Chapter 20

2708 Words
"Umayos ka Elmo ah!" "Hoy ano! Nagpapatayan na ba kayong dalawa dyan?!" Nasa bahay nila Tippy ang buong barkada. Sila kasi ang gumagawa ng props para sa proposal ni Richard kay Angel. At hindi naman pwede na sa bahay sila nila Julie dahil delikado at baka mahalata pa ni Angel ang ginagawa nila. Ang mga lalaki ay gumagawa ng isang malaking paper mache heart at ang mga babae naman ay gumagawa ng paper hearts and roses. Medyo cliche but it comes from the heart ika nga nila. At si Elmo at Julie, nasa may lanai at nagp-practice ng kanta. Well...they were trying to practice the kanta. "Elmo bibigwasan na kita ayusin mo!" "Inaayos ko naman ah." Parang natatakot na sabi ni Elmo kay Julie. Akmang haharangan pa niya ang sarili mula sa mabigat na kamay ni Julie Anne. "Anong inaayos e mali mali pasok mo!" Ilang araw din ang lumipas mula nang madischarge na si Elmo mula sa ospital at pa-easy easy muna ito. "S-sorry." Kinakabahan na sabi ni Elmo. Dahilan at natawa ang mga kalalakihan. "Lagot ka Elmoooo." Tawa pa ng mga lalaki ng kanilang barkada. Napakamot sa likod ng ulo si Elmo habang sinsimangutan ito ni Julie. "Magbreak nga muna tayo!" Inis na sabi ni Julie at pinatulan pa ni Maqui. "Tangina kailan naging kayo?! Naaksidente ka lang Elmo naging jowa mo na bestie ko?!" "Shut up Maq! Break from practice!" Inis na sabi ni Julie. Nagtawanan ang lahat at derederetsong pumasok sa loob ng bahay nila Tippy si Julie Anne. Sumunod ang may-ari na nagpipigil din ng tawa. "Pagtitimpla kita ng juice Julie Anne nang lumamig naman yang ulo mo." Sabi pa nito nang nakatayo na silang dalawa sa gitna ng kusina ng mga Dos Santos. "Argh." Hindi natiis na sabi ni Julie Anne. She calmed herself down and was finally able to look softly at Tippy. "Sorry Tips ah. Imbyerna kasi ako kay Elmo. Puro mali!" Tippy giggled and shook her head. "E pano takot na takot sayo!" "Bakit? Muhka ba ako multo?" Asik muli ni Julie Anne bago uminom mula sa baso ng juice na biningay ng kaibigan. "You're so sungit kasi." Hindi pa rin napipigilan na tawa ni Tippy. "Pakiramdam ko puro pawis na yung ratan chair namin sa sobrang kaba sayo ni Elmo." "Bakit ba siya kakabahan. Di ko naman siya kakainin." Sabi ni Julie at muli ay uminom sa binigay na juice ni Tippy. And then the latter looked at her thoughtfully. "So wala na chance sayo si Elmo?" Julie smirked and continued drinking from her glass. "Sorry Tips. Pero kasi hindi naman ako naniniwala dyan. Kinabahan lang yan kasi akala niya kung ano mangyayari sa kanya. Epekto lang ng concussion yong pinagsasabi niya." "Malay mo." Tawa na lang din ni Tippy. Julie could feel that her friend was just trying to make the situation lighter. Kaya nagbahagi na din siya ng nararamdaman. Para naman hindi siya mabaliw kasi minsan sinasarili lang niya ang mga iniisip to the point na kinakausap niya ang sarili para lang kumbinsehin din ang sarili. "Minsan napapaisip ako...sayang kasi yung friendship namin. Tipong iniwasan talaga namin na hinid masira yun dahil sa nararamdaman namin. E ang nagyari nasira naman talaga. I was coming to terms with things already. Tipong tanggap ko na na hindi na mababalik yung dati. Tapos ngayon sasabihin niya gusto niya ako? Hindi ba kapakshetan yun?" Tippy looked at her sadly and patted her back. Naluluha siya pero hindi naman nahuhulog. Pinahid lang niya ang nagbabadyang magpakita bago ngitian si Tippy. "Kaya siguro bad trip ako sa kanya ngayon. Pero don't worry. Chill na ako. Gagawin ko ito para kay Ate Angel because I want her to be happy." "And she will....you will too." Ngiti ni Tippy. And Julie had to smile at that. Dahil totoo naman. Magiging masaya din naman siya. Lalaki lang naman yan si Elmo. Sino ba ito diba? They went back to where everyone was. Nakita ni Julie na kausap din ni Sam si Elmo. Ngumiti ito sa kanila bago bumalik sa ginagawa. Umupo na si Julie sa ratan na inuupuan niya kanina at hinarap si Elmo na napalunok nang gawin niya iyon. "Game na Elmo please sana mapolish na natin ito." Seryoso niyang sabi. "Wait lang." sabi nito atsaka biglang tumayo para lumabas sa hardin nila Tippy. Nagtatakang tiningnan ni Julie ang lalaki at nakitang parang nagmemeditate ito o ano. Kunot ang noo niya nang umupo muli ito sa tabi niya. "Anong ginawa mo?" "Nagdasal." Sinimangutan ulit ni Julie ang lalaki bago hilain ito papunta sa piano. "Umayos ka kundi ihahampas ko yung piano sayo." "Kayla Tippy yang piano na yan eh." Ungot pa ni Elmo pero sinimangutan lang ito ni Julie Anne. Inayos ni Julie ang sarili. Pasalamat si Elmo na kahit papaano ay kinakausap niya ito. Ayun nga lang kinakausap niya para awayin. Nagsimula siya tumipa sa mga teklada. Mauunang kumanta si Elmo kaya hinayaan niya ito. At in fairness naman ay tama ang pasok nito ngayon. Tiningnan niya ang lalaki. Naalala niya ang mga panahon noon na sila lagi ang magkasama. Ang mga panahon na hanap hanap nila lagi ang isa't isa. Ang mga panahon na hindi pwede sabihin ang Julie nang hindi kasunod ang Elmo. Wala na yon. "Lahat?" She snapped back to reality when Elmo called her attention. Saka niya napansin na basa na pala ang muhka niya. "Lahat--" She cut Elmo off and stood up from the piano. "Ah...wait lang sorry." Naglakad siya palayo at lumabas sa backyard nila Tippy. She stopped herself from sobbing and threw her head back to stop the tears from falling. "Lahat..." Alam niya na nasa likod niya si Elmo pero hindi pa rin niya ito hinaharap. "Sorry Elmo. Wait lang. Balik ka na doon. Susunod ako." "No Lahat." "Elmo please..." Tumungo si Julie pero maya maya lang ay nakatayo na sa harap niya ang lalaki. Hinaplos nito ang muhka niya at pinatingin siya deretso sa mga mata. Sa ginawa nito ay lalo lamang siyang naluha. "Sshh. Don't cry Lahat." Elmo soothed her and caressed her cheeks with his thumbs. "Pakshet ka kasi eh." Iyak ni Julie at nagpahid ng luha. "I know you get tired of me saying sorry." Elmo said. "I don't think you could ever forgive me but I'm willing to try. Ipapakita ko sa'yo na ako pa rin si Elmo, yung batang lalaking binubully mo nung bata pa tayo. Yung batang lalaking tinutulungan mo noon sa homework. Yung batang lalaking pinapatahan mo umiiyak. At ako yung lalaking gagawin ang lahat para patawarin mo siya para maging kaibigan mo ulit. Para mabalik ang dati." "If ever Elmo...it won't be that easy." Sabi pa ni Julie Anne. "You hurt me...and as long as you don't get things straight with yourself then we'll just have to get used to just knowing each other." Mabilis na naglakad palayo si Julie Anne at nakita pa ni Elmo na daliang nagsibalik sa ginagawa ang mga kaibigan nila na para bang hindi nito sinisilip ang usapan nila. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= Maaga nagising si Julie nang umaga na iyon. Ngayon na ang araw na magp-propose ang Kuya Richard niya sa Ate Angel niya. Kaagad siyang nagpainit ng tubig pampaligo. Sabado ng araw na iyon at kunwari ay may family activity sa SAU pero wala naman talaga. "Hi bunso." bati sa kanya ng ate niya habang naglalabas siya ng gamit na pangbake. "Magb-bake ka pa talaga?" Tanong sa kanya ni Angel. "Wala ba pagkain sa school niyo?" Nginitian lang ni Angel ang kapatid. Ang totoo ay nagb-bake siya para sa celebratory engagement nito t ni Richard. Sana lang ay "Yes" ang isagot ni Angel dahil kundi masasayang ang pagkain mamaya. "Oo ate gusto kasi ng mga kaklase ko ito." Angel shrugged. "Sabagay. Ang sarap nga ng mga binebake mo lagi." Humihikab itong lumabas sa kanilang patio, para siguro magyoga. Dinalian ni Julie ang ginagawa para naman makapaghanda din siya. Hinahalo na niya ang mga kasangkapan para sa cake nang may pumasok sa loob ng bahay nila. Gulat na lang niya nang makita si Elmo na sinasara ang pinto sa likod nito. "What're you doing here?" She asked. Muhkang bagong gising ang lalaki dahil naka sando at shorts lang ito. "Sabi ni manang you need help." Tila nalilito din na sabi nito. "Tinext pa niya ako." Julie sighed to herself. Everyone was playing matchmaker these days. "So dumeretso ka dito nang hindi pa nakakasuklay? Muhka ka nang Kpop o." Asar niya dito. Elmo ran a hand through his hair. "Ang pangit ba?" Hindi sumagot si Julie. Tumalikod lang siya sa lalaki. Hindi. Hindi ito pangit. Ang gwapo nga ng hayop e. Pero syempre hindi niya sasabihin yon. "Tutal nandito ka naman na." Pahalo ako nito. Sabi niya sabay bigay ng bowl sa lalaki. "Gamitin mo yang pinagmamalaki mo na muscles dyan." Wala sa sarili na sabi niya. It was too late for her to realize what she just said. Bakit ba kasi ang ganda ng katawan ng gago?! Nagsando pa! Bwisit!  Napasulyap siya dito at nakitang tahimik nitong hinahalo ang pagkain habang nakangiti. "Bakit ka nakangiti?" Pagtataray niya Kaagad na umiling si Elmo. "Wala lang." "Baliw." Sabi na lamang ni Julie at linabas ang iba pang gamit niya. Ang chiffon topping ang gagawin sana niya pero hindi siya maka-concentrate lalo na at nasa tabi lang niya si Elmo. Sa mga nakaraang araw ay hindi nga sila makapagusap ng lalaki e. Tapos ngayon ito sila at magkasama na nagb-bake ng cake! Si manang kasi e! Ang alam niya panggames lang ang cellphone nito e! Sakto ay napasilip siya sa likod bahay at nakitang nakasulyap sa kanila si manang. Nang mapansin na nakatingin siya ay biglang iwas ito ng tingin. "Lahat tikman mo nga ito." Sabay silang napatigil ni Elmo nang bitawan niya ang mga salita na iyon. Nakatingin din sa kanya si Elmo at unti-unting ngumingiti. "Y-you called me Lahat again." "Nadulas lang." Mabilis na sabi ni Julie Anne. Binitawan niya ang kutsara at nalilito na umiling. "Babalik ako. Ilagay mo muna sa ref yan. Maliligo na ako. Maligo ka na din ang baho mo na." At mabilis na siyang pumasok sa sariling kwarto. Napasandal siya sa sariling pinto at huminga ng malalim. Delikado itong nalalapit ulit siya kay Elmo. She needed to stay away. Pagkatapos nitong proposal ng kuya niya lalayuan na talaga niya si Elmo. Itataga niya yan sa bato. =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= "Kinakabahan ako." "Kaya mo yan kuya." Sabi ni Julie habang inaayos ang suot na coat ni Richard. Lahat sila ay nasa may quadrangle ng SAU. May mga estudyanteng may Saturday classes din ang nandoon. "Kinakabahan ka pare?" Tanong ni Mark, isa sa close friends din ni Richard at Angel. "Pinagpapawisan nga ako eh." Richard chuckled nervously. Pinunansan naman ni Julie ang pawis ng lalaki at nginitian ito. "Mainit kasi tapos nakacoat ka." Tawa pa ni Julie Anne. Siya kasi ay naka pulang dress at nakatali ang buhok kaya hindi ganun kainit. "Jules we're all ready!" Anunsyo ni Tippy. Sila ang gagamitin na props ni Richard. Si James ang hahawak ng W, si Nadine sa I, si Sam sa isang L, si Tippy sa isa pang L. Si Maqui sa Y, si Frank sa O at U, si Bea sa M, si Jhake sa A, si Joyce sa isang R, si Kris sa isa pang R at Y. Si Julie naman ang sa M at si Elmo sa E. Magkikita silang dalawa habang kinakanta ang theme song nila Richard at Angel. "Lahat..." Elmo called her. Hinarap niya ito at natigilan. Nakasuot ito ng short sleeved na button up na pinatungan ng vest. "K-kinakabahan ako kumanta." Anunsyo nito. Julie shook herself awake from staring at her ex best friend. "Wag ka kakabahan kaya mo yan." Sabi ni Julie. And out of habit she started fixing his collar so that it wouldn't show too much from the vest. Elmo smiled at her. "Ok. Kaya ko na." "Ayan na si Angel!" Anunsyo ni Mark matapos ay pinapasok ang telepono sa loob ng bulsa. "Dadalhin na daw siya ni Jen!" They all got into places. Sa malayo pa lang ay naglalakad na si Angel kasama si Jennylyn. Natigilan ito ang mapansin ang nangyayari. Saka tumugtog ang background nusic at nagsimula kumanta si Elmo. Look at us, ain't it funny Is it just beginner's luck, maybe...  Naglakad palapit si Elmo kay Julie at hinawakan ang kamay nito bago magsimula kumanta ang babae Ooh with just one touch Two different people From such different worlds apart Has touched each other's heart Like candle's in the dark Si Richard ay lumapit na rin kay Angel na sa ngayon ay kanina pa lumuluha. So if it's time for us we gotta take it Take the chance, the chance to make it Nginitian ni Richard si Angel at nagsalita. "We've been friends for a long time sweetie. And for the longest time I wanted to make sure I grow old with you." Now Let the love begin Let the light come shining in Who knows where the road will lead us now Look at what we've found Make this moment turn our hearts around Tuloy pa rin sa pagkanta si Julie at Elmo kahit na pati si Julie ay naluluha habang pinapanuod ang kapatid niya na pinoproposan ng katipan. It may never come again let it in Let the love begin "Angel...sweetie. Gawin na nating Angelica Gutierrez ang pangalan mo please." They all waited with bated breaths. "YES!!!" Nagpalakpakan silang lahat at hindi napigilan ni Julie ang maluha. She was so happy for her sister! She wiped a stray tear from her eye when she felt someone wiping it for her. She looked at Elmo who was seriously looking back at her. He wrapped one arm around her before they both silently looked on at Angel giving Richard a kiss.  =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°= Lahat sila ay umuwi sa bahay ng mga San Jose pagkatapos. Nandoon din ang magulang at mga kapatid ni Richard pati na ang mga kaibigan nilang lahat. "Congrats to Angel and Richard!!" Maligayang sabi ni Jennylyn na nakangiti sa kanila. Nagkakainan silang lahat sa bahay. Ang mga kabataan ay sa may patio nakaupo at nakahati sila sa dalawang upuan. "Nakakakilig sila ate Angel." Sabi ni Maqui na halata naman talaga ang pagkakilig sa mga mata. Tumayo saglit si Angel dahil dumeretso siya sa may hapag para kuhanan ang sarili ng cake. Iaabot pa lang sana niya ang cake server nang magtama ang kamay nila ni Elmo. Kukuha din pala ito. "Ako na." Kaagad na sabi ni Elmo. Hindi na kailangan sabihin ni Julie kung anong parte ng cake ang gusto niya dahil alam na kaagad ito ni Elmo. He smiled at her and she smiled back. At least for this day she be civil to him. Hawak pa rin ang mga plato ay sabay silang napatingin kay Richard at kay Angel na magkatabing nakaupo sa sofa. Iniinterview ito ng mga magulang ni Richard. "Ang sarap sa pakiramdam makita na ganyan kasaya si ate." Sabi ni Julie Anne. She sighed to herself. Tahimik na nakatayo sa tabi niya si Elmo. "So may forever nga talaga." He chuckled. Julie shrugged her shoulders. "Yeah. Maybe someday for me too." Sabi na lang niya sa sarili. Hindi sinasadya na napatingin siya kay Elmo na malagkit ang binalik na tingin sa kanya. "Alam ko na wala ako karapatan." Simula ni Elmo. "Pero matagal na akong nagiisip, kahit dati pa...kahit sabihin mo na kapakshetan...I've been sidetracked Lahat...but...you'll always be my forever." He gave her a determined look. She gave back a taken aback one. "O mga anak. Ang sarap pala nitong cake mo talaga bunso." Sabi bigla ni Ian na nakatayo sa tabi nila at kumukuha ng cake. "Tito." Biglang tawag ni Elmo. Matangkad ang tatay ni Julie pero nagpapangabot lang sila ni Elmo. "Ano yon iho?" ngiti ni Ian. Binaba ni Elmo ang hawak na plato at tumingin muna kay Julie bago harapin muli si Ian. "Tito. Magpapaalam po ako. Kahit ayaw po ni Julie..." "Anak ano ba yan kinakabahan ako eh." Sabi ni Ian. "Elmo--" Tawag pa ni Julie but Elmo cut her off. "Tito, aakyat po ako ng ligaw kay Julie Anne." =°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=°=° AN: Tipong okay lang na malate ako sa trabaho basta makaupdate na ako wahahaha! Thanks for reading! Pahingi naman ng comments!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD