Chapter 15

3041 Words
"Bes! Mall tayo !" Napatingala si Julie mula sa pagbabasa. Napaigik pa siya nang hilain ni Maqui ang hawak niyang libro. "Bes!" "Ay nako bes tigil tigilan mo ako ah. Uwian na te nagaaral ka pa din!" "Kaya nga ako nag-aaral eh." Sabi pa ni Julie sabay hila ng libro mula kay Maqui. "May quiz kami next week." "TE NAMAN! Next week pa yon!" Sa ingay ng bibig ni Maqui ay napatingin ang ibang estudyante sa kanila. Ang iba ay napailing na lang at ang iba ay natawa. Natatawang umiling din si Julie at tumayo na. "Alam mo Maq, gutom lang, tara na magmall na tayo. Convoy ba tayo?" "Okiedokie!" Maligalig na sabi ni Maqui. Sabay silang naglakad papunta sa parking lot nang makita nila sa may quadrangle banda si Elmo at si Tiffany. Nakaupo ang dalawa sa benches. Si Elmo ay tahimik na nagbabasa ng libro habang si Tiffany ay dumadaldal. Patango tango lang si Elmo bilang sagot pero parang hindi naman talaga ito nakikinig. "Kamusta na pala kayo niyan ni mokong?" Tanong ni Maqui. Kung dati ay maingat pa ito sa topic na iyon ay ngayon derederetso na lang. "Masaya siya." Kibit balikat na sabi ni Julie. Honestly, manhid na kasi siya talaga ngayon kaya wala na siya pakiealam. At dahil ayun ang pinakamabilis na daan papunta sa parking lot ay doon ang lakad nila Julie. She kept a straight face as she passed the sides and from her peripheral view she saw Elmo lifting his head up. Sa buong upo nito doon sa bench ay ngayon lang ito nag-angat ng tingin. Deretso lang ang lakad ni Julie hanggang sa makadating na sila sa parking lot. "Savaage." Napatingin si Julie kay Maqui na nasa tabi niya. Magkatabi din kasi ang kotse nila. "What?" "Hindi mo man lang tiningnan si Elmo!" Humahagikhik na sabi ni Maqui sabay kiliti pa sa kanya. Mahina niyang pinalo ang malikot na kamay ng pinakamatalik na kaibigan at ngumisi lang. "Uunlad ba ang Pilipinas kapag tiningnan ko siya? Hindi naman diba?" "Ay palaban na ang bes ko o!" "Hindi naman ako palaban." Sabi ni Julie sabay bukas ng pintuan ng kanyang kotse. "I'm just going on with my life. No biggie." Sabay suot ng shades at pasok sa loob. Totoo naman. Bakit, linabanan ba siya? Hindi naman diba? Magkasunod ang kotse nila papunta sa pinakamalapit na mall sa school nila. At dahil nga ayun ang pinakamalapit, bawat lingon ay may estudyante ng SAU ang nandoon. "Bes, kailangan ko na ng bagong pantalon, wala na kasya sa akin." Tiningnan ni Julie ang kaibigan. "Bakit? Gaga ka ba hindi ka naman tumataba." "Pakyu ka ikaw ang hindi tumataba!" Tumawa si Julie at sinundan na lang ang kaibigan papasok sa isang clothing store. Pumipili pa si Maqui at alam naman ni Julie na mamaya e lalap[it din ito sa kanya para humingin ng opinyon kaya habang wala pa ay siya naman ang naghahanap ng mga dress na pwedeng panggala lang. Tuloy lang siya sa pagtingin nang may mapansin siyang parang papalapit sa kanya sa gilid ng kanyang mga mata. She lifted her head and smiled when she saw that it was Carlos. Maikling kumaway lang ito sa kanya bago lumapit. Hindi palangiti ang lalaki kaya naman bahagyang naiintiriga si Julie dito. "Hi Carlos." "Uh hi..." "Nagshoshopping ka?" Tanong ni Julie. Hindi mahilig magsalita ang lalaki kaya siya na lang siguro ang magdadala sa usapan kung gusto man niya magkaroon. Napakamot sa batok ang lalaki. "Ah oo. Birthday kasi ni mama bukas e bibilhan ko sana ng damit." Napangiti si Julie sa sinabi nito. That was so sweet. "Kaso hindi mo alam kung ano bibilhin mo?" She asked. Muhka kasing nawawalang tuta ang lalaki. Tumango ito at sakto naman ay napatingin sa direksyon nila si Maqui. Umangat pa ang kilay nito na parang nagtatanong. At dahil hindi papatalo ay lumapit ito sa kanila at kaagad na ngumiti kay Carlos. "Hi!" "Uhm...hello." "Maq, si Carlos, yung lumipat sa village nung isang araw. Carlos, best friend ko, si Maqui." "Hi Carlos!" Bati ulit ni Maqui matapos ng pagpapakilala ni Julie Anne. Tumango lang si Carlos dahilan para muling mapangisi si Maqui. "Tahimik kang lalaki ka ah." Tuloy pa sana ang usapan nila nang makakita sila ng mga estudyante ng SAU na dumaan din. Kahit walang uniform ang university ay sila sila lang din naman ang nagkakakitaan kaya pamilyar na sila sa isa't isa. Nakatingin ang mga ito sa kanila pero hindi na nila pinansin pa. "Maq, tulungan natin si Carlos na maghanap ng gift para sa birthday ng mama niya." "Imbitado ba kami?" "Maq!" "Ito naman, nagbibiro lang ako haha!" At naglakad na palayo si Maqui. "Tara may magagandang bag dito nakita ko." Nginitian muna ni Julie si Carlos bago sumunod kay Maqui. Pero hindi nawala sa pandinig niya ang usapan ng dalawang estudyante ng SAU. Rinig na rinig eh. "Te, break na ba si Julie saka si Elmo?" "Hindi naman daw naging sila. Hanggang best friend lang. E diba ang kasama ni Elmo ngayon yung si Tiffany?" "Ah oo. Sweet din naman sila. Lagi sila magkasama eh." "Sabagay. Oh well. Sayang. Bagay pa naman sana si Elmo saka si Julie." Talaga bang napagtsitsismisan sila ng ganito? Napailing na lang si Julie Anne at sumunod na kay Maqui na nandoon na sa section ng mga bag. At dahil magaling pumili silang dalwang babae, ay kaagad na nakahanap nang mabibili si Carlos para sa sariling ina. Malaki ang ngiti nito nang hawak hawak na ang napili na bag. "Ngayon lang kita nakita ngumiti ah. Sweet mo naman sa mom mo." Julie teased. "Appreciate ko lang kung paano niya ako inalagaan." Sabi naman ni Carlos. Inalalayan na sila ng sales assistant sa pagbili at matapos ay hinarap ng lalaki ang dalawang matalik na magkaibigan.  "Ah, salamat Julie, Maqui. Mas napadali ang pagbili ko." "No prob!" Masayang sabi pa ni Maqui. "Gusto niyo ba magmeryenda? Medyo nagugutom na ako eh." Napakamot nanaman sa likod ng ulo si Carlos. "S-sorry ah. Next time na lang. Nakabudget kasi itong lakad ko para lang sa gift ni mama." Nahabag si Julie. Nagtataka din siya kung bakit ganun na lang kung magtrabaho si Carlos gayong mayaman naman ang mga ito. At least, that's what she thinks. Hindi naman kasi kayo makakatira sa village nila kung wala kayong pera. "Treat kita." Ngiti niya sa lalaki. "Ha? Hindi..okay lang wag na." Namumula pa rin na sabi ni Carlos. "Sa susunod ako na lang ang manlilibre. Ah. Salamat talaga ah. Una na ako." Nagmamadali itong naglakad palayo, muhkang ayaw talaga magpalibre. "Ayan bes, tinakot mo kasi." Sabi ni Maqui. Nakatayo na sila sa gitna ng mall kung saan karamihan ng tao ay linalagpasan lang sila. Napabuntong hininga si Julie. Naiintriga kasi talaga siya sa lalaki. "Tara na...tayo na lang kumain." Siya na ang naglakad papunta sa isang sikat na burger house at umupo na sila ni Maqui para makapagorder. "Ano bes, bet mo yung Carlos?" Sinamaan ng tingin ni Julie ang kaibigan. "Bet ko kaagad?" "Bakit hindi? Cutie din naman siya. Kaso si Frank talaga type ko so sayo na lang siya." Balewala na sabi ni Maqui at uminom mula sa milkshake niya na una nang na-i-serve. Julie shook her head. Getting into a relationship was the last thing on her mind right now. =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= "I will be handing out your quizzes today." Sabay sabay na napaungol ang mga estudyante. Sino ba naman ang may gusto malaman ang score nila kapag alam mong mahirap ang quiz na iyon? Isa isang pinamigay ang mga papel nila. Napalinga linga sa paligid si Julie dahil siya na lang ata ang wala pang papel. "Kumuha ka ba nung quiz Jules?" Natatwang tanong sa kanya ni Trixie. "Oo katabi mo nga ako eh!" "Saka kumopya nga pala ako ng mga dalawang tanong." Pinanlakihan ni Julie ng mata ang kaibigan at natawa lang si Trixie. "Trix!" "O bakit? Two points din yun haha!" Natatawang napailing na lamang si Julie Anne. Natigil ang daldalan nilang mga estudyante nang tawagin ni Ma'am Tan ang kanilang atensyon. "O, pakipalakpakan si Julie dahil nakakuha siya ng perfect sa quiz na ito." "Ma'am, what's new po?" At nagtawanan ang ibang estudyante pati na si Ma'am Tan. Ibinigay na ng butihing guro ang exam niya sa kanya at tinanggap naman ito ni Julie Anne. Malaki ang ngiti niya habang tinitingnan ang hawak na papel. Pinaghirapan naman niya ang pag-aaral dito kaya sa tingin niya ay deserve naman niya. "Ang tindi mo te. Sana pala kinopya ko na lahat kaso ang mangyayari masyado halata. E hindi ako kasing brainy mo." Tawa pa ni Trixie habang tinitingnan ang papel ni Julie. Nakaikot na ngayon ang kanilang mga upuan dahil binigyan sila ng group work ni Ma'am Tan. At dahil nandun sa grupo na iyon si Julie ay natapos nila kaagad ang gawain. "Julie, saan mo linalagay utak mo? How to be you po?" Tanong ni Ali, isa sa ka-group nila ng araw na iyon. "Ha? Hindi ah. Nagbasa basa lang talaga ako non." Tawa pa ni Julie. "Wushu." Sabay sabya na sabi pa ng mga kaklase niya. "E diba may kompanya kayo? So ikaw magmamana nun?" Tanong din ni Jack habang nagiimis ng gamit. Kibit balikat si Julie. Ito nanaman sila sa usapang future. E hindi pa nga niya alam kung may future siya. "Si Ate naman kasi yung talagang magmamana nung kompanya. Ako, experience lang siguro tapos, hanap ako ng mapapangasawa." Sabay tawa pa niya. Nanlaki ang mata ng mga kaklase niya. "Ganun na lang te?! Sayang utak mo!" Kumibit balikat ulit si Julie Anne. "Mas komportable kasi talaga ako sa bahay. Mag-aalaga ng baby ganun." "Te hanap ka muna ng tatay." Tawa ni Trixie. "Saka na din yon." Sambit ni Julie. "Enjoy ko muna kabataan ko." "Eh paano si El--aray!" Sinimangutan ni Jax si Trixie na pinanlalakihan siya ng mata ngayon. Muli ay kumibit balikat lamang si Julie hanggang sa natapos na ang klase at oras na ng lunch. Hindi tugma ang schedule nila ni Maqui ngayon dahil nasa ibang klase pa ito at kanina pa ito nakapaglunch. "Bakla ikaw na lang bumili ng food ko." Sabi ni Julie Anne at nagbigay ng pera dito. "Opo prinsesa...palibhasa..." Tumigil si Trixie bago naglakad na lang palayo. Alam ni Julie ang dapat sasabihin ng kaibigan. Dati kasi, kung sabay man ang schedule nila; si Elmo ang bumibili ng pagkain niya. Well...dati na lang yon. She shrugged to herself and just browsed her phone. Nagtext pala sa kanya ang mama niya na umuwi kaagad siya galing school. Baka may sasabihin. Sinagot lang niya ito at nag-angat muli ng tingin. Sakto ay papasok ng canteen ay si Elmo. Mag-isa lang ito. Hindi kasi mabarkada ang lalaki. Dati...kung hindi ito mag-isa...siya ang kasama. Well...dati na lang yon. Napadako ang tingin nito sa kanya kaya mabilis siyang nag-iwas ng tingin. Mas nagiging magaling na siya sa pagkukunwaring hindi sila naging magkaibigan ever. Kahit masakit. Hindi rin naman siya nahihirapan dahil parang wala lang din ito sa lalaki. "Julie." Kumabog ang dibdib niya. Dahan dahan siya nag-angat ng tingin at nakitang nakatayo sa gilid niya si Elmo. Bakit parang nanahimik ang cafeteria? At hindi niya iniimagine iyon. Halos nanahimik nga ang buong caf dahil lahat ay nakatingin ngayon sa kanila. Nagsalubungan sila ng tingin. "Bakit?" She asked. Bahagyang suminghap ang lalaki. "Sabay daw tayo umuwi mamaya." Tumaas ang kilay ni Julie. "Sino may sabi?" "S-si mama." "Ako na magtext kay tita. Kaya ko naman umuwi mag-isa." Coding kasi ang kotse niya nang araw na iyon at kasama ng papa niya ang driver nila dahil may business itong pinuntahan sa Cavite. "Sabay na daw tayo." Pilit pa ni Elmo. Nakasimangot na tiningnan niya ang lalaki. "Marunong ako mag-commute." Sa inis ay tumayo siya at naglakad na palayo pero natigilan nang sumigaw si Elmo mula sa likuran niya. "SABAY TAYO UUWI! IPAPASOK KITA SA KOTSE KO PARA DI KA NA MAKATAKAS!" "Yiiiiii!" Sabay sabay na napareact ang mga tao sa canteen. Sinamaan ng tingin ni Julie si Elmo na determinado na nakatingin sa kanya. Manigas ka. At mabilis siyang naglakad palayo. Naiinis na naglakad lakad siya sa hallway bago nagdesisyon na mag-CR. Kung akala ni Elmo e titiklop siya, manigas ito. Nag apply lang siya ng blush at lip gloss at inayos ang buhok. Maya-maya ay naramdaman niyang tumutunog ang kanyang telepono. It was Trixie. "Te! Anproblema ng koya mo at nagsisisigaw siya kanina? Teka teka asan ka ba?" She sighed before answering. "Nandito sa 4th floor na CR." "O teka papunta ako dyan." Binaba na ni Julie ang tawag at lumabas na ng CR. Ilang saglit lang at nakita niyang hahangos hangos na lumalapit sa kanya si Trixie. "Te, anong drama niyo ni Elmo kanina? Nasa TV ba tayo? May cameras ba dito na hindi ko alam?" Sabi nito at napalinga linga pa sa paligid na akala mo ay may mga camera nga. "Wala. Wag mo siya pansinin." Iwas ni Julie. Akala nito kung sino siya. Matapos siyang pagsabihan ng ganun nung nakaraan lang, didiktahan siya ngayon? Well f**k him. Confident si Julie na matatakasan niya si Elmo nang hapon na iyon. Pero sa totoo lang iniisip niyang wala naman talaga siyang tatakasan dahil baka nga nakalimutan na ni Elmo na susunduin siya nito. Still, napalinga linga pa rin siya sa paligid sakaling nandyan nga ang lalaki. Nang muhkang okay naman na ang lahat ay dumeretso sa mismong entrance ng school dahil may mga dumadaan doon na jeep para makauwi na siya. "Julie." Muntik na niyang mabitawan ang hawak niyang clearbook nang maramdaman na may nakahwak sa braso niya. At tumigil nanaman sa pagtibok ang puso niya nang makita na si Elmo iyon. "Elmo, kaya ko nga umuwi mag-isa." "Bakit ba kasi hindi ka na lang sumabay sa akin?" "Kasi ayoko!" Julie pulled herself away. She looked painfully at Elmo for a moment before gathering herself. Elmo mimicked her look. "Julie--" "D-don't." Sabi ni Julie. Ito. Ito nanaman. Tanginang mga luha ito mga traydor eh. Minsan kahit anong tatag mo, kapag babagsak sila...babagsak talaga. She turned away and made a run for it. "Julie!" Tatawid na sana siya sa nang makarinig siya ng busina. Parang dumaan ang lahat ng nangyari sa buhay niya sa harap niya. Lagi niya talaga kasama pala si Elmo. Pero hindi niya naramdaman ang impact ng kotse. Ibang matigas na bagay ang naramdaman niya. Binuksan niya ang kanyang mga mata at napansin na dinadaganan pala niya si Elmo. The guy opened his eyes. When he came to he looked at her. "Okay ka lang?" "O-okay lang ako." Sagot ni Julie at sabay silang tumayo. Naisuklay ni Elmo ang buhok. "Wag mo naman ako gagantihan ng ganun." He said. Sinimangutan ulit ni Julie ito. "Di ko papatayin sarili ko para sayo." "I-I didn't mean that." Nakasimangot pa rin si Julie na naglakad palayo. "Salamat na pagligtas." "Wait." Hinawakan nanaman ni Elmo ang kamay niya. "Sige na please, sabay na tayo pauwi. Let me drive you." Napaisip si Julie. Baka kasi papagalitan ito ng nanay nito kapag hindi siya naihatid pauwi. Tatango na sana siya nang may marinig silang boses na nagsalita sa gilid. "Moe!" Sino pa nga ba. "Okay lang hatid mo ako sa mall? Shift ko na kasi sa boutique ni Ate Maxx." Sabi nito. Nakatayo lang doon si Julie. At dahil alam naman na niya ang mangyayari ay nagsimula na siya maglakad. Sakto ay may jeep na kakaunti lang ang nakasakay. Kaagad siyang umupo sa may harap at inabot na ang nakahandang barya sa driver. Umandar na din kaagad ang driver at hindi alam ni Julie kung nakahinga nga ba siya nang maluwag o hindi. Kung hinabol man siya ni Elmo o hindi, anung point eh si Tiffany naman talaga uunahin nito. Pero siyempre, ala namang unahin siya ni Elmo e best friend lang naman siya diba? Ay teka hindi. Ex-best friend pala. Sa wakas ay nakauwi din siya sa bahay nila. Gulat na lang niya nang makita na nandoon sa labas ang tita Irma niya at hinihintay siya. "Julie, dito ka na dumeretso muna at naghanda ako ng meryenda." Nang makita ang pag-hesitate niya ay nagsalita ito muli. "Hintayin natin ang mama mo. Medyo ma-late kasi siya." Napatango na lamang siya at sumunod dito. "Asan si Elmo? I specifically told him to take you home with him." "Uh..." Naging driver pa po sa babae niya. "Busy po tita eh. Saka okay lang po marunong naman ako magcommute." "Hay nako ang batang iyon talaga." Sabi na lang ni Irma na napapailing. Naglakad na sila papasok at umupo sila sa may lanai kung saan may nakahandang minatamis na saging at juice. May cookies at biscuits din sa gilid. "Anak...hindi ba kayo nagpapansinan ng anak ko?" Tanong nito sa kanya. Napatungo siya. Ito naman si tita wala man lang segway muna. Derederetso. "H-hindi naman sa ganun tita." Sinungaling ka Julie Anne. Malungkot na tiningnan siya ni Irma. "Anak, sabay nga kayo naliligo nyan dati eh. Simula non e halos hindi na kayo mapaghiwalay." Napakibit balikat siya. "Iba na po ngayon." Inabot siya ni Irma at hinaplos ang muhka niya. She smiled sadly at the older woman. Parang pangalawang nanay na din naman niya ito. "Nung pinanganak kayo, 20 days lang pagitan niyo." Mahina itong natawa. "Plinano pa namin ni Laura na ikakasal kayo. Pero siyempre hindi naman namin sineryoso. Pero nung lumalaki kayo akala talaga namin ay matutupad ang pinapangarap naming dalawa." Sumisikip na ang dibidb ni Julie. Mas malungkot pa dahil hindi lang naman sila ni Elmo ang involved sa nangyayaring ito. She smiled sadly at her tita Irma. "Hindi naman po iyon mangyayari tita." "Dahil hindi kayo magkaintindihan? Kaya ba kayo nagkalayo dahil sa babaeng iyon?" Julie sighed. Si Tiffany nga ba ang dahilan o may iba pa silang hindi naiisip na dahilan? Pero para kay Julie simple lang naman ang sagot sa tanong na iyon. "Hindi naman tita. Hindi lang po talaga ako ang mahal ni Elmo." =o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o= AN: Hello friends! :D Kamusta? Ako ito cute pa rin charot haha! Handa na ba kayo sa mga susunod na kabanata? Sinong toka sa punerarya para kay Tiffany? Charot hahahaha! Please let me know what you think! Comment and vote please! Hahaha totoong kapag nababsa ko comments niyo e ginaganahan ako magtype hihi! Thank you! Mwahugz! -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD