Kaira Cailie Hays. Dahan-dahan kong tinaas ang damit ni Akash habang nakapikit. Nakabalik kami ng room niya nang walang nakakapansin. Ang akala lang siguro nila ay maglabing-labing kami. “Kainis naman, Aka! Magpatawag na kasi tayo ng tulong. 'Wag ka ng maarte please!” inis kong sabi. Ilang beses ko kasi siyang kinumbinse na humingi na kami ng tulong o dalhin sa hospital pero tumanggi lang siya. Ang tanging inutos niya lang ay kuhanin ko ang gamot niya. “Psh. No way. You’re the reason I’m in this situation right now, so you’re the one who’s going to take care of me!” he said with his eyes closed, clutching his chest. Sabi niya kasi he was still having a hard time breathing. Pero sobrang kulit ayaw niya talaga magpadala sa hospital. “Baka naman nag-iinarte ka lang, a?” Hinampas ko siy

