Kaira Cailie "HAYS! Tinatamad na akong pumunta," sabay higa ko sa kama. Shet na malupet, ayoko na talaga. Wala akong gana sumama sa party na 'yon. Bakit nga ulit ako umu-OO? "This is your chance, Rara! Tiyak andun si Cooler at magagawa mo na 'yung plano mo.”sabi ni Yanyan habang hinihila-hila ako pababa ng kama. "Yeah, tama si Jean. Kaya umayos ka na d'yan, Kaira. Sasamahan ka naman ni Yanyan eh," dagdag pa ni Yumi habang naka-cross arms sa gilid. We’re here at my room. At nililigawan ako nang dalawa para lang umattend sa party. "Eh bakit ikaw? Hindi ka ba sasama?" tanong ko. Bumuntong hininga siya . “Hindi. May gagawin akong mga pendings. Kaya ikaw na lang. Go get that boy.” "OO NGA! Pagseselosin lang naman natin si Cooler 'di ba? “ paningit ni Yanyan habang todo effort pa rin sa

