"Are you okay?"
Napalingon siya kay Raven. Ayan na naman ang titig nitong tila binabasa ang buong pagkatao niya.
"Oo naman! Bakit?" sagot niya sabay tawa.
Umaga na naman, bagong araw at nandito na naman siya sa pinapasukang skwelahan. As usual, may kanya kanyang mundo ang lahat. Unang subject ni Dash para sa araw na ito ay ang subject kung saan kasama niya si Raven at Cale.
Si Cale may kung sinong kausap sa phone nito, may patawa tawa pa ang kumag. Si Raven kung makatitig kulang nalang kuhanan siya ng litrato, mas malala pa ito sa stalker. Ang awkward.
"May..." nagaalanganan siyang komprontahin ito, aside the fact that she's scary and weird hindi niya rin alam kung ano ang takbo ng isip ng babae considering na may Alexithymia ito.
"May dumi ba sa mukha ko?"
Hindi na nagawang sumagot ni Raven dahil dumating na ang kanilang professor. Dalawang mahabang oras ang klase nilang ito plus boring pa mag turo ang professor kaya sa buong oras na iyon ay nakatunganga lang si Dash.
Pagkatapos ng klase nilapitan sila ni Cale at inaya.
"Pass, may klase pa ako mamaya kaya kayo nalang," tangi niya.
"Kill joy naman nito, promise hindi na kita dadalhin sa—" yumuko ito sa kanila sabay bulong, "Underground arena,"
Napalingon si Dash sa mga kaklase nilang babae na pinapanood pala sila kanina pa at nakita ng mga ito ang ginawa ni Cale. He mentally face palmed, siguradong iba ang iniisip ng mga ito sa nakita nila.
"Shut up Cale," sita niya sabay ligpit sa mga gamit niya at tumayo, "Bahala ka kung saan mo gustong pumunta, out ako diyan,"
"Akala mo naman hindi ka nag enjoy sa pinuntahan natin noong byernes ah!" tukoy nito sa nangyaring biglaang pago-outing nila sa beach.
"Saan kaya sila pumunta noong byernes?"
"Yieks! Baka doon sa mga strip club, perverts!"
"Ito naman ang dumi ng isip, baka nag pick-up sila ng babae tapos nag hotel,"
"Kita mo to, mas marumi pa isip mo sa akin eh!"
"Shh! Pinapanood tayo ni Dash!"
"Patay!"
Sabay na lumingon sa kanya ang groupo ng kababaehan, nakita ng mga ito ang mukha niyang parang maghu-hunting ng tao kaya parang sinilihan ang pwet na kumaripas ang mga ito ng takbo.
Tawa ng tawa si Cale sa nasaksihan, hinampas hampas nito ang balikat niya. "Chill ka lang pre! Wala namang totoo sa mga sinasabi nila!" natatawa pa ring ani nito.
"Ang laki kasi ng bunganga mo. Tignan mo kung ano-anong iniisip nila sa atin. Diyan ka na nga,"
"See you around, Dash!" pahabol pa ng kumag. "Come on, Raven, magpaalam ka kay Dash,"
Sa totoo lang masama ang pakiramdam niya, totoong may klase pa siya pero wala siyang balak na pumasok dahil uuwi na siya. Siguradong wala pa si Latina ngayon, gabi na umuuwi ang babaeng iyon eh.
Mainit ang pakiramdam niya, sinisipon din siya, mabigat ang katawan niya na kung pwede nga lang ay gagapang siya pauwi sa bahay nila. It seems like forever bago siya nakarating sa gate ng kanilang bahay, pag pasok niya ay tama siyay wala pa nga ang pinsan.
Hindi na niya matandaan kung saan niya tinapon ang kanyang bag, basta pumasok kaagad siya sa kwarto niya at humilata sa kama. Kakapikit palang ng mga mata niya ay nakatulog kaagad siya. Naalimpungutan lang siya nang may maramdamang presensya sa loob ng bahay at naririnig niya ang bawat hakbang ng paa nito at kilos ng katawan.
Tinatamad siyang bumangon, anong oras na ba? Si Latina siguro iyon, nakauwi na pala ang pinsan niya. Mainit pa rin ang pakiramdam niya, kung kanina sipon lang meron siya ngayon pati ubo nagkaroon siya.
Anong klaseng virus naman kaya ang nasagap niya?
'Raven Virus'
Inub-ob niya ang mukha sa unan. Ano bang iniisip niya? Saan galing iyong Raven Virus? Sa baul? Malala na ang sakit niya, kung ano-ano nalang ang pumapasok sa isip niya. Umayos siya ng higa tapos ay kinumutan ang sarili, tumagilid siya paharap sa pinto ng kwarto niya. Mas mabuti pang bumalik sa pagtu...
ANONG GINAGAWA NI RAVEN DITO SA LOOB NG KWARTO NIYA?
"You're awake, good," casual na saad nito at sinirado ang pinto. Nilapag nito ang dalang tray sa maliit na mesa na nandito sa kwarto niya.
Tahimik niyang sinundan ang galaw nito.
"Kung may plano kang matulog ulit kumain ka muna at uminom ng gamot," hindi niya alam kung concern ba ito dahil blanko lang naman ang ekspresyon ng dalaga tapos wala pang emosyon ang pagsasalita nito.
"Hmm," namewang ito at tinitigan ang nakahandang pagkain, tubig at gamot. "If I remember what Cale said correctly, this should help you get better sooner,"
Hindi makapaniwala si Dash sa nakikita. Hindi niya ini-expect na si Raven pala ang nandito at hindi ang pinsan niya. Pagtingin niya sa wall clock na nasa loob ng kwarto niya ay ala-una pa pala ng tanghali! Hindi ba ito pumasok sa klase nito ngayon sa ganitong oras?
"What are you staring at? Nakakagaling bang tumitig lang sa pagkain?"
Bigla siyang natauhan sa sinabi nito. Inalis niya ang kumot at mabilis na tumayo sabay turo dito.
"Anong ginagawa mo sa loob ng pamamahay ko? Wala ka bang klase? Nasaan iyong buntot mong si Cale? Akala ko ba gagala kayo? At..." tinitigan niya ang pagkaing nakahanda sa mesa, "Ano yan?"
"Hmm, nakakagaling nga kapag tititigan mo lang ang pagkain..."
"Hoy, sagutin mo nga ako!"
"It's lugaw..."
"Ha?"
"I just told you, eat up."
Lugaw? Napalunok siya at umopo sa harap ng mesa. Lugar ang tawag sa pagkain na ito? Kung tama ang pagkakatanda niya hindi naman itim ang kulay ng lugaw. Ibang version siguro ang niluto ni Raven, pang kulto version.
Ayaw niyang kainin ang 'lugaw', baka imbis na gumaling pumanaw pa siya. Tinignan niya ang gamot na nakalagay sa gilid, hindi naman pang lagnat ang gamot na ito eh!
"Papatayin mo ba ako?"
"Kung may plano akong patayin ka, hindi ka na sana humihinga ngayon,"
"Anong tawag mo dito?! Marunong ka bang magluto? Alam mo ba ang tamang gamot sa lagnat?"
Saglit na katahimikan. Napahiga siya sa sahig. She's hopeless. Ke-babaeng tao walang alam sa pag-aalaga ng may sakit.
"I just followed Cale's instructions, and I think I nailed it,"
Pakiramdam niya ay mas tumaas pa ang lagnat niya. Naubos lahat ng enerhiya niya kaya gumapang siya papunta sa kama at buong pwersang inangat ang sarili para ibagsak ang katawan sa malambot na foam.
"Ewan ko sa inyo, maslumalala yata ang lagnat ko,"
"SO the devil is sick huh?"
Nadatnan ni Latina si Raven sa kanilang sala at nakatitig sa sunog na pagkaing nasa mesa. The woman explained when she asked her. Hindi niya alam kung paano ito nakapasok sa bahay nila, probably because her stupid cousin left the door open.
Natatawa siya sa expression ng kaibigan ng pinsan niya habang nakatitig ito sa pagkaing napag-alaman niyang niluto nito or rather, sinunog.
"I don't know how to cook, because everyone do it for me," paliwanag nito kahit hindi naman siya nagtanong.
"Ahh,"
She tied her hair up in a ponytail at pumasok sa kusina. Hinanda niya ang mga lulutuin niya para magkalaman namang ang tiyan ng pinsan niyang sigurado siyang hindi kumain ng tanghalian at kaunti lang din ang kinain nito kaninang umaga.
Nilingon niya ang kaibigan ni Dash na nakatayo lang sa bungad ng kusina.
"Aren't you going to help?"
"No."
Straightforward. Honest. And emotionless. Sino nga ulit ang babaeng ito? Saan ito napulot ng pinsan niyang abno? May mali rin sa kilos ng babae, para itong robot. Sigurado naman siyang hindi machine ang babaeng iyan dahil pinisil niya ang pisngi nito kanina dahil mukhang hindi siya napansin at busy kakatitig sa niluto nitong sunog na sunog.
"May sakit ka sa utak no?" she asked without looking at her and still preparing the ingredients of tonight's menu.
"How did you know?"
Tama nga siya. She didn't expect that answer. "Just a wild guess."
Pagkatapos niyang magluto ay ito ang inutusan niyang maghatid ng pagkain sa pinsan niyang parang batang sakitin.
"Ano nga ulit pangalan mo?" pigil niya dito nang papasok na sana ito sa kwarto ng pinsan niya.
Lumingon ito sa kanya and with a blank face and straight voice she answered.
"I'm Raven Angeles."