"Latina, siguraduhin mong masarap ang ulam kundi—" natigilan siya nang tumunghay siya para tignan ang pinsan niya ngunit si Raven pala iyong pumasok.
"Huh? Nandito ka pa rin pala, Raven?" takang tanong niya.
Naglakad ito papunta sa maliit na mesa sabay lapag ng dala. Umupo ito sa sahig na naka indian style.
"Hmm, Latina cooked this. Eat up."
Bumangon siya para samahan ito sa mesa. "Bakit ikaw naghatid nito? Sana umuwi ka nalang, hindi ka ba papagalitang nagabihan ka ng uwi?"
"Latina asked me to."
"Ano naman kaya pumasok sa utak ng batang iyon?" he murmured to himself and start to eat the food.
Masarap mag luto si Latina, kahit teenager pa ay parang pang five star restaurant na ang datingan ng luto nito. And of course he is exaggerating, but the food is really good.
Napansin niyang nakatitig lang sa kanya si Raven. Hindi pa ba ito kumakain? Ang bastos naman niya at kumain kaagad ng hindi niya ito inaaya.
"Kumain ka na? Kain tayo," saad niya matapos lunukin ang pagkain na nasa bibig.
Imbis na paunlakan ay aya niya ay tanong ang isinagot nito sa kanya.
"How are you feeling?"
That caught him off guard. Not because this is the first time someone asked how is he, but because of Raven's voice sounds so concern. Still, her face is as usual emotionless.
Is this normal? For a person diagnosed with alexithymia to have such emotions in the way they speak? Or is she learning to develop some emotions?
Dash cleared the lump in his throat and answered with a fake happy voice, "Yeah, I'll be okay!"
Tahimik lang si Raven so he think she believes him. Pero ang totoo pinipilit niya lang kumain kahit wala siyang gana. Ang gusto niya nalang gawin ay humilata hangang sa gumaling siya.
"Why is everybody saying that 'its okay' when it really is not okay?" biglang saad ni Raven na nagpatigil sa kanya.
"Huh?"
"Napansin ko lang, everytime a person has a problem, they keep saying that it's okay. Why?"
Anong pinagsasabi nito? Natural lang naman sigurong magsabi ng 'magiging okay rin iyan' or 'its okay' kapag sa ganitong sitwasyon diba? Come to think of it, hindi lang pala sa mga ganitong sitwasyon niya naririnig ang mga salitang iyan kundi pati na rin sa mga taong problemado sa buhay na naglalabas ng sama ng loob sa pinakatitiwalaan nilang tao.
And that kind of line was often heard from people who listens to a person's burden.
'okay lang iyan.'
'lilipas rin iyang problema mo!'
'itulog mo lang, mawawal rin yan.'
"Saying that to someone whether he/she has a big problem or small won't even help a bit. Because having a problem is not really okay," saad ni Raven. Natahimik siya at napa-isip. "Buti sana kung may switch ang utak ng tao, kapag sasabihin mong 'okay lang iyan' magiging okay ka kaagad, but no, it's not working that way."
For a person who has no ability to social skill, empathy and emotion, Raven sure thinks outside the box. This is the first time he heard someone speaking their mind, especially Raven who is always quiet and distant.
Iba mag isip si Raven, hindi nito naiintindihan ang mga tao sa paligid niya, but he is surprised to hear this from her. He is not expecting it at all.
Because of what she lack, she tries to cover it up by observing people's behaviors and ways of thingking. And because Raven is not capable of understanding people, she's coping up with her own ideas which she have a point.
Tama si Raven. Ngayon lang iyan pumasok sa isip niya pero naiintindihan niya ang gustong ipahiwatig ng dalaga. At tama ito. Pero...
Bakit ba sila humantong sa ganitong usapan?!
"Isn't it ironic? Kahit alam mong hindi ka okay, sinasabi mo pa ring okay ka lang. People tend to lie, kahit na sa mga sarili nila," saad muli nito, "And I call those kind of people stupid."
Hindi alam ni Dash kung anong sasabihin niya. Raven seems to change from distant to talkative. Masyado bang masarap ang luto ng pinsan niya para dumaldal ito ngayon?
O baka naman lasing ang babaeng ito?
Alam niyang seryoso ito, pero nawe-weirdo-han talaga siya sa inaasta nito ngayon.
"Stupid?"
"Because they know the truth but still choose to lie. May makukuha ba sila kung magsinungaling? Mas madadagdagan lang ang problema nila."
"Teka, Rav—"
"When a person is sharing a problem to them, they'll just say the same answer, 'It will be okay'. Are they speechless or they just don't know when to shut up and just listen? Because a person doesn't really needs advice like that unless they asked it."
Bumalik na naman sila sa topic na iyan. "Raven, wai—"
"I don't really know about a person's emotions, but I know when a person needs to wake up into reality."
"Teka, teka, sandali lang Raven. Hinay hinay lang," naiintindihan niya ang pinupunto nito pero hindi niya alam kung bakit sila humantong sa ganito.
And he is too tired to listen to her.
"I'm just voicing out what I observed and my opinions," saad muli nito. "It seems like you already finished your food, drink your meds and proceed to sleep para gumaling ka kaagad."
Basta nalang nito niligpit ang pinagkainan niya tapos ay iniwan ang gamot at tubig bago lumabas sa kwarto niya. Uminom siya ng gamot at muling sumampa sa kama.
Raven have a weird way of caring for someone. Hindi niya maramdamang nag-aalala ito sa kanya pero nakikita niya sa kilos nito ang lahat. Hindi siguro nito napansin na natural nalang nitong ginagawa ang mga bagay na hindi nito sanay o kadalasang ginagawa.
Dash was amazed by her all of a sudden. May ganitong side pala si Raven na siguro ay siya pa ang nakakakita.
Muling bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at sumilip ang ulo ni Latina. "Psst! Umalis na iyong Raven mo."
Eh? Hindi man lang nagpaalam sa kanya? Sabagaya pumasok ito sa bahay ng hindi rin nagpapaalam sa kanya. Kung kanina pa pala itong tanghali dito ibig sabihin ay hindi ito pumasok sa panghapon nitong klase.
Teka, may nakaligtaan yata siya sa sinabi ng pinsan niya. "Pakiulit nga ng sinabi mo?"
"Umalis na iyong Raven mo, bakit ba?" iritang umirap ito.
"Anong Raven ko?! Anong pinagsasabi mo diyan ha, Latina?!" ngayon lang rumehestro sa utak niya ang sinabi nito.
Unang-una hindi niya pagmamay-ari si Raven. Pangalawa ay magkaibigan lang sila. Tama, magkaibigan lang sila kaya walang dapat na isipin pa.
"Kunwari pa, gusto mo naman."
"Tumigil ka nga jan!" namula ang buong mukha niya. "Ikuha mo ako ng tubig, nauuhaw ako!" Utos niya dito para umalis sa pinto ng kwarto niya.
Sinirado nito ang pinto at makakahinga na sana siya ng maluwag nang marinig niya ang sinabi nito na siyang mas nagpapula sa buong mukha at taenga niya.
"Halatang umiiwas oh, kahit may tubig pa nga na hinatid ni Raven kanina."
"SIGURADO ka bang papasok ka talaga ngayon? Wala ka na bang lagnat?"
Ang kulit. Kanina pa siya nagpumilit na umalis ng bahay pero hinaharangan siya ng bubwit na ito.
"Oo nga, alis diyan male-late ako sa klase ko!" taboy niya dito dahil nakaharang ito sa pinto ng bahay nila.
"Kakagaling mo lang sa lagnat, mabibinat ka! Gusto mo bang lumala iyang sakit mo? Isusumbong kita sa Raven mo, sige ka!"
Ano?! Ayan na naman siya sa 'Raven mo' na iyan. Nababaliw na ang pinsan niya, kung ano-ano nalang ang iniisip eh wala namang katotohanan.
Wala nga ba? Bakit niya nararamdamang unti unting umiinit ang buong mukha niya? Namumula ba siya? Ano siya, teenager?!
"Tignan mo, bigkasin ko lang pangalan ng babaeng iyon para ka nang hihimatayin."
"Shut up!"
In the end, hindi siya nakapasok sa araw na iyon dahil kinulong siya ng pinsan sa sarili niyang kwarto at nagkataong wala itong pasok o tinamad lang talagang pumasok at ginawa siya nitong excuse sa teacher.
Walanghiya talaga, nag take advantage pa sa sakit niya.