AN: Hindi ko alam kung ano irereact niyo dito pero nangyayari kasi talaga ang mga sitwasyon na ganun sa totoong buhay. Ang labo ba? Sige basahin niyo na lang yung chap haha!
Ang sarap. Napapikit pa lalo si Julie nang maramdaman niya na may humahaplos sa buhok niya. Hindi lang haplos. Maya maya ay nararamdaman niyang namamasahe na din ang kanyang ulo. Mahina siyang umungol at dahan dahan na napabukas ng mata.
Muntik na siyang tumilapon sa upuan nang makita na si Elmo pala iyon. He was gazing softly at her as he caressed her hair.
"What're you doing?" Tanong ni Julie dito. Saka lang niya napagtanto na nakatulog pala siya sa tabi ng kama ng lalaki.
Napatingin siya sa orasan at nakita na alas sais pa lamang ng umaga.
"Nothing. Just watching you sleep." Sabi naman ni Elmo.
Nahagod ni Julie ang sariling ulo at napahawak sa muhka. Bahagyang sumasakit ang katawan niya dahil buong gabi siya nakatulog sa ganung posisyon.
Wala si Maxene, marahil ay bumili ng pagkain.
"Are you okay?" tanong ni Elmo sa kanya.
Paano ba naman. Kanina pa siya unat ng unat para mawala ang mga crick sa kanyang sistema. She looked at him and he was expectantly looking back at her.
Kahit papaano ay magaan na ang loob niya na mabuti ang kalagayan ng lalaki.
Bago pa siya makasagot ay may kumatok sa pinto at mabilis din naman itong binuksan.
"Good morning!" sabi ng nurse na pumasok.
"Good morning po." Si Julie na ang unang bumati habang si Elmo ay ngumiti lamang.
"Check lang po tayo ng stats ni sir." Sabi naman nito at lumapit kay Elmo para icheck ang temperature ng lalaki pati na rin ang blood pressure at heartbeat nito. "Well everything seems to be okay. May kaunting sinat lang si sir. Irelay ko na lang po kay doc kasi magrrounds din siya mamaya dito." the nurse informed them.
"Ok mam. Salamat po." Sabi naman ni Julie.
Nagbigay pa ng kaunting paalala sa gamot at pwedeng kainin ni Elmo bago iwanan na sila sa loob ng kwarto.
"Nahihilo ka ba?" maingat na tanong ni Julie sa lalaki. Basta ang alam niya ay bahagyang tumama ang ulo nito and that can cause headaches and dizziness.
"My head feels a little numb."
Kaagad na umakyat ang pagaalala ni Julie sa muhka. "I'll call the nurse..."
"No wait Lahat, it's okay."
Natigilan si Julie at dahan dahan na napatingin kay Elmo. "Sino may sabi na ayun ulit ang itawag mo sa akin?"
Elmo gave her a determined look. "Ako lang."
"Wala kang karapatan."
"Wala nga." Mabilis na sangayon ni Elmo. "And that's my pain to deal with and my business. But I meant what I said."
Alam ni Julie na nasa ospital ngayon si Elmo at hindi niya ito pwede bugbugin lalo na at nandyan pa si Ate Maxene na pwedeng bumalik na. Pero kaunti na lang ay gusto niya ito sapakin.
"Wala nang Lahat Elmo. Binura mo yon the moment you took me for granted. Heck, I wasn't even asking for too much." she turned around to leave nang makarinig siya ng kalampag.
"Elmo!"
Nagulat siya nang iika ika na tumayo mula sa lapag ang lalaki. Inabot siya nito at mahigpit na yinakap.
"Elmo ano ba!"
"I won't give up." Bulong ng lalaki. He buried his head on her neck.
Sinubukan ni Julie na pumiglas pero kahit na may sakit ang lalaki ay may lakas pa rin ito para labanan siya.
Nagalala siyang mabinat pa ito kaya hindi na siya nanlaban pa. Pero hindi siya yumkap pabalik.
"Elmo, bumalik ka na sa kama." dahan dahan na sabi niya.
"Hindi ka na aalis?" his voice was muffled since his head was still nestled between her neck and shoulder.
"Hindi, baka mabinat ka pa. Kargo de konsensya ko pa."
Ngumisi si Elmo at sinimangutan ito ni Julie. "Wag mo ako nginingitian ng ganyan Elmo Magalona hindi yan gagana."
"I'm not trying to do anything." Sabi pa ng lalaki.
"Umupo ka na sa kama!"
"Opo." Parang tuta na bumalik sa pagkakahiga sa kama si Elmo at bahagyang napangiwi pa ito.
"Bakit? Anong nararamdaman mo? Anong masakit?"
"P-parang nahilo lang ako." Dahan dahan itong humiga muli sa kama.
"Ayan sabi ko sayo kasi! Ay nako Elmo!" Palatak ni Julie habang pumupunta sa fridge na nandoon sa kwarto ni Elmo. Bumunot siya ng isang ice pack at dahan dahan na pinatong ito sa ulo ni Elmo.
That seemed to bring some comfort to the guy since he closed his eyes and rested back on the bed.
"Mga 10 to 20 minutes daw ilagay ito sa may ulo mo. Nahihilo ka pa ba?" Tanong ni Julie Anne.
Kahit nakapikit ay umiling na sumagot si Elmo. "No, I'm good. Just...just don't leave."
Natahimik si Julie at pinanuod lang ang lalaki habang nakapikit pa rin ito. They were going to have this conversation one way or another.
"Bakit hindi si Tiffany ang i-contact mo para alagaan ka dito?"
Bumuka kaagad ang mata ni Elmo sa sinabi niya. He was staring at her and she stared back at him. Para silang nagcocontest kung sino ang unang magiiwas ng tingin. Hanggang sa si Elmo ang napapikit at nagsalita.
"She doesn't need to be here..."
Hindi makapaniwala na tiningnan ni Julie ang lalaki. Ginagago ba siya nito?
At muhkang nakita ni Elmo ang itsura niya dahil mabilis itong nagpaliwanag. "Tiffany is my friend. I won't deny that. And I enjoy being with her but I don't feel anything for her."
"So ano ginagago mo lang siya ganun?! Tangina Elmo she likes you!"
"I know that." Mabilis na sabi naman ni Elmo. "I already told her I don't like her that way."
Hindi pa rin makapaniwala si Julie sa naririnig. Napaupo siya sa monobloc na nasa tabi ni Elmo at napailing. "Tapos ganun na lang yon?"
"She told me she wouldn't give up. I kept her friendship. Because she really is a good friend to me." Sabi ng lalaki. He shut his eyes before talking yet again.
"I tried..." Elmo answered. He looked at her. "Gago ako...duwag...ano pa. I tried falling for someone else. Kasi masyado ako nasakal. Iniisip ko...nagpapadala lang ba ako sa tao kasi gusto nila na tayong dalawa? Mayabang ako. Ayokong madala lang sayo Julie. I didn't want to destroy that friendship we had. Pero nangyari na. Nasira ko na."
Napitlag si Julie nang makita na umiiyak ang lalaki.
"H-hoy!" Hindi siya sanay. Siya ang iyakin sa kanilang dalawa. "A-ano ka ba! M-may masakit ba sayo?"
"Lahat..."
"Ano?"
"H-ha? I mean...masakit lahat."
Nagpapanic na napatayo si Julie Anne pero dahan dahan na lamang na napaupo muli sa kama si Elmo. Nagulat siya nang hilain siya nito palapit at yakapin. He buried his head on her stomach and cried. "It was always you Lahat. Ata alam ko na marami kang luha na binuhos para sa akin. Hindi ko alam kung paano ko babawiin iyon pero I'll make it my goal to prove to you."
Muli ay hindi makaimik si Julie nang sakto naman ay bumukas muli ang pinto ng hospital bed.
"Oh uh..."
"Epekto ba yan Elmo nang akisdente? Bakit tila ka koala kung makalingkis sa best friend ko?"
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
Kasalukuyan na nakaupo sa loob ng kwarto ni Elmo si Maqui at Frank. Mamaya na gigisahin ni Julie ang best friend kung bakit nito kasama ang kuya ni Elmo.
Nakatulog nanaman si Elmo pero expected naman daw talaga iyon dahil sa tinamong injuries mula sa aksidente.
"O e bes bakit tila jowa ka dito? Anong ibig sabihin nito?"
"Ako yung tinawagan ng ospital kahapon." Julie explained. "Teka nga teka nga. Maliligo lang ako. 10 pa naman pasok natin diba?"
"Ha? Wag ka na pumasok!" Sabi pa ni Maqui.
"Jules, baka hanapin ka ni Elmo." Biglang sabi ni Frank sa isang gilid.
Sinilip ni Julie si Elmo na natutulog pa rin. Saka niya muli hinarap si Frank. "Di naman po siguro kuya."
"Trust me...hahanapin ka niyan." Pilit pa ng nakatatandang Magalona.
Julie shook her head. She didn't need this right now. "I-I need to clear my head kuya." Ginamit niya ang CR na nasa kwarto din na iyon at nagbihis para makaderetso na sa school. Tulog pa din si Elmo nang matapos siya.
"Maq, tara na. Kuya pasok muna kami." Paalam ni Julie kay Frank na mahinang ngumiti lamang,
"Bye Maq..."
"Ah eh--b-bye Frank."
"Mamaya ka na kiligin mal-late na tayo." Ani Julie at hinatak palayo si Maqui.
"Kapakshetan naman bes. Palibhasa may moment na kayo kanina ni Elmo aayawan mo ako sa moment ko?"
Mal-late naman talaga tayo e tara na." Julie pulled Maqui's hand and they headed downstairs to the parking lot.
Sa kabutihnag palad ay hindi pa naman alas diyez pero nakaabot na sila sa school.
"Bes..."
Mabilis na tawag pansin ni Maqui.
At nakita ni Julie na papalapit sa kanila si Carlos. Namamaga pa rin ang pisngi nito at putok pa din ang labi.
"H-hi." mahinang bati ni Julie.
Ngumiti si Carlos sa kanya at bahagya pa napangiwi. Apektado siguro ang labi sa pagngiti.
"Okay lang ba magkatabi tayo ngayon?" Tanong ni Carlos sa kanya.
Tumingin si Julie kay Maqui na napakibit balikat lang. Tutal hindi naman niya kaklase si Maqui sa unang subject nila na ito.
"Kita na lang tayo sa lunch bes. Sabay naman period natin eh." Sabi naman ni Maqui.
Sabay na naglakad si Julie at Carlos papunta sa klase nila. Naawkwardan pa si Julie dahil hindi naman niya alam ang sasabihin niya sa lalaki. Unang una ay nahihihya din siya dahil nasugatan pa ito ng dahil sa kanya.
Umupo na sila sa bandang likuran dahil nakaupo na din ang iba sa harap. Sakto ay nagsimula na maglecture ang kanilang guro.
"Julie..." Bulong ni Carlos kalagitnaan ng paglecture.
Napatigil sa pagsusulat si Julie at napalingon kay Carlos. "Hmm?"
"S-sorry kahapon." Sabi ni Carlos at napakamot pa sa likod ng ulo. He was leaning over so he could talk to Julie Anne closer.
Binaba na ni Julie ang gamit na ballpen at hinarap din ito. "Ako ang dapat magsorry. W-wala ka naman ginawang masama eh."
"Lumaban pa din ako. And I'm sorry. Kamusta na nga pala si Magalona?"
Hindi ata alam ng iba ang nangyari kay Elmo. And she'd rather keep it that way.
"Hinabol ka kasi niya kahapon. Humarurot nga yung sasakyan niya eh."
Tinago ni Julie ang pagsinghap. Kung hindi siya hinabol ni Elmo ay hindi ito madidisgrasya.
"H-hindi pa kami ulit nagkakausap." Pagsisinungaling niya. Alam niyang malalaman din ni Carlos pero sa ngayon ay ayaw niya muna sabihin.
"For what it's worth. I don't think you should give him a chance." Sabi ni Carlos.
Kumabog ang dibdib ni Julie hindi dahil sa sinabi nito kundi sa paraan ng pagtingin nito sa kanya. Namumula ang muhka nito at parang nahihiya pero deretso din naman nagsasalita. "You are not a possession and it just makes him that big of a d**k if he's staking his claim of you when he has no right. You deserve someone better."
"Ms San Jose, Mr Llamazares, may ish-share ba kayo diyan?"
Natigil ang paguusap nilang dalawa nang tumigil na pala sa paglelecture ang propesora nila. Matandang dalaga pa naman ito.
"W-wala po ma'am. Sorry po." Mabilis na sabi ni Julie.
"Ayiiiiii... sweet ni Julie saka ni Carlos!" Ani ng isa nilang kaklase.
Napailing na lang ang propesora nila. Pinatahimik nito ang mga nagiingay na estudyante bago bumalik sa paglelecture.
Sumilip si Julie kay Carlos na namumula pa rin. Sumulyap naman ito sa kanya at nahihiyang ngumiti tila ba kinikilig bago bumalik sa pakikinig.
"Ang cute ni Carlos o namumula." Sabi ng ibang kababaihan na kaklase nila.
Napasulyap si Julie sa mga ito at doon lang niya napagtanto na kaklase pala nila si Tiffany. Nakatignin ito sa kanya, blangko ang itsura nito bago ibinalik din ang tingin sa harap.
Natapos ang klase nila at sakto lang iyon para sa lunch bago sa huli nilang subject. 4th year na at kakaunti na lamang ang mga subject nila.
Inimis ni Julie ang kanyang mga gamit at kaagad naman na nakatayo na sa tabi niya si Carlos.
"Julie, pwede ulit sumabay sa lunch?"
Natigilan pa si Julie. Nakaramdam kasi siya nang pagkalinang sa lalaki lalo na at nakatingin ang iba pa nilang kaklase sa kanila. But she pushed her thoughts away and nodded her head.
"Sige tara."
"Yii bagay din si Julie saka si Carlos no?"
"Oo te. Muhkang maalaga naman ito si Carlos."
Binilisan na ni Julie ang paglalakad habang si Carlos ay nakasunod sa kanya.
Napatigil lang siya nang tumunog ang kanyang telepono. She stared at it and saw that it was Elmo calling her.
Hinarap niya si Carlos na naghihintay lamang sa kanya. She bit her lip, not knowing what to do.
"C-Carlos, una ka na sa cafeteria."
"Ah....sige." Sagot naman nito kahit na muhkang hindi sigurado. Nakatingin pa ito kay Julie na para bang hinihintay kung magdadalawang isip siya. Hanggang sa tuluyan na itong tumalikod sa kanya at dumeretso sa cafeteria.
Nasa may corridor si Julie at nagdadalawang isip na sagutin ang tawag. Pero bago pa ito matapos ay naslide na niya ang answer button.
"Hello?"
"Lahat? Babalik ka ba dito?" Tanong ni Elmo.
"Kailangan ba? Nandyan naman ate at kuya mo Elmo. Hindi mo ako yaya."
"You're the one I need."
Hindi kaagad nakasagot si Julie. Pinapaalala niya sa sarili na hindi siya pwede magpadala. Marahil ay tama nga si Carlos She deserves better than Elmo.
"No Elmo. Magpagaling ka na lang."
At bago pa makasagot ang lalaki ay binaba na niya ang tawag.
Muntik na siyampasigaw nang makita na nandoon sa likod niya si Tiffany. Nagaalala ang muhka nitong nakatingin sa kanya.
"Julie sana si Elmo? He isn't replying to my texts." Sabi nito. She really sounded helpless and Julie could see tears starting to form in Tiffany's eyes. "Please Julie, I just need to know if he's alright."
Napabuntong hininga si Julie. Might as well. "Nasa ospital siya. Naaksidente siya kahapon."
"What?!" Halos mapasigaw na si Tiffany. "Saang ospital? I-I need to see him."
Parang nagdadalwang isip si Julie. Should she really be doing this? Magsisinungaling kasi siya kung sasabihin niya na gusto niya sabihin kay Tiffany kung saan ang ospital. Kahit na hindi siya sigurado kay Elmo. And somehow, that seemed like the answer. Ito si Tiffany handang ialay ang lahat para kay Elmo at ito siyang binabaan ng tawag ang lalaki gayong kailangan siya nito.
Baka sign na talaga ito na kahit tinutulak sila ng mundo sa isa't isa, ay tadhana naman ang umaayaw.
"You got it easy Julie Anne." Sabi ni Tiffany nang hindi pa rin siya nagsasalita. "You're beautiful, smart and you almost have everything. Ako...kahit alam ko na hindi naman ganun ang tingin sa akin ni Elmo, pipilitin ko pa din. Kasi umaasa ako na magugustuhan pa din niya ako. Kaya ako nagmakasarili. Kasi umaasa ako na matututnan din naman niya ako mahalin. Kasi ang love diba natututnan naman yon?" Napaluha na ito. "Hangga't sa kaya ko pa...ipaglalaban ko si Elmo. Kung wala naman Julie...kung ayaw mo naman, ipaubaya mo na lang siya sa akin. Pangako aalagaan ko siya..."
=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=o=
AN: Opo...lam ko po bitin haha! Ganern talaga. So masaya ulit ako sa votes and comments dahil diyan nagpapasalamat ako sa inyong lahat :) O, tapos na yung kwento..kay Elmo na si Tiffany, si Julie kay Carlos na...CHAROT! Hahaha but we'll see what happens. Kayo ba? Hahaha! Magpaubayaan na sila? hahaha!
Comments and votes please! Thank you!