Chapter 19

2545 Words
AN: Marami po typo kasi nagkatol ako para bumilis ang pagtype hahaha! Kaunti na lang ihahagis ni Julie ang telepono niya. Mula sa eskwelahan kasi ay umuwi na siya kaagad sa kanila. Ngayon na sinusubukan niya magpahinga ay hindi niya magawa dahil walang tigil na tinatawagan siya ni Elmo. Hindi ba nito alam na bawal nga ito gumamit ng gadget dahil baka mahilo muli ito?! Pinatay na niya ang kanyang telepono at hinagis iyon sa loob ng kanyang desk. "Argh!" Naiinis na sabi niya. Hindi din naman siya mapakali dahil naalala niya ang sinasabi sa kanya ni Tiffany kanina. Napasinghap siya sa iniisip. Dahil gulong gulo na siya. Una ay...may karapatan ba siya ipaubaya si Elmo gayong hindi naman sa kanya ang lalaki? "Julie Anne?" Napaupo siya sa kama nang may kumatok sa pinto ng kwarto niya. "Po?" "Anak, tumatawag sa akin si Elmo..." Napahilamos sa muhka si Julie. Pati ba si cellphone ni manang ay tinawagan ng mokong na yon?! "Wag niyo po sagutin manang." Sabi naman niya. Hindi pa rin binubuksan ni manang ang pinto pero patuloy na sinasagot si Julie Anne. "Kausapin mo na anak, kawawa naman eh." Bakit? Naawa ba sa kanya si Elmo nung siya yung umiiyak gabi gabi tapos ito mahimbing na natutulog? "Hayaan mo siya manang." sagot na lang niya. At nang hindi na sumagot si manang ay nahiga na siya muli sa kama. Napapikit siya. Ayan ayan nag-guilty nanaman siya eh. Pigilan mo sarili mo Julie Anne. Gusto na niya tumayo mula sa kama at puntahan si Elmo sa ospital pero mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili. Nagbasa na lamang siya ng libro at kahit papaano ay nawala siya saglit sa mundo ng binabasa niya. Mabibitawan na sana niya ang libro dahil dinadala na siya ng antok nang may kumatok nanaman sa pinto. Napapitlag siya at napatayo sa kama. Bubuksan na sana niya ang pinto nang mag-isa itong bumukas at ibinungad nito si Maqui. "Hi bes!" Malaki ang ngiti na bati nito bago maglakad papasok at naupo sa kama ni Julie. Nalilitong tiningnan ni Julie ang kaibigan bago isara ang pinto ng kanyang kwarto. "Ginagawa mo dito?" "Awww namiss din kita bes halika nga dito pakiss." "Tseh." Pero umupo naman si Julie para magkatapat sila ni Maqui sa taas ng kama. "Seryoso, gabi na ah? Saan ka ba nanggaling?" "E pano lutang ka kanina kaya ako na yung bumisita kay Elmo. Te! Sorry ah, ang sama ko pero natatawa ako kasi naluluha luha ang loko. Nagpipigil lang hindi umiyak." At hindi na napigilan ni Maqui ang matawa nang tuluyan. Nalilito naman na tiningnan ni Julie ang kaibigan. "What're you talking about?" "Kanina te! Dahil nga wala ka sa mood eh dumeretso ulit ako sa ospital para bumisita sa koya mong naaksidente. E pucha pagdating ko doon ikaw din naman ang hinahanap. Sayang. Sana pala hindi na lang ako pumunta eh." Tawa pa ulit ni Maqui. Kung si Maqui ay patuloy pa rin sa pagtawa...si Julie naman ay napapaisip. At nahalata naman kaagad ito ng pinakamatalik niyang kaibigan. Kaya naman muli ay nagsalita na si Maqui. "Naisip ko lang bes...kahit papaano, best friend kayo ni mokong. Pwede naman ibalik pa iyon diba? Kung hindi mo siya mapagbibigyan sa nararamdaman niya--" "May nararamdaman ba talaga siya?" Pagputol ni Julie sa sinasabi ni Maqui. Napaismid siya at tiningnan muli ang kaibigan. "Temporary insanity lang yun kasi nabagok yung ulo. Dala lang yun ng mild concussion. Kapag bumuti na lagay niyan iiwan nanaman ako niyan sa ere." "Alat ate ah." "E totoo naman." Pilit pa ni Julie. "Sana gumaling na para naman matauhan na." Maikling sabi niya. At dahil si Maqui na itong kaharap niya, binahagi niya ang nangyari kanina lang sa eskwela.  "Huwat? Aba naman at saan nakuha ni Tiffany ang kakapalan ng muhka niya? Kamo pahingi kasi kailangan ko ng bagong cover sa mga libro ko. Isa siyang hardbound!" Julie shook her head. "Masisisi ba natin si Tiffany?" Maqui softlt looked at her friend. "Te, alam kong gago si Elmo, and I'm not siding with him or anything pero si Tiffany din naman kasi ang parang linta. Kung mapapansin mo lang, minsan nakikisakay lang din si Elmo sa kanya. At alam ko na it's a gago mover pero naiisip ko kasi na naawa lang din siya doon kaya ganun." "It still makes him gago." Julie huffed and turned away. Sa sarili lang niya, hindi niya alam kung pagbibigyan niya si Elmo, kung mageeffort nga ito. Pero sabi nga nila, para hindi mas masakit edi wag mag expect. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= Pagkagising ni Julie kinabukasan ay kinuha niya kaagad ang kanyang telepono. Pagkabukas na pagkabukas ay bumungad sa kanya ang mga mensahe ni Elmo. Napasimnagot siya pero nakaramdam din ng kaunting t***k ang kanyang puso. Wag Julie. Patayin mo na yang mga nararamdaman mo. Hindi ka pa ba natuto? Binura niya kaagad ang mga mensahe ni Elmo kahit na hindi pa nababasa at gumayak para pumasok na sa eskwelahan. Gumayak na siya papunta sa SAU at mabilis lamang na nakarating sa vicinity. Pinapark pa lang niya ang kotse niya nang makita niyang pababa ng jeep sa tapat ng eskwelahan si Carlos. Humihikab hikab pa ito at parang pagod ang katawan na pumasok sa loob ng gates. Lumabas siya ng kotse at sinigurado na nakasara ang lahat bago naglakad na din papasok. Hindi niya alam sa sarili kung iniiwasan ba niya si Carlos o ano pero pinapaalala niya sa sarili na wala naman dahilan para iwasan niya ang lalaki. Umakyat na siya kung saan ang unang klase niya para sa araw na iyon at umupo sa harap. "Julie kain!" Aya ni Ali. Kumakain ito at ang iba pa nilang kaklase ng mga tart. "Galing ng Bicol yung papa ni Ali." Pagpapaliwanag naman ni Eric, isa pa nilang kaklase. Kaya may dalang pasalubong. Kakapasak pa lang ng tart ni Julie sa bunganga niya nang bigla na lang nagtanong si Ali. "Anmeron sa inyo ni Carlos?" Nanlaki ang mata niya at muntik na niyang hindi malunok ang tart sa tanong na iyon ni Ali. "Beep beep naman dyan Ali!" Natatawa na sabi ni Eric. Marahil ay napansin nito ang paglaki ng mata ni Julie Anne. Natawa na din si Ali pero kaagad naman nagsalita din. "Wala lang parang lately kasi magkasama kayo lagi." Napaisip si Julie na oo nga at magkasama sila lagi ngayon ni Carlos. "Aww paano na si Elmo?" Si Eric muli. "May feelings ka pala na ganyan? Lalaki ka ba?" Pangaasar ni Ali. "Porke ba lalaki bawal kiligin?" Sabi ni Eric at tumingin sa kanilang lahat haang bumubunot ng tart sa supot. "Wala lang. Kasi siyempre magkakakilala na tayo ng ilang taon diba. Tapos...basta bakit ba puta kinikilig ako sa kanila eh." "May Tiffany na siya." Wala sa sarili na nasabi ni Julie at nagbukas nanaman ng tart. "Yii tapos selos ka?" Sabi pa ni Ali. Umismid na lang si Julie dahilan para magtawanan ang mga kaibigan niya. "Alam mo Jules, may mga taong pinapatawad at pinagbibigyan, ikaw na lang magdesisyon kung nararapat ba si Elmo sa ganun." Tiningnan ni Julie ang mga kaibigan. She sighed and shook her head. Wala siyang klase kasama si Carlos nang araw na iyon kaya kahit papaano ay napanatag ang loob niya. Di niya kasi sukat maisip kung bakit ganun na lamang ang reaksyon ng mga kaklase niya sa kanila. "Absent ba si Tiffany?" "Oo wala siya kanina sa first period e." Natigilan si Julie sa narinig na bulung bulungan nang mga kablock. Hindi na lang niya inisip pa kung saan si Tiffany pero malakas ang kutob niya kung nasaan ang babae. Inubos na lamang niya ang kanyang pagkain kahit na nawalan na siya ng gana. Papatayo na sana siya sa lamesa sa cafeteria nang may naglapag na isang fudgee bar sa lamesa na iyon. Natigilan siya at nagangat ng tingin at nakitang mahinang nakangiti sa kanya si Carlos habang nakapamulsa. "Hindi ka pa nagdedessert." Sabi nito sa kanya. Hindi kaagad siya nakasalita. Nagmumuhka siyang tanga na nakatitig lang sa lalaki kaya mabilis siyang napailing at ngumiti na lang. "Ah. Thanks. Hindi ka pa nga pala nakakatikim ng cupcakes na bake ko." Tawa naman ni Julie Anne. Namula lang ang tainga ni Carlos at nahihiyang napatungo. "A-ah sige. Kung hindi nakakaabala sayo." "Huhu ang ganda ni Julie Anne. Dati si Elmo ngayon si Carlos." "Gwapo pareho huhu." Hindi na lamang pinansin ni Julie ang mga sinasabi ng mga kaklase. Carlos was her friend. Yun na yun. "Kumain ka na ba ng lunch? Ako tapos na eh." Sabi naman ni Julie habang tinatago ang bigay na fudgee bar sa kanya ni Carlos. "Ah oo tapos na ako. May last subject tapos uuwi na." Bigla naalala ni Julie ang eksena kaninang umaga. Commute lang lagi si Carlos pauwi sa village nila. "Gusto mo sumabay sa akin pauwi?" Tanong niya dito. Gulat na tiningnan siya ni Carlos. At bago pa makasagot ito ay nagsalita siyang muli. "Lagi ka kasi nagcocommute. Sayang, mag-isa lang naman ako nagddrive tapos pareho naman tayo ng village." Hindi kaagad makasagot si Carlos. Nagiisip pa ito kaya naman mahinang ngumiti si Julie. "Sayang naman kasi yung pamasahe mo." "N-nakakahiya naman. Okay lang." Namumula pa rin na sabi ni Carlos. Hindi napigilan ni Julie at natawa na lamang. "Lagi ka namumula." "Ang ganda mo kasi..." "Ha?" "Ah. Wala wala. Next time na lang. Pero salamat." Ngumiti si Carlos bago naglakad palayo. Nagtatakang sinundan na lang ng tingin ni Julie ang lalaki at napabuntong hininga. Saka naman tumunog ang telepono niya. Gulat na lang niya nang makita si Elmo ang tumatawag. Ano nanaman ba gusto nito. Hindi ba at kasama naman nito ngayon si Tiffany? Ang tagal niyang tinitingnan ang picture nitong nakabungad sa telepono niya. Hindi pa rin pala niya napapalitan ang larawan nilang dalawa. At wala sa sarili na sinagot niya ang tawag. "Hello?" "Lahat..." Bawat beses na tinatawag siyang ganun ni Elmo ay tumatalon ang t***k ng puso niya. "W-what?" Walang sumagot sa kabila at literal na narinig niya ang ngiti ni Elmo. "Ang rami ko sana sasabihin kaso hindi ko inexpect na sasagutin mo yung tawag." "Yun lang ba? Kasi ibababa ko na ito." "I'm getting discharged later." Mabilis na sabi ni Elmo dahil baka nga ibaba ni Julie Anne ang tawag. Natahimik lang silang dalawa pero nagsalita na din si Julie Anne. "Good. Magpagaling ka." "I-I will." Binaba na ni Julie ang tawag. Napalinga linga siya sa paligid. Naninigurado lang na walang nakatingin. Dahil naluluha nanaman siya. Bakit ganun, isang tawag lang ni Elmo...ang marinig lang boses nito...apektadong apektado na siya. Ang daya talaga. Pakiramdam niya kasi talo naman siya. Dumeretso na siya sa susunod ba klase niya kahit lutang naman siya. Mabuti na lang talaga at iyon ang huling klase niya sa araw na iyon. Dahil gusto na niya umuwi at magpahinga pagkatapos. Katabi niya si Ali sa klase at hindi nito natiis na kalabitin siya. "Hmm?" Tanong niya matapos siya nitong kalabitin. "Okay ka lang ba? Bakit parang tulala ka?" Nasabi na niya ito kay Maqui pero parang gusto rin niya ng isa pang opinyon. Ikinuwento niya ang sinabi sa kanya ni Tiffany nung isang araw. Matapos ang lahat ay napailing si Ali. "You know, kung dineretso naman pala ni Elmo si Tiffany e bakit hindi na lang din lumayo si gurl diba? Sa nakikita ko kasi...naguilty ito si Elmo. I mean, mali na linelead on niya si Tiffany pero he set her straight naman pala. May pagkadesperada lang talaga ang babae na iyon eh." "Are you siding with Elmo?" Tanong pa ni Julie Anne. Ali only shrugged her shoulders. "Pakiramdam ko kasi nauna ang katangahan ni Elmo. He thought he was doing the right thing and now it came biting him back on the butt. So...if he makes up for it, then I think you can forgive him. Pero siyempre nasayo yan. Hindi ko naman alam kung ano naramdaman mo eh. Pucha ka kasi ang ganda mo eh. Buset." Natatawa na lang na sabi ni Ali. Pati si Julie ay natawa. "Grabe ah. Hindi naman..." "Girl bastos ah. Hindi ka maganda? Pakshet ka." Muli ay natawa nanaman si Julie. At least she had these kind of friends. Sa wakas ay natapos ang klase nila. Derederetso siya sa parking lot pero natigilan nang may makitang pigura na nakasandal sa kotse niya. Nung una ay akala niya nananaginip lang siya pero hindi. Dahil nakailang kamot na siya sa mata niya e nandoon pa rin ito at nakatayo. Mahina itong napangiti nang makita siya. At siya naman ay parang tuod na hindi makalakad. Ilang hakabang lang ay maaabot na siya nito. "Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay Elmo. Diba kagagaling lang nito sa ospital?! May benda pa nga ang ulo. At nang maglakad ito palapit sa kanya, ay mabagal pa. "I wanted to see you." Sabi ni Elmo. They stared at each other and she had to look up at him since he was so tall. "Gago ka ba? Kagagaling mo lang sa sakit! Umuwi ka na!" "Matagal na akong gago." Sabi ni Elmo. He said the words slowly and sadly looked at her. "And I want you to know that I'm not going to give up. I want to show you how true I am." "Yeah right." Sabi ni Julie. Iniwasan niya ito at dumeretso sa kotse niya nang makita na nakasunod ito. "Ano?!" Asik niya. Siya nanlilisik na ang mata pero si Elmo nakangiti pa rin sa kanya. "Pwede pasabay? Tinakasan ko lang sila mommy kaya nagcommute lang ako papunta dito." Oo nga pala. Sira na ang kotse nito. "Edi magcommute ka din pauwi! Di ko naman sinabi na puntahan mo ako!" Asik pa ni Julie. Pumasok na siya at sinara ang pinto. Tiningnan niya si Elmo na malungkot lang na nakatingin sa kanya mula sa labas. At nakita niyang dahan dahan itong naglakad palayo papunta sa sakayan ng jeep. Naika ika pa ito dahil natamaan din ang tagiliran nito nang maaksidente. "Argh!" Inis na sabi ni Julie Anne. Pinaandar niya ang kotse at hininto ito sa tabi ni Elmo na pumapara sana ng jeep. "Pasok." Sabi niya nang maibaba ang bintana. Halatang nagulat si Elmo at muhkang nagdadalawang isip pa pero sumakay na din. Nang maisara ang pinto ay pinaandar na ni Julie ang kotse. Binagalan lang niya dahil nakita niyang napapahawak pa sa handle si Elmo. Parang bang natakot ito sa pagsakay sa kotse. Hindi natiis ni Julie at siya ang unang nagsalita. "Akala ko ba you'll make it up to me e bakit ang bilis mong gumive up?" Elmo looked at her but she didn't look back. Dahil unang una ay nagd-drive siya, pangalawa, ayaw niya makita kung paano siya nito tingnan. "I didn't want to force you. I've learned to follow you on your terms." Hindi sumagot si Julie. Pinatuloy lang niya ang pagdrive. On her terms pala ah. Pwes. Maghanda ito. =•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•= AN: alam ko bitin ahhaha wag niyo na sabihin haha! Pray for Elmo tayo sa gagawin ni Julie charot haha! Sorry natagal ng update! Kinaribok ako ng mga pasyente namin hahaha! Pahingi naman ng comments at votes para ganahan akiz! Haha! Salamat! Sinasabi ko sa inyo nakakainspire magsulat kung marami kang napapasaya :) salamat!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD