Bigla siyang napatayo kaya napalingon ang lahat sa kanya. Nagtatataka. Mabilis niyang niligpit ang pinagkainan at tinapon sa loob ng kanyang bag ang lunch box.
"Mauna na ako. Tapos na akong kumain." halos mautal siya sa pagsasalita pero pinilit niya ang sariling ituwid ang boses niya.
Napapitlag siya ng bigla siyang hawakan sa braso nung lalaking tinawag nilang Zarmen. Halos mapasigaw siya sa gulat.
"Anong nangyari sayo? Hindi mo pa nga nakakalahati iyong pagkain mo." kunot noong saad nito.
"Hindi. Busog na ako. Aalis na ako." pasimple niyang binawi ang braso ngunit mas humigpit pa ang kapit nito.
"Eh di dito ka nalang muna. Bago ka lang dito diba? Siguradong wala ka pang kaibigan."
"Pupunta akong library." buong lakas niyang binawi ang braso dito. Nagulat naman ang huli. "Sige aalis na ako."
Pumihit patalikod si Dash para umalis. Plano niyang tumakbo para makalayo kaagad doon ngunit mahahalata namang masyado siyang nagmamadali at magsususpetya ang mga ito sa kanya. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Handa na sana siyang maglakad paalis ngunit may nakaharang pala sa harap niya. Isang babaeng may mahabang buhok. Nakaputing pantalon at naka gray loose shirt. Nakatingin ito sa kanya kaya napatitig siya sa mga mata nito.
Nakakakilabot ang mga mata ng babae. Walang laman. Tila isang dimension na purong itim. Para siyang hinihigop. Nanghina ang mga binti niya. Napamaang siya. Sino ba ang babaeng ito at ganito nalang ang epekto sa kanya?
"Raven!"
Raven? Nanlaki ang mata niya. May hiyawan siyang narinig sa likod niya. Nagsitayuan ang mga kaibigan ni Cale at sinalubong ang babaeng bagong dating. Para silang ngayon lang nakakita ng babae dahil tuwang tuwa sila sa presensya nito.
"Himala lumabas ka sa lunga mo!" sabi ni Cale dito.
"Mainit. Nagugutom ako."
Nagtaka si Dash sa tono ng boses nito pati na sa uri ng pagsasalita nito. Ang tipid, at walang laman. Naiinitan daw pero hindi naman halata sa mukha nito. Gutom daw pero blanko naman ang ekspresyon.
Nagulat si Dash nang halos hindi mapakali sila Cale sa pagasikaso sa babaeng bagong dating. Pinaupo nila ito at pinaypayan. May limang umorder ng pagkain at may apat na naiwan para paypayan ang dalaga.
Saan nila nakuha ang mga pamaypay na iyan? Ang bilis nila kumilos. Ilang sandali pa ay dumating ang maraming pagkain at inihain nila ito sa harap ng babae na parang prinsesa. Litong lito si Dash sa mga nangyayari. Kung ituring nila ang dalaga ay parang diyos.
Ang dami ng inorder nilang pagkain. Kaya bang ubusin yan lahat ng babaeng yan?
Sa hindi malamang dahilan ay nakita niya ang sariling umopo muli. Napalingon si Cale sa kanya, nagtataka. Naikuyom niya ang kamay. Huwag kang mag tanong dahil kahit ako nagtataka sa kinikilos ko.
Ano bang ginagawa niya?! Bakit siya umopo ulit sa harap nila?! Hindi. Takot siya sa mga ito dahil sa narinig niya. Ang hula niya ang groupo ang mga ito ng gangster! Mga basagulero, mga pipitsuging tao.
Trenta laban sa dalawa? Nagpapatawa ba sila? Kalokohan.
Kung kalokohan ito bakit siya nandito?!
Gusto niyang sabunutan ang sarili. Ano bang ginagawa niya?!
Muli niyang tinignan ang nangyayari sa mesa nila. Sa tatlong salita ay para silang mga uod na binudburan ng asin. Mabilis ang mga galaw at kaagad na pinaglingkuran ang babaeng ngayon ay kumakain. Sigurado siyang sarap na sarap ang babaeng ito. May apat na nagpapaypay, maraming pagkain ang nakahain sa mesa na halos pwede ng pang isang dosena ka tao.
Ngunit bakit wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito?!
Halos limang subo lang ang kinain nito bago dumighay. Nilapag ang kobyertos sa mesa at tumayo. Naroon na naman ang mga galamay nitong parang puppet.
"Aalis ka na? Busog ka na doon?"
"Salamat sa pagkain."
Halos mahulog si Dash sa kanyang kinauupuan nang biglang maghiyawan ang mga ito. Wala siyang ka alam alam sa mga nangyayari. Tuwang tuwa ang mga ito sa hindi niya malamang dahilan.
"Wala yun, Raven! Sus, ikaw pa ba?!"
"Malakas ka sa amin kaya ayos lang!"
"Siya nga pala Raven, pakopyahin mo ako sa quiz natin mamaya ah?"
"May assignment ka ba Raven? Patingin!"
Sumingkit ang mata ni Dash sa mga narinig. Kaya pala parang prinsesa kung ituring, may kailangan pala. Nagsasayang lang siya ng oras dito. Kinuha niya ang bag para umalis. Wala nang saysay ang pananatili niya doon.
May mas cool pa kesa sa talino ng Raven na iyon?
Ano? Ang mata nitong tila nanghihigop? Ang malamig nitong boses na daig pa ang yelo? Ang blanko nitong ekspresyon? Anong cool doon? Pa cool pwede.
Nilagpasan niya ang mga ito na pinagkukumpulan si Raven. Akala niya ay walang nakapansin sa kanya ngunit napahinto siya dahil narinig na naman niya ang boses ng dalaga.
"Sino yon?"
Natuod siya sa kinatatayuan. Naramdaman niyang maraming matang tumingin sa kanya.
"Ah, si Dash!" biglang sumulpot sa tabi niya si Cale at inakbayan siya. "Katabi mo siya kanina sa second period natin."
"Ahh."
Nakita niyang nilagpasan sila ng babaeng iyon. Ahh? Yun lang? Yun lang ang reaksyon nito? Kung magtanong ito ay parang hindi nagtatanong. Pati pagtanong walang kalaman laman! Anong klaseng tao ba ang babaeng iyon?
Naramdaman niyang tumawa si Cale sa tabi niya. "Si Raven talaga oh."
Inalis niya ang braso nitong naka akbay sa kanya at umalis. Bakit siya naiinis sa reaksyon ng babaeng iyon? Wala dapat siyang pakealam. Oo. Dapat wala siyang pakealam kasi hindi naman niya kilala ang babaeng iyon at lalong hindi niya ito kaano-ano.
Mas mabuti pang umuwi na siya total ay mamayang hapon pa naman ang susunod na klase niya.
"Saan ka pupunta, Dash?!" habol pa ni Cale sa kanya.
Kinawayan lang niya ito bago tumakbo palayo. Total ay maaga pa naman, napagdesisyonan niyang pumunta muna sa library para doon muna tumambay. Pag dating niya sa library ay humanap kaagad siya ng librong babasahin niya. Umopo siya sa bakanteng mesa at binuksan ang napili niyang libro na tungkol sa kalikasan.
Mahilig siyang mag basa. Ito ang past time niya kung hindi siya naglalaro ng volleyball. Varsity player siya sa dating University na pinapasukan niya. Pero hindi na muna siguro siya papasok sa varsity ngayong taon.
Dahil sa nangyari noon sa dating pinapasukan niya. Napailing siya. Hindi niya gustong maalala pa ang insidenteng nangyari noon. Naibaba niya ang binabasang libro dahil sa inis. Ngunit halos atakihin siya sa puso dahil sa mukhang tumambad sa kanya.
"Raven?" alanganing tanong niya.
Kumunot ang noo niya. Anong meron sa magtro-tropang ito at palagi nalang siyang ginugulat? Ang awkward din dahil nakatitig ng matiim si Raven sa kanya. Kailan ito umopo doon? Hindi niya naramdamang may umopo sa harap niya.
"Anong ginagawa mo?" takang tanong niya.
"Hmm..."
Naiilang na umatras siya dahil inilapit nito ang mukha sa mukha niya. May mali ba sa mukha niya? O ang utak ng babaeng to ang may maluwag na turnilyo? Halos manginig siya nang bigla itong sumandal sa dibdib niya.
Ano bang ginagawa ng babaeng to?!
Pinagpawisan siya ng malamig. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya o kung anong dapat niyang gawin. Ang lakas ng t***k ng puso niya. Parang sasabog na ito palabas sa katawan niya. Sigurado siyang naririnig din ito ng babaeng nakasandal ang ulo sa dibdib niya.
Gusto niya itong itulak pero tila nawalan siya ng lakas. Para siyang nabingi at tanging t***k ng puso nalang niya ang naririnig niya. Ilang sandali pa ay umalis ito at umayos ng upo. Nakahinga naman siya ng maluwag.
Ano yun?!
Anong ibig sabihin non?!