Tahimik lang na nakaupo sa may lamesa ng mga Magalona si Julie Anne. Nagrerelax lang siya at nagbabasa ng libro. Nakapalit na siya ng simpleng shorts at T-shirt at pinabalik siya doon ng tita Irma niya. Padating na din naman kasi ang mom niya. Muhkang may importante silang paguusapan.
"Anak inom ka ng juice o." Napatingala siya sa boses at nakita si manang Ason na naglalagay ng isang baso sa harap niya.
Nginitian niya ang matanda at binaba ang binasabasang libro. "Salamat po."
"Ikaw pa. Siya nga pala bakit parang hindi na kita masyado nakikita?"
Malungkot na ngumiti si Julie. "Busy lang po sa school."
"E sabagay. Graduating na nga pala kayo ni Elmo. Pati ang batang iyon parang lagi na lang wala sa bahay." Napapailing na sabi ng matanda. "Pero dalaw dalaw ka din anak ah. Siyempre namimiss ka din naman namin dito."
Alam niyang hindi niya matutupad iyon pero tumango si Julie. "Opo manang. Bibisita din po ako dito." Magkatabi lang ang bahay nila pero sa sitwasyon ngayon parang sobrang layo nila.
Narinig nilang bumukas ang pinto at humahangos na pumasok si Elmo. Napatigil pa ito sa gitna ng living room nang makita na nandoon si Julie.
"O ito na pala si Elmo. O sige maiwan ko muna kayong dalawa." Tila kninikilig na sabi ni Manag Ason.
Nang makaalis na si manang ay binalik na ni Julie ang tingin sa librong kaninang binabasa. Wala naman siyang dahilan para kausapin si Elmo. At dahan dahan na niyang natututunan na nakakapagod na itong kausapin. Dahil kahit anong subok niyang itama ang lahat, ang lumalabas ay lagi siyang may maling nagagawa.
"J-Julie."
Liningon niya ang lalaki at bahagyang tinaas ang kilay na para bang nagtatanong. Blangko din ang muhka niya ngayon dahil sa totoo lang gusto na niya matulog kaso gagambalain din naman siya ng mommy niya sa hindi malamang paraan.
"S-sorry kanina, sinundan kita kaso nakasakay ka na ng jeep."
Julie shrugged. Her face looked bored. Ito na ba? Namamanhid na ba siya? Kasi masaya siya na manhid na siya. "Okay lang. Sabi sayo marunong naman ako magcommute eh." Then she turned away and went back to her book.
Sana umakyat na na si Elmo. Sana lumayo ito dahil naiilang siya habang nakatayo ito sa tabi niya. Akalain mo iyon. Dati magkatabi lang sila matulog ngayon nagiilangan na sila.
Kaya she did her best to not look at him and just concentrate on her book.
"What are you reading?"
Really? Napalingon si Julie Anne sa kanya na para bang takang taka bakit ito nagsasalita ngayon. Kung nung una kasi ay kaya pa niya makitungo nang maigi dito, ngayon hindi na. He ruined that by being irate when she didn't even do anything wrong.
"Elmo...can we just stop this? Nandito ako kasi sabi ng mom mo maguusap usap tayo. Hindi ko lang alam kung tungkol saan."
She looked at him and his jaw clenched in answer.
"I'm so--"
"Please stop saying that." Mabilis na putol ni Julie. Tumayo ito at pumunta sa veranda. Buong akala niya ay hindi siya susundan ng lalaki pero hayun nga at parang nawawalang tuta na nasa likod niya ito.
"Ano nanaman ba Elmo? Magbihis ka nga muna. Para maginhawaan yang katawan mo." Sabi niya dito pero nakatingin pa rin ang lalaki sa kanya.
"Hindi na ba talaga mababalik ang dati?" Tanong ng lalaki.
Umakyat ang kulo sa ulo at sa dugo ni Julie. Ito ba ang tinatawag na high blood. "Kapal ng muhka mo na tanungin sa akin yan. Ayun naman talaga ang gusto ko kahit nung nagsisimula pa lamang itong problema natin eh. Ikaw itong pinapalala ang lahat."
She turned to walk away but Elmo tightly held her arm. "Julie wait please."
"Pagod na ako maghintay Elmo." Sagot ni Julie Anne at hinila palayo ang kamay. She stared him down. "Okay lang naman talaga sa akin kung lagi kayo magkasama ni Tiffany eh. Pakasalan mo pa! Ang problema ko e wala naman ako ginagawa tapos ako pa ang may kasalanan? Well f**k you Elmo! I don't deserve this!"
Pumasok siya sa loob ng bahay at sakto ay narinig nilang papasok ang mga magulang nila. Nagtatawanan pa ang mga ito.
"Julie." Elmo tried calling pero nakapasok na sa loob ang mga magulang nila.
"Ayan na pala kayo."
Hindi lang pala ang mga magulang nila ang nandoon. Maya maya ay nakasunod na sa kanila si Maxene at si Frank.
"What's happening?" Tanong ni Elmo habang tumatayo sa tabi ni Julie Anne.
Bago pa makasagot ang ibang tao na nandoon ay pumasok sa loob si Richard. Dahan dahan nitong sinara ang pintuan bago sila nginitian.
Nagkatigninan si Julie at Elmo, parehong nakalimutan na nagaaway nga pala sila.
"Maghahanda na tayo para sa proposal ni Richard sa ate mo."
Julie gasped and she couldn't contain the smile on her face. "So where's ate?"
"Pinaligaw ko muna." Tawa ni Richard. "Kasama si Jennylyn saka si Mark."
Umupo silang lahat sa may sofa at inexplain ni Richard sa kanila ang kanyang plano.
"Una gusto ko po muna magthank you for helping me. And I want all of you to be there. You're her family and closest friends. Balak ko kung saan kami nagcollege magpropose since doon naman talaga kami nagkakilala."
"That's in SAU right?" Sabi pa ni Frank.
Tumango tango si Richard. "Torpe ako non. Playboy pero si Julie talaga ang best friend ko kahit dati pa. And I took her for granted then."
Tuloy sa pagkwento si Richard pero pakiramdam ni Julie ay masusuka na siya. Ngayon na buong buo ang pagkwento ng kuya niya ay natutunugan niya na halos pareho lang sila ng sitwasyon ng ate niya. Ang kaibahan lang ay matutupad na ang happy ever after ng ate niya.
She smiled sadly but nodded her head to herself. Ano ba itong iniisip niya. Hindi ito ang oras niya. Oras ito ng ate niya. Nakaupo sa tabi niya si Elmo at nagc-concentrate ito sa sinasabi ni Richard.
"Elmo, Julie, kung okay lang kayong dalawa ang kakanta kapag nagpropose na ako?"
Halatang natigilan ang dalawa. Hindi naman kasi sila lagi nakikita ng kuya Richard nila kaya ano naman ang alam nito.
Si Elmo ay natatameme at bahagyang tumitignin kay Julie na para bang nagpapaalam.
Binaling niya ang tingin kay Richard at nginitian ito. "Okay na okay Kuya."
Richard looked both happy and relieved. "Thanks so much! Kung okay lang kantahin niyo yung theme song namin?"
"Ano yun kuya?" Si Elmo na ang nagtanong.
Ngumiti si Richard at linahad na ang plano.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Umiinom ng shake si Julie sa canteen kasama si Maqui at Trixie nang may lumapit sa kanila.
Ngumiti si Julie nang makita na si Carlos ito.
"Hi." She smiled at the guy.
Namumula ang muhka nito na napakamot sa likod ng ulo. "Uhm, can I sit here?"
"Pwedeng pwede pogi tara ito o kain ka pa ng fries." Alok ni Trixie at binatukan ito ni Maqui.
"Eksena ka. Paupuin mo sa tabi ni Julie Anne."
"O sa kanya na!" Asik ni Trixie.
Napailing na lamang si Julie Anne bago paupuin sa tabi niya si Carlos. "Mag-isa ka lang ba talaga kumakain?"
"Ah hindi naman. May mga tropa din ako, kaso hindi kami magkakaklase ngayon e."
"Ah kaya pala." Julie nodded her head as she ate from her slice of pizza.
"Hi guys!" Dumaan sa harap nila si Ali at may kasama itong dalagita.
"O, hi Ali!" Si Julie ang bumati at napadako pa ang tingin sa kasama nito.
Kaagad naman nagsalita muli si Ali. "Ay guys, little sister ko nga pala si Lyssa. Pupuntahan kasi namin si mama mamaya sa office kaya dumeretso na siya dito. Tapos na classes ko eh."
"Hi!" Sabay sabay na bati nila Julie.
"Hello po." Ngumiti si Lyssa kay Julie Anne.
Hindi napigilan ni Ali ang pagtawa at inakbayan pa ang kapatid. "Te, fan ka nito. Napanuod ka kasi kumanta nung sa assembly. Nandito din siya noon eh."
Nahihiyang natawa din si Julie at si Lyssa naman ay hindi napigilan ang pagtanong. "Para kanino nga pala yung kanta na yon ate?"
"Ah, sa ex-best friend niya--aray!"
"Ahitin ko kilay mo dyan eh." Ani Julie kay Trixie at pinanalakihan pa ito ng mata.
Tumawa si Ali at napailing na lang. "Anyways, una na kami. Bye guys!"
"Bye Ate Julie!"
"Tamo yung batang iyon ikaw lang ang sinabihan ng bye." Himutok ni Trixie.
Tumawa si Maqui. "Te, di ka naman kasi marunong kumanta. Nabighani lang yung bata sa boses ng best friend ko no."
"Hoy tangkad, di ko tinatanong opinyon mo."
"Nye nye nye."
Mahinang tumawa si Carlos sa isang gilid dahilan para manlaki ang mata ni Trixie at mapatingin dito.
"Pucha Carlos may emosyon ka pala!?"
Tawa lang din ang sinagot ni Carlos nang makita nilang pumasok sa loob ng cafeteria si Tiffany.
May kasama pa itong dalawang kaibigan na babae at naupo ang mga ito sa isang table malapit lang din sa entrance ng canteen. Agaw pansin ang mga ito kasi ang lalakas ng boses at nagtatawanan.
"In fair nahihiwalay pala yang hitad na yan kay Elmo."
"Trix!"
"Bakit? Totoo naman ah." Irap ni Trixie sa sinabi ni Maqui. "Hitad siya eh."
Saka nila narinig ang bulungan ng katabi nilang mga estudyante.
"Si Elmo na ba saka si Tiffany? Lagi kasi sila magkasama eh."
"Sabagay, baka nga. Cute nung kwento nila no? Tipong si Elmo mayaman tapos si Tiffany yung mahirap na gurl. Pang telenovela!"
"E sino kontrabida?"
"Ewan? Si Julie Anne? Hahaha joke lang. De kasi diba siya yung mayaman na muhkang boto yung nanay."
"Bakla ang ingay mo nasa tabi lang natin."
"Di naman niya maririnig."
"Aba't--"
"Trix...." Julie warned her friend. Ayaw naman niya magpaapekto sa mga sinasabi ng tao pero minsan kahit anong iwas mo natatamaan ka talaga eh. Nauna siyang tumayo at lininis ang pinagkainan. "Una na muna ako ah..."
Naglakad na siya palayo at nasa bandang quadrangle na siya nang may tumawag sa kanya. Lumingon siya at napagtantong si Carlos pala iyon. Sinundan pala siya nito.
"Are you okay?" Nagaalala na tanong nito.
She smiled but shook her head. So hindi niya alam kung okay ba talaga siya o hindi. Nakatayo sila sa gilid banda ng building kung saan nagaalay ito ng shade mula sa init ng hapon na araw.
"Oo. Okay naman. Nakakapagod lang yung mga sinasabi ng tao." Napasinghap siya. "Ayoko maging kontrabida. Ayoko maging third party." Tutal nandito naman na si Carlos ibubuhos na niya ang lahat dito.
Naupo siya sa bench at sumunod sa kanya si Carlos. Nakakunot ang kilay nito habang tinitingnan siya.
So she spoke yet again. "I mean, pano naman ako magiging third party? E diba ayaw naman sa akin ni Elmo! Kung gusto niya kay Tiffany edi go. Pero wag nila ako idadawit. Palibhasa ba gusto ni tita Irma sa akin? Sa telenovela lang yung nagcoconspire nung nanay nung bidang lalaki na ilayo ito sa bidang babae! At ayoko talaga maging kontrabida. Hindi ba pwede na bida na lang ako sa sarili ko kwento? Di ko naman sila inaano ah." Napahinga siya ng malalim. Gusto lang niya ilabas ang lahat ng iyon.
She looked up and saw Carlos smirking.
"Tinatawanan mo pa ako!" Himutok niya.
But Carlos only smiled yet again. It was just a small smile. Hindi nga kasi mahilig ngumiti ang lalaki. "Sa tingin ko hindi ka naman kontrabida." Simula pa nito. Dumeretso ito ng upo at sumandal sa likod ng bench at tumingin sa di kalayuan. Puro puno lang ang makikita sa paligid ng likod ng school. Wala din masyado tao dahil lahat ay nasa klase pa o sa cafeteria.
"Alam ko di ko naman pwede sabihin na wag ka magpaapekto dahil wala ako sa kinalalagyan mo. Pero naisip ko lang, kung ipapakita mo na matatag ka. Edi sila talo. Edi naisip nila, 'Hindi naman pala kontrabida si Julie, mas bagay siyang maging bida sa sarili niyang kwento.'"
At sa sinabi ng lalaki ay hindi napigilan ni Julie ang pagngiti. Carlos was really refreshing for her.
Humarap ito sa kanya at binigyan siya ng ngiti.
"Salamat ah. Bakit ba ang bait mo sa akin? Hindi pa nga tayo ganun na magkakilala eh."
Carlos shrugged in answer and moved a little closer to her. Medyo namumula ang muhka nito at nahihiyang ngumiti. "Kasi...mabait ka din naman sa akin. And, kahit sa tingin mo hindi...you're very like-able Julie."
They smiled at each other and Carlos reached out to tuck a strand of Julie's hair behind her ear.
Julie smiled back when in an instant, Carlos was on the ground.
"Carlos!"
Nag-angat ng tingin si Carlos mula sa pagkakahiga niya sa semento. Pinahid niya ang pumutok niyang bibig bago mabilis na tumayo.
"Gago ka ah!"
Napahawak sa bench si Julie sa nakikita.
"Elmo!" Sigaw niya. Hindi niya mapigilan ang dalawang lalaki. Mas malaki ang mga ito sa kanya eh.
What does one do when two guys are busting each other's faces in front of you?
"Tama na tama na yan ano ba!"
Tumigil lang ang dalawa nang iharang niya ang sarili sa pagitan ng mga ito.
Basang ang labi ni Carlos habang si Elmo naman ay may sugat sa bandang kilay.
Mabilis niyang hinarap si Elmo. "What the f**k Elmo?!"
"He was kissing you! Ganun ganun na lang ba yon?!" Nanlilisik ang mga mata ni Elmo kahit na tumutulo ang dugo sa gilid ng muhka niya.
Julie lookerd haplessly at him. "He wasn't kissing me! At ano ba pakielam mo ha?!"
"Hindi pwede! Akin ka!"
At kung hindi ba naman siya magulantang sa sinabi ng lalaki.
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=oo=o=o=o=o=o=
AN:Sorry na at bitin hahaha! Kapag masaya ako sa boto at sa comments...may update bukas huehuehueheue! Ano masasabi niyo? Magsapakan na lang tayong lahat o haha! Charot!
Comments and votes please! thanks for reading!