguusap habang si Maxene at Angel naman ang nagtsitsismisan.  At ito silang dalawa ni Elmo na magkatapat na nga pero hindi pa rin makapagusap.  Bumalik na si Carlos na dala ang tubig. Linapag niya ang isang pitsel at ilang baso. Nginitian ulit ni Julie ang lalaki dahilan para mamula nanaman ang tainga nito. Mas lalo tuloy lumawak ang ngiti ni Julie.  "He's cute." Napalingon si Julie kayla Maxene na kanina pa humahagikhik sa isang gilid.  "CR lang ako." Sabi ni Elmo at tumayo. Halos tumilapon pa ang upuan nito nang tumayo. "Ang kapatid ko nakadroga nanaman." Iling na sabi ni Maxene.  "That reminds me." Sabi ni Irma habang papaalis na si Carlos para siguro kunin ang pagkain nila. Luminga linga pa ito sa paligid na tila ba may sikreto na sasabihin. Kay Julie ito tumingin.  "Iha, anong alam mo doon sa Tiffany? Isn't she the sister of that guy who was on drugs?"  Kumabog nanaman ang puso ni Julie. Ayaw niya sana sumagot pero ala namang wala siyang sabihin. "O-Opo." "Then what the heck is my son doing with that girl?"  "Hindi naman po kagaya ni Z-Zach si Tiffany tita." Pagdedepensa pa ni Julie. Dahil totoo naman. Alam niyang napilitan lang din sa pagtulak si Tiffany.  Napailing si Irma. "I'm worried for him. I don't like that girl." "Are we talking about Tiffany?"  Nagulat silang lahat at nakita na nakabalik na pala galing ng rest room si Elmo. Blangko ang muhka nito na nakatingin sa kanila.  "Yes." Matapang na sabi ni Irma. "Elmo, I don't like you hanging out with that girl. My god, her brother's in rehab!" "She's not using mom!" Depensa din ni Elmo. "And she doesn't have anyone else right now!" Pero parang walang pumpasok sa utak ni Irma. Napahilot ito sa sentido at napatingin muli sa bunsong anak. "Elmo, ano ba nangyayari sayo. Okay na eh. You hang out with such good friends. I mean Julie is your best friend for goodness sake! Tapos ngayon, yang babaeng yan ang kasama mo? Diyos ko naman anak. Ang layo layo ni Julie kay Tiffany!"  Tahimik lang si Julie na nakaupo, halos hindi nga niya ma-angat ang ulo niya. Naiiyak na siya lalo na at nakikita niya ang itsura ni Elmo.  "You can't control me ma." Mahinahon na sabi ni Elmo bago lumabas ng restaurant.  It was adrenaline rush that caused Julie to run after him.  "Julie!" Tawag sa kanya ni Angel pero nakalabas na siya.  Sa mismong parking lot ay nahabol niya ang lalaki at nahawakan pa ang kamay nito.  Elmo didn't move but he didn't face her either.  "Elmo..." "Julie please. I want to be alone right now." "Elmo you can't let what your mother said get to you." Dito ay humarap na si Elmo at matalim siyang tiningnan. Sa sobrang talim ay halos mapaatras siya. But she stood her ground and held on to his hand.  "That's just it Julie. She got to me. Ang hirap lang para sa sitwasyon ni Tiffany. I mean. I like her. She's a good friend to me. Wala naman siyang ginagawang masama. Pero di ko alam bakit ba lahat ng tao sa paligid ko ayaw sa kanya." "It's not like that Elmo--" Simula sana ni Julie pero nagsalita muli si Elmo.  "Iniisip ko...dahil lang ba sanay ang tao na kasama kita e hindi ko na rin pwede kasama si Tiffany? Pati si mama kinukumpara kayong dalawa. Magkaiba kayo! At hindi ayo ang laging magkasama! Nadadawit lang siya eh."  Natigilan si Julie dito. Umaakyat na ang galit sa sistema niya. "Bakit, si Tiffany lang ba ang biktima dito ha Elmo?" "Siya ang mas kawawa." Pilit pa ni Elmo. "People keep attacking her when she isn't doing anything wrong." This time ay nakabitaw na si Julie. Naiiyak na siya. Naiiyak na siya sa galit. "Sorry ah. Sorry dahil mas kawawa si Tiffany. Dahil siya ang pinakanaapektuhan nito. Sorry Elmo. Sorry dahil kinakawawa ng ibang tao yang bago mong kaibigan. Sorry dahil siya lang ang pansin mo na nasasaktan. Pero alam mo? Okay na ako. Sige na. Ako na lang lalayo. Gusto mo ako pa magcampaign sa tao na suportahan kayong dalawa eh. Gusto ko lang naman maging kaibigan mo Elmo. Kasi ayun naman talaga tayo kahit dati pa. Pero ibulong ko na lang sa hangin yang pagkakaibigan natin! Tutal itatapon mo lang yon ng ganun ganun na lang! Para lang sa kanya. So goodbye Elmo, I'm walking away and I hope not just for her sake, but for yours and mine, you'll be happy and I hope I will too. Ayun lang naman gusto ko sa mundo. Ang maging masaya at kuntento. So long."  Naglakad siya palayo. Hindi siya papasok ulit sa restaurant dahil halatang umiiyak pa siya. Nagpunas siya ng mga luha at tumatakbong lumayo hanggang sa mapaupo siya sa likuran ng building malapit sa restaurant na iyon.  Ang bigat na ng dibdib niya sa naiisip. Ganun na lang. Para lang kay Tiffany itatapon siya ng ganun ni Elmo. Mahiwaga ba ang babae na iyon at bighaning bighani si Elmo?  She sobbed into her arms as she sat on the gutter and buried her face in them.  Tumigil lang siya nang makaramdam na may nakatabi sa kanya.  She lifted her head and saw Carlos somberly looking at her. He reached out, giving her a handkerchief which she accepted.  "Sorry ah. Nakita ko kasi ang nangyari." Sabi nito habang nakatabi na sa kanya.  Pinunasan ni Julie ang sariling luha. "Yeah well, that'll be the last for him. Ayoko na."  "Good." Sabi ni Carlos at mahinang ngumiti sa kanya. "You don't need to be unhappy when you can be happy."  And somehow, what Carlos said made her feel a little better. She was Julie Anne San Jose for pete's sake. Hindi siya papatalo ng ganun ganun na lang.  Napabuntong hininga na lang siya at napailing. Goodluck na lang Elmo. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o==o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o==o=o=o=o=o=o=o= AN: Guys alam ko mabigat ang mga chapter hahaha pero kasi kaya After All ang title nito hahaha! Marami talaga mangyayari. I just hope you will all read until the end hehe! Here's to hoping! Belated Happy Birthday kay Einah! Dapat kagabi pa ito kaso nasa trabaho pa ako haha!  Comments please? Votes? Hehehe much appreciated! Dahil ang daming comment last chapter napabilis ang update ko hehehe nakakagana naman kasi talaga XD  Thank you! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD