Ilang saglit lang ay nagsimula na ang klase kaya minabuti ng binata na makinig sa mga sinasabi ng guro. Ngunit hindi niya mapigilang ma distract sa babaeng mukhang natutulog sa tabi niya.
"Psst!"
Napalingon siya sa kanyang likod. Kumaway ang isang lalaki sa kanya. "Ako si Cale. Nice to meet you!"
Pakilala nito sabay lahad ng kamay na tinangap niya. Tinuro nito ang babaeng katabi niya. Napasulyap muli siya dito.
"Siya si Raven." saad nito.
"Hindi ba bawal matulog sa klase?" Nakakapagtaka dahil ilang beses na itong sinulyapan ng kanilang guro ngunit hindi man lang nito sinusuway ang katabi niya.
"Hayaan mo na yan. Hindi naman yan natutulog eh. Tinatamad lang yan. Palagi naman eh."
Natahimik siya. Unang araw palang niya sa lugar na iyon ay may nakasalamuha kaagad siyang kakaiba ang kinikilos. Ang wierdo ng babaeng to. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya dito pero para makasigurado ay iiwasan na lamang niya ito.
"May kasabay ka bang mag lunch mamaya? Sabay ka sa akin, ipapakilala kita sa mga tropa ko." bulong muli ni Cale sa kanya.
PAGKATAPOS ng dalawang klase ay tanghali na. Sabay na lumabas si Dash at Cale patungo sa cafeteria. Tahimik na nakikinig si Dash sa mga kwento Cale. Napakadaldal ng binata, marami itong kwento at napansin rin niyang pala kaibigan ito dahil marami silang nakakasalubong na kinakawayan at kinakausap nito.
Nauna na ang mga kaibigan ni Cale at nakahanap na sila ng mesa na magkakasya silang lahat. Pagdating nila ay nagkagulo kaagad ang magkakaibigan. Naiwan naman sa gilid si Dash habang pinapanood ang mga ito.
Sa isang segundo ay nagsisi siyang sumama pa sa kaklase. Marami pala itong kaibigan at pakiramdam niya ay outsider siya. Para siyang tuod na nakatayo lang sa kanilang tabi hangang sa mapansin siya ng isa sa mga kaibigan ni Cale.
"May bago ka palang kaibigan, Cale."
Napalingon ang lahat sa kanya kaya ngumiti siya. "Ako si Dash, kaka-transfer ko lang dito."
Biglang umakbay ang isa sa kanila sa kanya. "Seriously, Cale? Anong tingin mo sa tropa natin, groupo na naghahanap ng mga recruit?" natatawang saad nito.
"Kilala mo naman ako, friendly akong tao." tila nagmamayabang pa na sagot ni Cale.
Naiilang na tinignan niya ang brasong naka akbay sa kanya. Ayaw niyang maging rude siya sa paningin nila kaya hinayaan niyang akbayan siya nito kahit naiilang na siya. Ang gugulo ng mga kaibigan ni Cale. Kanya kanya sila ng paguugali. Hindi siya sanay na napapalibutan ng maraming tao kaya hindi siya komportable.
"Mukhang hindi komportable itong kaibigan mo sa amin, Cale." saad muli ng lalaking naka akbay sa kanya.
"Pinagtri-tripan mo kasi!" inalis na Cale ang braso nitong naka akbay sa kanya kaya nakahinga siya ng maluwag.
Matagal bago umayos ang lahat. Katakot takot na kulitan at yabangan pa ang nangyari bago sila umayos. Habang mag tatlong umoorder ng pagkain ay napunta ang usapan sa kanya na kanina pa nananahimik.
"Ang swerte mo Dash! Katabi mo si Raven!" hinampas ni Cale ang balikat niya.
Hindi naman masakit kaya wala lang sa kanya. "Sinong Raven?"
"Iyong katabi mo nga! Kakasabi ko lang sa pangalan niya kanina sayo. Nakalimutan mo kaagad?"
Napatango siya. "Ah, pasensya na. Makakalimutin ako sa pangalan."
"Uy, katabi pala nito si Raven? Swerte mo dude!" sabat ng isa sa mga kaibigan ni Cale na hindi niya matandaan ang pangalan.
Nalilito siya. Bakit sinasabi nilang ang swerte niya dahil katabi niya ang wierdong babaeng iyon? Ang pangit talaga ng first impression niya sa babae, pano ba naman kasi natutulog sa gitna ng klase.
"Wala namang espesyal sa kanya." honest na saad niya.
Nagkatinginan silang lahat at natawa. Kumunot ang noo niya. Anong nakakatawa sa sinabi niya? May nakakatawa ba?
"Hindi mo pa kasi siya kilala kaya nasabi mo iyan." depensa ni Cale.
Tumango naman ang iba. "Boy, bibigyan kita ng kaunting kaalaman tungkol diyan kay Raven ah."
Mabilis siyang umiling. "Huwag na. Hindi ako interesado."
Muling natawa ang mga kaibigan ni Cale. "Gusto ko to pare! Ang honest!"
Hindi talaga niya ma gets ang humor ng mga ito. Kahit walang nakakatawa ayon parang kiniliti ni satanas kung makatawa.
"Matalino yan si Raven. Swerte ka dahil katabi mo siya. Walang pakealam ang babaeng yun kahit kopyahin mo pa lahat ng sagot niya."
"Wala rin akong pakealam sa mga sagot niya. Kaya kong mag sagot mag isa." supladong saad niya.
Naiirita na kasi siya. Bakit puro nalang Raven ang bukambibig nila? Mabuti nalang at hindi nagalit ang mga kaibigan ni Cale sa pagsusuplado niya. Hindi naman talaga siya suplado. Hindi niya alam kung bakit kapag naririnig niya ang pangalan na iyon ay naiirita kaagad siya.
Tumawa si Cale. "Hindi lang naman katalinuhan ang meron si Raven eh."
Kung ano man iyon ay wala siyang pakealam. Dumating na ang tatlong nag order ng pagkain. Nilapag na nila ang mga pagkain sa mesa. Nilabas niya mula sa bag ang baong pagkain. Pinabaunan kasi siya ng kanyang mommy ng pagkain. Kaya hindi na siya nag order pa.
"May mas cool pa kay Raven kesa sa talino niya." saad muli ni Cale.
Hindi niya ito pinansin. Binuksan niya ang lunch box at nagsimulang kumain. Kumakain na rin ang iba habang may kanya kanyang pinaguusapan.
"Uy, pinaguusapan niyo si Raven?" tanong ng isa sa mga bagong dating.
"Katabi kasi nitong si Dash kaya pinaguusapan namin."
"Ahh. Ang cool. Katabi mo pala si Raven." baling nito sa kanya.
Tumango lang siya.
"Huwag mo ng kausapin to. Hindi daw interesado kay Raven eh!" Natatawang sabi ni Cale.
"Sinong hindi interesado kay Raven?"
Napalingon silang lahat sa bagong dating. Isang lalaking matangkad at moreno. Maskulado ang katawan at may hitsura. Bumalik sa pagkain si Dash.
"Nahuli ka yata, Zarmen."
"Oo may inasikaso lang. May bago pala dito. Siya ba iyong tinutukoy niyong hindi interesado kay Raven?"
"Huwag mong galawin yan, Zar. Good boy yan."
"Hindi ko naman yan aanuhin."
Umopo ito at nilapag ang dalang pagkain. Napaisip si Dash. Mukhang gusto ng lahat si Raven. Anong meron sa babaeng iyon? Bukod sa natutulog sa gitna ng klase, hindi pa niya nakikita ang mukha nito. Sa dalawang klase nila kanina ay nakaob-ob ang muka nito sa mesa.
"Bakit ka pala natagalan?"
"Sinugod kasi ako kanina. Parang mga tanga, kitang nasa loob ako ng eskwelahan."
"Bawal yan ah! Anong groupo ba?"
"Mga baguhan na gustong umangat kaagad. Ang dami nga nila, kung mga sampu lang kaya ko pa sila pero mahigit kumulang mga trenta sila."
"Mga ulol talaga. Malakas lang ang loob kapag maraming kasama."
"Pano mo sila napatumba? Ni isa wala kang tama ah."
"Mabuti nalang dumating ang Hari natin. Kung hindi yun dumating gulpi na ako ngayon."
Pinagpawisan ng malamig si Dash sa mga narinig niya. Groupo? Baguhan? Napatumba? Tama? Hari? Naibaba niya ang kubyertos. Ano ba sila? Hindi niya gustong maghusga pero sa mga narinig niya ay klaro namang mga gangster sila!